Prologue
Cazey Travez POV
Wow! Just wow! Mainit na naman ang dugo ko. Gusto kong manapak. >,<
“Hoy! Vre! Ano ka may katulong? Nakita mong walang hugasin tas itatambak mo lang 'yang pinggan mo diyan?!”
Nakangisi itong tumingin sakin at kumindat pa. “Hmm.. Babe naman. Umagang-umaga galit ka na naman. Napapadalas na 'yan ah? Di kaya buntis ka babe?” Nang-aasar na boses pa ang tono nito.
Napapikit na lang ako sa sobrang inis. “Anong buntis?! Napakapervert mo talaga! Mas mabuti pang mawala ka na lang sa buhay ko! Leche!” Halos lumabas ang ngala ngala ko sa sobrang lakas ng boses ko.
Humawak ito sa bandang dibdib at umaktong parang nasasaktan. Buset talaga!
“Babe naman. Ang harsh mo sakin.” Anito habang nakapout.
Napatingin ako sa labi niya. B-bat parang nakaramdam ako ng i-init? Nakakatempt halikan ang labi niya. Ang tamis siguro nun. Mula rito sa sala na kinakatayuan ko hanggang sa kusina ay kita ko na rin ang maskulado nitong pangagatawan na lalong nagpatikas dahil sa suot nitong itim na sando. Mula sa mukha ay dahan dahang bumaba ang paningin ko at muntikan na akong matumba ng mahinto ang paningin ko sa gitnang bahagi nito. May nakaumbok at bakat na bakat ito dahil...
“Whaaaa! Magshort ka nga! Baka kung ano isipin nila.” Sabi ko, kunwari'y nakatakip ang kamay sa mukha. Nakaboxer lang kasi 'to.
Teka?! Ba't ba naging big deal sakin 'yon? Lagi naman siyang nakaboxer ah? Uwaaa! Nababaliw na ko. Pero pake ko? Basta! Masamang tingan yon pag may kasamang babae. Yun nga! Tama! Tama! ^__^
Ngumisi na naman ito saka dahan-dahang humakbang papunta sa direksyon ko. Umatras ako ng umatras habang papalapit siya nang papalapit.
“Bakit? Na-aakit ka ba babe?” Nang-aakit ang boses nito. Which is lalong nakakapang-init. T-teka ano ba 'tong sinasabi ko? Whaaa nababaliw na 'ko.
“Teka anong...”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil isang maling galaw ko lang ay tiyak na magkakalapit ang aming mga labi sa isa't-isa.
Nakasandal na ako sa pader. Habang siya ay nakadikit na ang katawan sa 'kin. Lalong uminit ang ulo ko ng mag sink in sa utak ko ang aming posisyon.
Tinulak ko ito. Napa-usug ito ng kaunti. Ang tigas ng katawan! Buset!
“Ikaw!” Dinuro ko siya gamit ang hinliliit ko. “Jiminez kala mo nakakatuwa ka na? Napakapervert mo! Nakakainis ka. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa ang makasama ka!”
Mabilis akong umalis saka iniwan siyang nakapokerface dun. Bahala siyang magluto ng kakainin niya mamayang tanghalian. Ako? Pupunta ko sa kaibigan ko. Doon muna ako magpapalamig. Masyado ng tixic sa bahay ko, kasama ang lalaking manyak na yon.
BINABASA MO ANG
My Pervert Housemate
Teen FictionMy own house? Nope. My tita's house. How I came in this kind of life? Living with a pervert named, Vrent Troy Jiminez. A very long long story but if you want to know. Read this starting first until reach the last chapter.