13

182 8 7
                                    

[Jennie]


"Madam? Mukang hindi po kayo nakatulog ah?" Tanong ng secretary ko.

"Coffee." Sabi ko at agad naman syang umalis sa harapan ko. Iniisip ko parin kasi yung nangyari last week. One week na din akong kulang sa tulog.

Kai, Iba ka talaga.

I sighed at itinuon ang sarili ko sa nga gawain. I have three important meetings today. At baka umabot lahat yon ng ilang oras. Makakalimutan ko nanaman yata ang kumain.

"Madam, coffee nyo po." Tumango ako pero nakatingin parin ako sa emails na nasa harap ko.

After ng first meeting ko bumalik ako sa office ng past lunch. 1:34 PM na. I glanced at the pink paper bag na nakalapag sa lamesa. Who the hell sent this? Sinong pinapasok ng secretary ko dito?

Binuklat ko ang paper bag at nakakita ako ng lunch box. Lunch ko? Why in a pink paper bag? Take out ba 'to?

I heard the toilet flushed. I panicked. Sinong hudas ang papasok sa office ko? At makiki-CR pa!

"Oh, Bumalik kana pala." Banggit nya habang pinupunasan ng toilet tissue ang kamay.

"Hindi, hologram lang ako." Sabi ko at umupo na sa swivel chair ko. "You bought this?" Tanong ko sakanya habang binubuksan ang laptop ko.

"Hmm?" Ingit nya kaya napatingin ako sa gawi nya. Inulit nya pa ang pagturo sa sarili habang nakataas ang dalawang kilay. Umirap ako.

"Hindi secretary ko ata na nasa labas ang tinatanong ko." Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop ko.

"Ahh, Oo dala ko yan. Stir fried kimchi yan ni Mama." Sabi nya. Nagliwanag ang paningin ko.Parang bata na gutom ako noong kinuha ko ang paper bag. Noong tinaas ko ang transparent lunch box ay lalo akong natuwa.

"I really love Momma Mino's Stir fried kimchi!" I said habang inaasar sya. Ngumuso naman sya at pumamewang.

"Buti nalang alam ko sched mo ngayon. Kung hindi, Hindi ka nanaman kakain."

"Anong ginawa mo sa CR ko?" Out of curiosity at para na din magchange opic kasi off-guarded ako don no!

"Nagerbak." Muntik ko nang mabuga ang kinakain ko.

"Mino!" Sabi ko na nasasamid pa. Kinuha ko ang hydroflask ko at sana uminom ng tubig mula doon. Tumatawa naman sya ng malakas.

"Kadiri ka, Hudas talaga e, Huhu." I fake cried. Lalo naman syang natawa kaya nagduet na kami sa pagtawa. Unti my secretary came at sinabing in 10 minutes I have a meeting. Mabilis kong kinain ang kimchi at pumasok sa cr para mag toothbrush.

"Sabay na tayo lumabas." Sabi ni Mino noong pagkalabas ko ng CR . Ngayon ko lang napansin. He really looks like a hot rapper from his outfit. A dark blue tracksuit with trackline on the pants, white shoes that the insoles are quite thick, paired with his all time favorite black square-shaped sun glasses and silver chains on his neck. Lakas ng dating.

"Nice outfit, By the way." Sabi ko pagkalabas namin. Nakahawak ako sa braso nya palabas.

"Mino? Jennie?" Nagtatakang tanong niya.

"Oh, Kai." Sabi ko at ngumiti.

Cover Girl  ಇ   JenKai  (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon