Chapter 3 - Selos ka?

13 0 0
                                    

Ara's POV

"Okay guys, according to our principal, Wala daw tayong klase ngayon kasi lahat ng 4th year Highschool ay manunuod sa laban mamaya sa Gym. Yung mga naka'pasok daw noon sa tryout ng Basketball, pumunta sa Men's Faculty room. 3 lang daw yung naka'pasa noon diba? Sila Flores, Castro at Perez? Punta na kayo. Yung natira naman maaari ng magtake ng break at pag nagbell na, diretsyo na sa Gym. Okay yun lang." Sabi ng Class President namin.

Naghiyawan naman ang buong klase. Kasama pala si Dian dun. Ichi'cheer ko nalang siya mamaya. Supportive Bestfriend ako no!

Kumain lang ako then bumili ng cartolina. Gagawa ako ng pangcheer kay Dian. Papunta na ako ng Stationery pero napahinto ako sa nakita ko...

Si Dian at Angel ay magkayakap...

Sa gilid naman ng pader nakita ko si Norman. Naka'close fist siya. Halatang galit na galit sa nakikita. Lalapitan na sana niya sila Angel kaso inunahan ko na. Hinila ko siya palayo.

"What the-" naputol yung sasabihin niya.

"Shhhh."

"Ba't mo ko hinila dito?!"

"Sabing Shhhhhh. e!"

"Sino ka ba?" medjo pagalit na tanong niya.

"Ara. Ara Inson. Wag ka munang maingay pwede?"

"Oo na. Ba't mo nga ako hinila?" Pabulong na tanong niya.

"Baka kasi suntukin mo si Dian e."

"Susuntukin ko na sana e."

"Hayup ka. Wag mo siyang sasaktan."

"Bakit? Crush mo no?"

"Mahal ko yun. Bestfriend ko e."

Natahimik lang siya. Mahal ko naman talaga yun. Diba nga ang magbestfriend nagmamahalan?

"Ara." sabi niya ng naka'yuko.

"Oh?"

"Pwede bang.. Pwede mo ba akong tulungan?"

"Saan naman?"

"Tulungan mo ako na pagselosin si Angel. Ita'try ko lang kung may nararamdaman parin siya sa akin. Mamaya may laro kami. Pwede ka bang magcheer sa akin? Pwede ka rin bang maging sweet na parang boyfriend sa akin mamaya?"

"H-ha? p-pag-iisipan k-ko" nauutal kong sagot.

"Sige. Pag Ok lang sayo pumunta ka sa harap na upuan sa Gym. Yung bench dun sa bandang baba. Nagserve kasi ako ng isang upuan don. Sabihin mo lang na ikaw yung papaupuin ko dun. Sige una na ako. Bye." sabi niya sabay tap sa ulo ko. Tumakbo na rin siya agad.

Shiiiift! Si Norman. Waaaaah! Yung crush ko! Totoo ba lahat ng nangyayari ngayon?! Parang noon lang gustong gusto ko siya icheer, kaso nahihiya ako kaya si Dian lang nachi'cheer ko. Ngayon siya na mismo nagsabi na ipag'cheer ko siya! Waaaaaah! Pakshet this.

Bumili na ako ng cartolina. Then gumawa na. Nang matapos na ako, bumili ako ng maiinom at chips narin. Para kung sakaling magutom siya. Ta's dumeretsyo na rin ako ng Gym at tulad nga ng sabi ni Norman, dun ako umupo sa bandang baba. Nakita ko naman si Angel na naka'upo sa bandang baba pa saamin. 2 rows ang pagitan namin.

Ba't nandun siya? Akala ko ba para lang sa basketball players lang yun? pwede rin pala yun sa iba kung ininvite sila ng ibang players o teachers. Parang ako na ininvite ni Norman kaya nandito ako.

So ibig sabihin, sinabihan siya ni Dian na doon umupo ta's ako.. ta's ako hindi? Aray lang ..

Buti pa si Angel nayaya. Akong Bestfriend niya hindi? Tss.

Nagsimula na yung game. Nakita ko na tumingin sa akin si Norman. Ngumiti pa siya. Ta's pasimple siyang tumingin kay Angel. Tinignan ko rin si Angel, kaso busy ito kaka'cheer sa group nila Dian. Speaking of cheer, ba't nga pala ako naka'tunganga lang dito? Para san pa yung cartolina na pinaghirapan ko diba?

"GO NORMAN!!" sigaw ko habang nakataas yung cartolina. Nakita ko na ngumiti siya. Nakita ko naman na napaharap si Dian sa direksyon ko. Parang ngang naiinis yung itsura e.

Nagbreak muna ta's pumunta si Norman sa pwesto ko.

"Oh inom ka muna." inabot ko sakanya yung mineral water na binili ko kanina. Pinunasan ko rin siya ng face towel.

"Thankyou." Sabi niya.

"Chips gusto mo?" tanong ko.

"Sige. Pwede naman siguro umupo no?"

Natawa ako sa sinabi niya. Tumango ako then umupo na kami. Tinignan ko sila Dian. Ansaya nila. Tawa ng tawa.

"Norman, wala na ata tala-" nagulat ako ng bigla niya akong yakapin kaya hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.

"Oo nga Ara. Ansakit para sakin. Minahal ko talaga siya. Nakipagbreak siya sakin dahil sabi niya iba na daw yung gusto niya." bumuntong hininga siya "Pero ngayon, alam ko na... Alam ko na na kailangan ng magmove on. Alam ko na mahirap, pero wala akong magagawa. Kailangan e." humarap siya sa akin.Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Tutulungan ulit kita."

"Salamat. Friends?" inilahad niya yung kamay niya. Aabutin ko na pero nagulat ako nung biglang niyakap nanaman niya ako.

"F-friends." sagot ko.

Bumalik na siya sa harap. Lagi siyang lumilingon sakin ta's ngingiti. Ancute niya. Hahaha. Medjo kilig ako kanina. Biruin mo, niyakap ako ng crush ko. Yieee.

Tapos na yung game nila. Nanalo yung group nila Dian. 3 lang naman yung lamang.

"Galing mo ha." Sabi ko.

"Inspired e." sagot naman niya sabay wink. Yieee. Ancute talaga!

"Kanino naman?"

"Kanino pa ba? Edi sa new friend ko!"

"Hahaha. Sakin talaga? Ayos ha."

"Ayos talag-" di niya natapos yung sasabihin niya kasi may biglang bumanga sakanya. Si Dian pala.

"Tabi nga! Paharang harang e!"

"Loko ka ha! Problema mo?!"

"Norman. Hayaan mo na lang."

"Problema ko yang mukha mo!"

"Sus Pre. Alam ko na to, Selos ka?" saad ni Norman.

"Selos? kanino naman?"

"Sa girlfriend ko." sabi ni Norman sabay harap sakin.

"G-girlfriend? Kelan pa?" tanong ni Dian.

"Kanina lang Pre. Sige una na kami. Gagala pa kami ng girlfriend ko e."

Di na ako naka'imik. Sumama na lang ako kay Norman.

Shit naman. Pano to? Parang mas gusto ko pang sumama kay Dian. Kaso.. may Angel na siya e! Edi sila na .-.

Nang makalabas na kami ng school niyaya niya ako sa pinakamalapit na Fast food chain dito sa school. Pinaliwag niya saakin yung mga dapat kung gawin. Nung una tinanong niya kung sang-ayon ba ako sa pagkukunyari naming magshota. Pumayag rin naman ako. Crush ko naman to e. Pagbigyan na!

Pagtapos naming mag-usap hinatid na niya ako sa bahay.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon