"Amber no, stop!" sabi ko habang nakapikit parin ang mga mata, nararamdaman kong may parang kumikiliti sa tenga ko nakasanayan na ata ni Amber na kilitiin yung tenga ko ng buntot nya. Oo buntot kasi puppy si amber, isang cute na cute na pomeranian puppy.
Ayaw nya tumigil hanggat di ko idinidilat ang aking mga mata, ah! gusto yata makipagkulitan din ako sa kanya
"Ikaw talaga, gustong gusto mong kinukulit din kita no? Hmm! hmm! ang cute cute mo talaga amber at ang sweet sweet! kaya love na love ka ni mommy eh!" sabi ko habang pinangigigilan si amber at isinusuklay suklay ko ang aking mga daliri sa kanya na tila gustong gusto naman nya.
"Halika na nga amber, at bumaba na tayo dun siguradong naghihintay na si mommy" akmang bababa na ako ng aking kama ng saktong bumukas ang pinto ng aking kwarto na iniluwa ang isang napaka gwapong likha ng diyos, si Jacob..
"Uy pre! good morning! may tuyong laway ka pa sa gilid ng labi mo oh" bati nito habang tumatawa at agad ko namang kinapa kung mayroon nga. bwisit talaga ang lalaking to bigla bigla pumapasok dito sa kwarto ko, sabi ko sa isip ko.
"hi baby amber! namiss mo ba si daddy ha?" agad naman lumapit sa kanya si amber habang iwinawagayway nito ang buntot na tila galak na galak na makita si Jacob..
"Hoy pre! tigil tigilan mo nga kakasabing ikaw ang daddy nya, baka mamaya kapag nahanap ko na talaga yung magiging daddy nya e malito sya. Isa pa, diba may anak na kayo ni Vanessa si Nixus ba yun? kaya lubayan mo ang amber ko!" sabi ko.
"Hmm? do you really think na makakahanap ka ng daddy ni amber na mas gwapo pa saakin? Wala na no, ako lang ang daddy ni amber. Right amber? " Biro nyang sabi at tumingin ulit kay amber.
"Ha! magkakaroon din ako ng boyfriend sadyang wala pa lang talagang pinapadala ngayon si G, kasi hinahanapan pa nya ako ng isang perfect guy, you know"
lumapit na din ako sa kanila at hinaplos haplos yung ulo ni amber.
Arrghh! bakit kaya ang bango bango lagi ng lalaking to? naliligo ba to ng pabango? para akong malalasing sa amoy nya..
Ghaaaaad! ang tangos ng ilong, perfect set of white teeth, at yung dimples mas malalim pa ata sa butas ng ilong ko.
Kung ako siguro ang girlfriend ni Jacob, ako na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
"Pre, oy! oy! nagdi-daydream ka nanaman dyan! " sabi nito habang tumatawa.
"iniisip mo nanaman ba magiging future nyo ni Andrew? tsk tsk tsk ewan ko ba sayo ba't crush na crush mo yun, iwasan mo nga yun dahil madalas ko syang makita na may kasamang iba ibang babae sa school." tila inis nyang sabi at ibinaba na si amber sa sahig.
"Ha? anong crush na crush ka dyan eh---"
"Bumaba ka na daw sabi ni tita, kanina ka pa nya pinapatawag saakin" putol nya sa sasabihin ko at lumabas na ng kwarto ko.
Bakit parang nagbago na bigla ang mood nito? haaysss ang lalaking to napakahirap talagang maintindihan.
Bababa na sana ako ng aking kama ng bigla uli bumukas ang pinto
"Ang nipis ng suot mo, may bisita kayo. Magpalit ka!" at tuluyan ng sumara ang pinto.
Bigla naman akong napahawak sa harap ko!
Sht! Jusko wala pala akong bra!
Haaaaay Lucy ang tanga tanga mo talaga!
Nahalata kaya nya? nakita kaya nya?
Lucy talaga!!! Inis na inis kong sabi sa sarili ko.
Nako baka naturn off na talaga saakin yun! T_T
Pero ba't naman sya matiturn off? May laman naman to no!
Para kong baliw na tutol sa isip ko sabay kapa ulit sa aking hinaharap.
Baka nga naging good pa yung morning nya?
Bigla akong napangiti sa naisip..
Huh! Bahala sya dyan, managinip sya!! Makababa na nga!
Come on Amber!! Samahan na natin ang daddy mo magbreakfast!! Hihihi :))))))
BINABASA MO ANG
I love you, Bestfriend!
RomanceSi Lucy ay palihim na umiibig sa kanyang childhood bestfriend na si Jacob. Ngunit noon pa ma'y alam na niyang kahit kailan ay matalik na kaibigan lamang ang turing nito sa kanya lalo pa at ito ay sobrang umiibig sa nobya nyang si Vanessa. Paano na n...