Endless-5♥

784 14 0
                                    

*FIFTH*

~KURT~

Paguwi ko galing sa bahay nila Grace nadatnan ko ang kuya nya sa bahay namin, nako ano naman ang atraso ko ? wala akong maalala..

"Kurt iho nanjan ka na pala kanina ka pa hinihintay ng Kuya ni Grace sige maiwan ko na kayo mukang boy talk yan mwehehehehe"

"thank you po Tita Karla" sabi ni kuya Nicolo

pinasok na ng mga maid ang gamit ko

"kuya bakit ka napadalaw ? may atraso ba ko ? nako sorry na"

"may kailangan tayong pag-usapan about my sister Nichole"

mukang seryoso sya kaya medyo kinabahan ako "ah ga-ganun ba dun tayo sa Garden"

nagpunta kami sa garden nagpadala na din ako ng maiinom namin sa maid juice lang talaga ang pinapadala ko pero umangal si Kuya Nicolo mag-inuman na din daw kami minsan lang naman daw at hindi daw nya ko isusumbong kay Grace kaya wala dapat ipag-alala

"ah ano ba ang tungkol kay Grace?"

ngumiti sya and its a bitter smile i guess "yung kapatid ko na yon sobrang sweet, bago pa ko tuluyang magalit mapapakalma na nya ko sa isang yakap lang" tumungga sya ng beer bago magpatuloy "laging maganda ang umaga naming lahat dahil sa kanya sya lagi ang unang nagigising tutulong magluto ng breakfast sa mga maid kapag handa na kakatukin na nya kami sa kwarto"

yumuko sya at hindi ako pwedeng magkamali may mga luhang tumulo mula sa mga mata nya

"kuya may problema ba kay Grace?"

pinilit nya ngumiti pero nakayuko pa din sya "mahal mo ba talaga ang kapatid ko?"

nashock ako sa tanong nya hindi ba obvious? "hindi ko sya mahal kasi mahal na mahal na mahal na mahal ko sya"

"bakit ko ba tinanong pa eh halata naman na ha-ha-ha sana nagtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo bro baka di mo kayanin kapag nawala na sya"

ngumiti ako yung ngiting panatag "hindi naman sya mawawala sakin sinabi nya yon di nya ko iiwan ako din naman hindi ko sya iiwan masyado naming mahal ang isat-isa para gawin ang bagay na yon"

ENDLESSWhere stories live. Discover now