First
Habang naglalakad ako sa field ng school nakita ko si Mark na nakaupo sa ilalim ng puno at para bang ang saya ng iniisip niya.
Nilapitan ko na siya.
"Mark Lee".Tawag ko sakanya pero hindi niya ata ako narinig.Sobrang lalim naman ng iniisip nito.
" Hoy Mark Lee".Sa pagkakataon na ito pinitik ko na ang kamay ko sa mukha niya.
"*bumalik sa wisyo*Uyyyy ikaw pala Donghyuck.Ano kailagan mo?" Sabay ngiti niya sa akin.Awww wag ka ganyan Mark Lee baka matunaw ako.
Pero bakit ang saya niya?Nakahithit ba to?"Bakit ang saya mo?Masaya ka ba na nakita mo ako ha?" Sana oo
"Luhhh hindi no.May iniisip lang ako." Sabay ngiti niya naman.
Ouch.Bad.
Biglang lumungkot ang mood ko.Mark Lee naman eh.
"Sino naman yang iniisip mo ha?Sobrang ganda naman nang iniisip mo,laki ng ngiti mo." Sabay biglang bigay ng death glare sakanya.Okay lang hindi niya naman napapansin.EH KASI ANG GANDA NG INIISIP NIYA.
"Oo sobrang ganda." Sabay ngiti niya sa langit.
Maganda ang langit?
But wait.Maganda?Sobrang ganda?!!!!
"Si-si-si sinong maganda?" Maiiyak na ata ako.
"Yung bagong transferee!Yung cute!"
"Grabe ang cute niya!Alam mo ba close na kami agad ni Winwin.Nung hinawakan ko yung tenga niya,na in love ako agad sakanya." Sinasabi niya yun habang niyugyog niya yung balikat ko.Sobrang saya niya habang yung puso ko nayugyog na din sa sobrang sakit.
"Noong una sobrang mahiyain niya pero nung nagkausap na kami,ang sarap pala niyang kausap.Alam mo ba na marunong din siya mag-guitar.Hahaha."
Marunong lang ako magpiano pero para sayo kaya ko matuto mag-guitar.
"Mahilig din siya sa mga mobile games.Hahaha grabe gumawa nga kami ng team."
Marunong din ako maglaro pero hindi mo yun napapansin
"Ang lambot din ng pisngi niya parang rice cake.Palagi ko nga yun pinipisil kapag nacu-cute an ako sakanya."
Malambot din ang pisngi ko na parang clay Mark Lee
Tsaka cute din ako
"Nakakatawa din siya Donghyuck.Mahilig din siya magjoke.Joker pala si Winwin."
Napapasaya din kita Mark.Mahilig din ako magpatawa pagdating sayo.Joker ako Mark.
"Malambot din ang tenga niya.Palagi ko nga yun hinahawakan kapag nag uusap kami."
Hinahawakan ko din tenga mo
"Swerte ko nga nalalagay ko yung ulo ko sa balikat niya."
Nilalagay ko din ang ulo ko sa balikat mo pero palagi mo yun inaalis

BINABASA MO ANG
I Don't Love You| Markhyuck
FanficMatagal ng mahal ni Donghyuck si Mark pero tila itong bato sa sobrang manhid.Ano kayang mangyayari sa kanilang dalawa kapag may nagustuhan na si Mark?Paano si Donghyuck?