HG 60

2K 67 4
                                    

Mag-a-update ako palagi kapag may magko-comment. Sana mag-comment naman ang mga readers diyan, pampa-inspire lang naman.

---


Ignite.

Satanina?! S-Siya 'yong Satanina?

Hindi ako makapaniwala na bigla nalang lumitaw si Satanina sa harapan namin kahapon na para bang may balak pa itong gawin sa aming lahat. Hindi ko aakalain na ang kalaban ay ganun-ganun nalang nakapasok sa eskwelahan na pugad ng mga kaaway niya. Hindi ko aakalain na ganun-ganun nalang din niya atakihin ang hari sa harapan namin. The way she talked yesterday is like she is the most powerful one in all.

Even now, I still remember how shocked they was-gulat na gulat ang nakarehistro sa mga mukha ng mga kasama ko. Naramdaman ko ding napahawak si Genesis sa braso ko nun dahil parang nakakaramdam siya ng pagkakahilo na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan.

Pagkatapos ng senaryo na 'yon, the whole NRS also with that Athena girl brought the King's body to the clinic in Palace as soon as possible. That Demeter boy with dragon wings was the one who helped them by carrying the body of the King while they are flying in the air.

"Kahit ngayon hindi parin ako makapaniwalang sumugod ang Satanina na 'yon sa Natharia Academia. Hindi ba siya nag-iisip na pwede siyang mamatay sa ginawa niyang 'yon?" Aniya ni Cylechter habang may hawak na wine glass na may alak sa loob nito at nilagok.

Sino nga bang mag-aakala sa nangyari? Kahit ako ay hindi pa baliw para sumugod mag-isa sa pugad ng mga kalaban puwera nalang kung may-

"May kakampi siya dito. In short, may spy siya sa eskwelahan na 'to." Sambit ko at nilagok din ang alak na nasa wine glass.

Nandito kami sa sala ng dorm namin, kahit mahirap tanggapin na kaming tatlo nalang ni Cylechter at Bill dito ay kailangan talaga naming magpalakas. Wala na si Sayatus na siyang tig-pingot ng mga tenga ni Bill na inakala ng lahat na girlfriend 'to ni Bill. I remember those days na ang mga babae ay nagtatanong kung may kapartner na ba si Bill sa Acquaintance party, sasagot sana si Bill ng 'wala' pero bigla nalang sisingit si Sayatus para sabihing siya na ang kapareha.

Wenessa, the brave woman na nakilala ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam pero nagsimula sa kaniya kung bakit namimisteryosohan kami kay Genesis dahil takot na takot siya dito. Si Wenessa ang tipong babae na walang kinakatakutan basta lang sa amin, she will sacrifice herself just to keep us safe at na-witness na namin ang lahat ng 'yon nung may misyon kaming ginawa.

Hindi naman masama kapag may kasama ang mga lalaki na babae sa dorm basta hindi lang gagawa ng kung anu-ano. Bawal din magtalik ang mga Diyos at Diyosa dahil daw sa posibleng puwersa na magdulot na siyang ikinataka naming mga Diyos. Palagi nila kaming sinasabihan na huwag na huwag daw kaming magkakamaling magtalik ng kapwa kong Diyos dahil may masama daw na mangyayari.

Pero sadyang mahal ko Si Genesis, and I saw with my two eyes na ganun din si Bill kay Menesis.

Sabi pa sa amin ni Cylechter na gagawin niya ang lahat para lang magustuhan siya ni Menesis pero bigla nalang daw nawala ang feelings niya kay Menesis ng maglaho na sa paningin niya si Wenessa.

Jerk.


He realizes everything ng mawala na si Wenessa, duwag kasi ang mokong. Babaero kasi noon kaya hindi na ako nagtatakang kinakarma na siya ngayon.

"Tama ka, ang hindi ko lang alam ay kung sino. Hindi natin alam kung sino sa kanilang lahat." Tugon ni Bill at kinuha ang pagkain na nasa lamesita na pinagpatungan namin ng mga paa.

Academia: Hidden GoddessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon