Chapter 5 - Para sa Bestfriend ko

7 0 0
                                    

Ara's POV

"Ara, sabay tayo mag lunch later." sabi ni Norman.

"Sige."

"Okay. Bye."

"Bye"

Pumasok na ako ng room. 1 week na nga pala ang nakakalipas simula nung sinabi ni Norman kay Dian na Boyfriend ko siya.

1 week ko na ring hindi nakaka'usap si Dian. Psh. Lagi rin naman silang magkasama ni Angel e. Sila na nga ata e.

"Inson, punta ka raw sa Garden." sabi nung katabi ko.

"Ha? Sinong may sabi?" tanong ko.

"Si Sir Aballos."

"Bakit daw?"

"Aba malay."

"Psh. Ge."

Pumunta na ako sa Garden. Si Sir Aballos yung teacher namin sa TLE. Ano naman kayang kailangan nun?

"Sir bakit po?" tanong ko ng makapunta na ako sa kina'uupuan niya.

"Where's your plant?" tanong niya.

"Nalanta na po Sir e. Kaya di ko na po napasa." sagot ko.

"So zero ka na sa project mo?"

"Sir.. Bukas nalang po Sir."

"Bukas? Wala akong pasok bukas. Vacant niyo sa time ko right? So pano yan?" seryosong tanong niya.

Patay na. Pano 'to? Shitsuu! Please Lord help me. Zero na ako sa project. Kasi naman e, nalanta pa yung punyemas na halaman na yon!

"I have to go. Basta hanggang mamaya nalang yan. Kung wala kang mapasa before 3:30 PM, alam mo na." sabi niya sabay alis.

Wahhhh. Pano na yan?! Tae naman! 9:20 AM na. Di naman ako pwede lumabas ng school para bumili ng halaman. Maliban nalang kung magka'cutting class ako.. Pero... Never kong gagawin yan no! Alam ko na..

Kinuha ko yung phone ko then tinawagan ko yung number ni Mama. Putsa out of coverage area daw! Tsk! Tsk! Kainis!

Dian's POV

Nakita ko si Ara na papuntang Garden kaya naman agad ko siyang sinundan. Nakita ko na papalapit siya sa teacher namin sa TLE. Nagtago ako sa gilid ng puno.

Tungkol pala yun sa plant na pinapaproject ni Sir samin nung nakaraan. Walang mapasa si Ara dahil nalanta yung kanya. Di niya kasi dinidiligan yun e.

Nung umalis na si Sir biglang kinuha ni Ara yung phone niya at may tinawagan. Parang walang sumagot kaya tinago niya narin ito. Problemado talaga siya sa project niya.

Ako nalang ang gagawa ng paraan. Bawal pang lumabas ng school ngayon. Magka'cutting class nalang ako para maka'bili ng halaman. Para sa Bestfriend ko.

You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon