HG 38

2K 71 0
                                    

Senny.

Kung sino pa ang dapat magtulungan ay sila pa ang naglalaban. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit sila naglalaban habang ang mga estudyante ay nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksiyon.

Nagtataka ako kung bakit pinagtutulungan ng iba pang mga Diyos ang nag-iisang babae pero bigla nalang itong ngumisi ng kakaiba. Bigla niya nalang tinira ng iba't-ibang klaseng enerhiya na nanggagaling sa katawan niya. Kapag bumabato siya ng mga enerhiya sa iba ay bigla nalang lumiliwanag ang buong buwan.

Ang buwan na napakamilyar, nakita ko na ito noon pa at masasabi kong kakaiba nga ang kapangyarihan mayroon ito.

Hindi ko alam kung saan ako kumukha ng lakas na loob para manood sa ganitong klaseng sitwasyon. Napakabata ko pa para sa mga ganito, hindi naman sa ganun ka bata pero hindi pa ganun katanda ang pag-iisip ko.

Natuto akong maging matapang, maging malakas at maging wais sa lahat ng mga kilos ko. Natuto ako dahil sa sitwasyon na minsan na akong binaboy ng mga lalaking yun sa Town of Spells. Natuto ako dahil sa iniidolo ko ang lakas at katapangan ng tatlong kababaihan na naging ate ko. Naging ate ko si Ate Donessa sa maiksi lang na panahon na hindi ko alam na isa palang traydor sa Academia. Isa pala siyang Titan Goddess, naawa ako kay Ate Genesis at Ate Menesis dahil sa nabalitaan, magkakaibigan din sila kaya nalulungkot ako dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila.

Nagulat nalang ako ng biglang nasaksak ang pinagtutulungang babae, nasaksak siya sa bandang likuran at tumagos ito sa kaniyang tiyan. Sinaksak siya ng isa pang babae pero dahil ata sa takot, na-realize niya ata na mali ang ginawa niya kaya bigla niyang nilapitan ang babae. At ang mas nakakagulat ay bigla nalang itong sinaksak pabalik ng babae na hindi nila inaasahan.

Napatakip nalang ako sa aking bibig dahil sa mga nasasaksihan ng aking mga inosenteng mata. Ngayon lang ako nakasaksi na ganitong klaseng pangyayari na halos mapaiyak ako dahil sa nasaksihan. Nakakaawa ang babae dahil bigla nalang itong napasuka ng dugo at bumulagta sa lupa.

"Sayatus!" Dinig kong sigaw ng isang Diyos at bigla nalang tumakbo ito sa babaeng tinatawag na Sayatus na nakabulagta sa lupa at hinawakan ang balikat. Pero hindi napansin ng lalaki dahil bigla nalang siyang sinakal ng mahigpit. Naglabasan ang mga ugat sa kamay ng babae kaya alam kong masyadong mahigpit ang pagkakasakal niya sa lalaki.

Hindi ko na nakayanan kaya pumasok na ako sa eksena, kahit alam ko ang kapalit nito. Oo nasiyahan ako dahil isa ako sa kanila at may kapangyarihan akong kakaiba at mas malakas kaysa sa mga kalahi kong mga Enchanters.

Hindi ko alam kung bakit ako nangingialam, kanilang away ang labanan na ito pero hindi ko makakayang manuod nalang ng ganito habang pinapanuod ang mga naghihirap. Pansin kong takot silang gumawa ng atake dahil alam kong kaibigan parin nila ang babae.

Pero sadyang parang hindi kontrolado ng babae ang kaniyang kapangyarihan dahil sa kulay violet nitong mata.

Nakakatakot talaga siya pero wala akong nagawa kundi gumawa ng paraan para hindi niya mapatay ang kaawa-awang lalaki.

"Portal!" Sigaw ko at bigla nalang nagliwanag ang likuran ng lalaking sinasakal at naglikha ito ng pinto at biglang hinigop nito ang katawan ng lalaki at napunta sa tabi ng isa pang lalaki na nag-liliyab na ngayon ang mga kamay.

Walang-wala ako sa kanila kung tutuusin, mas malakas sila kaysa sa akin. Paano nalang kung hindi nila ako matutulungan kapag may mangyaring masama sa akin? Huhuhu hindi ko ata makakayanang lumisan sa mundong ito ng ganoong kaaga.

"Who you?" Kahit nanginginig ang mga binti ko, tumitibok ng mabilis ang puso ko at halos pumutok na ang buo kong katawan dahil sa kaba, kinaya ko parin at hinarap siya ng taas-noo.

Academia: Hidden GoddessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon