CHAPTER 3:PAUWI

3 0 0
                                    

  At sinabi ko sa kanya "Sabay nalang tayo umuwi" At sagot niya sa akin "Wag na baka marami kapang gagawin", "Wala naman akong gagawin sa bahay at tsaka boring rin namang mag standby lang hatid nalang kita" Sabi ko sa kanya, Napangiti nalang siya at sabay sabi "Sige ikaw bahala". Sa paguwi naman naalala ko nga pala na hindi ko pa siya nahingan ng facebook at tsaka number biya pero nahihiya pa ako, sinabi ko nalang sa kanya " Angel ano pala yung email mo para masend ko yung assignment natin", kung Para-paraan lang naman ang usapan magaling ata ako don, napangiti nalang siya at tsaka binigay niya yung email niya at number, "Send ko nalang saiyo mamaya yung assignment natin".

"Okay martin feel free to approach lang" Sabay ngiti, At kinilig naman ako sabay sabi "Sige chat you later"
Sabi ko sa kanya sabay kindat. At araw-araw nga kaming naglalakad ng sabay pauwi at para kaming jowa dahil dala-dala ko yung bag niya at sabay kami kumakain ng street foods, At parang nasanay narin siya at nasanay narin ako kaya mukhang wala lang malisya.

At dumating ang araw na uuwi na siya sa kanilanh probinsiya sa bohol dahil nga summer break noon. Nalungkot ako ng sobra dahil di kona siya makikita di na makokompleto araw ko. Mga kaibigan ko sa chat ay nagpaplano ng outing na maliligo ng dagat wala naman akong planong umattend kasi di ko hilig ang mga ganyan at tsaka tipirin akong tao pero nong pagsabi nila na sa bohol kami magouting dali-dali akong nag pasiya na sasama nalang,"Sama kaba bro? Magouting kami sa bohol?" Sabay tanong ng kaibigan ko na si junjun, "Talaga bro sa bohol? Sige go sasali ako" Sabay sabi ko nga sabay ngiti, "Sige bro bukas bro ha alas 4 ng madaling araw biyahe natin" Sabi ni junjun.

At excited ko nga sa gala naming magbabarkada na gabi palang ay naghahanda na ako ng mga dadalhin sa outing. At pagkatapos ay natulog ako nang maaga at syempre nag set ako ng alarm para magising ako ng alas 4 ng madaling araw. Kinabukasan nabulabog ako ng alarm at nagalit ako sabay tapon sa alarmclock pero biglang naalala ko na may outing kami, nagmamadali ka akong pumunta sa terminal di na nga ako kumain ng almusal sa sobrang excited ko. "Tara bro outing na tayo" Sabay sabi ko sa mga kaibigan na halatang excited na excited, "Bro parang ang sayasaya mo ngayon ah? Meron nabang kana bang girlfriend?" Sabay tanong ng barkada ko, " parang duon na patungo bro" Sabay sagot ko na nakangiti, "Ayieee sige ikaw bro wag mo kaming kalimutan ha" Sabay sabi nila, "Oo, naman kayo pa" Sabay sagot ko.

Sumakay na kami ng jeep patungog terminal bg barko dahil sasakay kami ng barko, At doon na nga dumating na kami sa bohol at sobrang excited ko napatalon ako sa tuwa dahil makikita kona si angel. Habang naglalakad kami lingon ako ng lingon sa pagaakala na makikita ko si angel. Doon nga nakita ko si angel sobrang natuwa ako at lalapitan kona sana siya pero may nakaunang lumapit sa kanya na lalaki sabay kiss sa cheeks at akbay. Nadurog ang puso ko at umiyak nalang ako sabay sabi sa mga kaibigan "Tara inom tayo jun malungkot ako ngayon", "Saan na napunta tuwa mo kanina?" Sabay tanong ni junjun, "ayon nawala na umalis" Sabay sagot ko, "Tara inom tayo" Sabay sabi ko na may kasamang lungkot.

LUCKY GUYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon