Aiyanna's POV
February 14,2019 5:30 pm
Marahan kong binuksan ang pinto sa aming bahay,nangangalay na rin ang aking kamay dahil sa dalawang palumpon ng rosas na aking dala. Medyo madalim sa aming salas dahil nakapatay ang mga ilaw kaya nakahinga ako ng malalim.
'Phew,buti nalang wala si Mommy at Daddy.'
Tumingkayad ako at nagsimulang tumungo sa hagdanan ng mabagal upang hindi ako makagawa ng ingay.Dahan dahan akong humahakbang,hinihiling sa sana'y marating ko na ang hagdanan upang ako'y makapagpahinga at maitago ang mga rosas.
Isang hakbang nalang at makakaakyat na ako ngunit napapikit ako at napatalon sa gulat dahil sa boses na aking narinig.
"Ahem." Agad napuno ng kaba ang aking katawan.Wala na,nakita na ako.
Bahagya kong ibinaling ang aking ulo sa direksyon ng boses,pinilit kong ngumiti kahit na may namumuong butil ng pawis sa aking noo. "Ah-Mom,Dad, Kamusta po?"
Nakita kong nakataas ang kilay ni Mommy ng bahagya samantalang nakangisi naman si Daddy.
"Ano iyang hawak mo?" Sabi ni Mommy sabay turo sa mga rosas.
"A-ah..eto po? Rosas po,hehe." Hindi naman halatang kinakabahan ako,bahagya lang.
"At sino naman ang nagbigay niyan?" Mataray na tanong ni Mommy,habang si Daddy naman ay wala pa rin kibo at nakangisi pa rin.
Paano na yan! Ano ang ipapalusot ko? Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay nagsisinungaling sa kanila,ayoko kong madisappoint sila sa akin.
Wala na akong nagawa kundi huminga ng malalim,here it goes.
"Sa dalawa ko pong maliligaw."
Napatayo naman si Mommy at Daddy.
"Ano?! Manliligaw?!" Sigaw ni Mommy,parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.Helloo?? ganda ko kaya,mana sa kanya.
"At dalawa,Aba matinde!" Dugtong ni Daddy. Napatungo nalang ako at bahagyang namula.
"Aiyanna Rosebelle,explain everything this instance!"
Paano nga ba nagsimula lahat ng ito?
To choose
by: intoxicatedsmile
»»»»»»»»»
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved © intoxicatedsmile 2019
BINABASA MO ANG
To Choose
Teen FictionWhat if two guys suddenly start to express their feelings to you,what will you do?