Mabilis akong mag-isip sa bawat kilos ng tao sa paligid ko. Minsan gusto kong mabasa ang nasa isip nila,nang sa ganun alam ko ang gusto at ayaw nila sa pagkatao ko.
Gusto ko lahat kaibigan ko. Pero gusto ko din minsan na may inaaway ako.
Trip kong mang-inis ng tao. Natutuwa ako 'pag napipikon sila sa pang aasar ko. Pero pag ako ang ininis,sobrang galit ang nararamdaman ko.
Lilipas ang oras ako pa rin ang magso-sorry. Mabilis akong ma-guilty.
Most of the time nananadya ako. Sasadyain kong gawin ang mga bagay na kaiinisan ng isang malapit sakin.
Gagawin ko yun hanggang sa mapikon siya.
Hanggang sa awayin niya ko. At aawayin ko din siya.
Tapos mare-realize ko na ako talaga ang mali kaya maglalambing ako.
Syempre magpapakipot yung nilalambing ko at magagalit ako kaya umpisa na naman ng gyera.
BINABASA MO ANG
Lagi na lang kasi
RandomMahahanap mo din ang sagot kung bakit ka ganyan... Don't stop being weird..