Ginagawa ko kung anumang kaya ko na magpapasaya sa taong importante sakin.
Kahit na magmukang tanga basta para sa kanya. Pero sa loob loob ko,gusto kong gawin niya rin akong importante sa buhay niya.
Once na naramdaman kong mahal ako,nagmamahal din ako..nang totoo.
Gustong gusto kong bumabawi sa taong nagbibigay ng special treatment sakin.
Pag nag- admire ako,todo todo!
Pero once na makakita ako ng mali kumakalas ako.
Ang problema,madali akong ma-fall ulit.
Mabilis akong ma-inspire sa mga bagay bagay.
Mabilis akong maniwala sa pangako.
Mabilis akong umasa,kaya mabilis at malalim akong masaktan.
Mag-eexpect ako ng mga bagay bagay. At kapag hindi nangyari,maiinis ako.
Kasalanan ko.
Kaya kong magtago ng sakit na nararamdaman.
Pero kapag napuno ako,sagad sa buto ang galit ko na parang gusto kong pumatay. (pero wala pa naman akong napapatay sa ngayon,hehe)
BINABASA MO ANG
Lagi na lang kasi
RandomMahahanap mo din ang sagot kung bakit ka ganyan... Don't stop being weird..