Kabanata 1

14 3 0
                                    


Aiyanna's POV

Kakatapos ko lang gumawa ng cupcakes at kasalukuyan ko itong nilalagyan ng frosting.

Bata pa lamang ako ay nakahiligan ko na ang pagbebake,ginusto ko ring kumuha ng course na Culinary arts ngunit mas maganda siguro kung magaabogasya nalang ako.Sa simula pa man ay alam na ng aking mga magulang na nais kong magtayo ng isang bakery ngunit pangarap nila para saakin ay maging abogado kaya't wala akong nagawa kundi sundin ang kanilang hiling.

Lalo na't magiging Grade 10 na ako sa dadating na pasukan at isang taon na lamang ay magsesenior high na ako.

"Aiyanna anak,nakita mo na ba ang section mo sa pasukan? Balita ko napunta ka sa Pilot section." Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy saakin.

Ano?! Pilot section?? As in Pilot?! Lahat ng mga kasama ko matatalino?

Nabitawan ko ang piping bag at dali daling binuksan ang aking cellphone.Nakita ko namang punong puno ng mga mensahe ang aking homescreen kaya't binasa ko ang mensahe ng isa sa matalik kong kaibigan.

Lualhati: Aiyanna! Nakita mo na ba sections? Magkahiwalay tayo!!!

Lualhati: Sa Pilot Section ka pala napunta? Goodluck! Alam mo naman mga tao dun...

Lualhati: Pero huwag kang magalala,matalino ka naman! Kayang kaya mo yan. Top 3 ka nga eh.

You: HALAAAA LUALHATI PAANO NAA! Ang duga! Magkahiwalay tayo!

Lualhati: Ok lang yan! Kasama naman si Rosette eh.

You: pero....

Lualhati: Tsk,cheer up! It's time to get out of your comfort zone. Masasanay ka rin sa kanila promise.

Natulala nalang ako at halos nadrain lahat ng sigla ko.

Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay napupunta sa Pilot section.Porque highest section kayo ay matataas expectations nila sayo,konting pagkakamali manghuhusga agad.

Mga tao nga naman ngayon oh.

Bakit nga ba ayaw ko doon?

Sa pagkatagal tagal ko na pagaaral sa school na iyon ay nasaksihan ko na ang mga ugali ng mga estudyante sa bawat silid aralan.Ang mga nasa Top section ay matatalino nga,ngunit masasama ang ugali nila. Aanhin mo ba ang talino kung matapobre ka naman?

Ang pangalawa sa pinakamataas na section kung saan ako at ang mga kaibigan ko ang mga naroon,matatalino rin ngunit mararamdaman mo ang pagkakaisa namin dahil hindi katulad ng nasa Pilot section na inaisolate ang kanilang mga sarili sa isa't isa dahil mas may pakialam sila sa kanilang mga grado kaysa makisalamuha ay iba kami. Mayroong unity saamin,walang lamangan at wala ring dayaan.

Marami ngang nagtataka kung bakit hindi ako nagiging Pilot section kahit na pangatlo ako sa ranggo ng mga pinakamatatalinong estudyante sa aming baitang. Pero kung ako tatanungin mo,mas gugustuhin kong huwag nalang mapunta doon.

Hindi ko na malayang tumutulo na ang aking luha. Ang babaw ko talaga,kahit anong bagay iniiyakan ko. Ngunit ayoko talagang mapasama sa kanila,pero wala na akong magagawa.

"Anak,bakit ka lumuluha?" Wika ni Daddy.

"Daddyyy,ayoko pong mapunta sa section na iyonnnn! Alam niyo naman po mga ugali ng tao doon diba? Palagi ko pong kinukwento yun sainyo diba."
Inggit ko. Agad namang pinatong ni Daddy ang mga kamay niya sa balikat ko at hinaplos haplos.

"Alam kong mahihirapan ka sa una pero huwag mong gawing dahilan yun para ibagsak mo ang grado mo para lang hindi mo na sila makasama sa susunod na pasukan. Anak, maganda ka, mabait ka at higit sa lahat ay matalino ka. Kaya huwag kang makipagtagisan sakanila,huwag mong gawing hadlang ang mga tao sa paligid mo habang ikaw ay nagaaral dahil paniguradong bababa ang mga marka mo. Huwag kang sumabay sa lebel nila dahil the best kana saamin." Hinalikan niya ako sa ulo at niyakap ko naman siya ng mahigpit. Ang swerte ko talaga at sila ang naging magulang ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To ChooseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon