#5. You Changed My Life In A Moment

119 4 0
                                    

Bumalik na kami sa canteen.

"Hi Ellione." Nakangiting sabi ko. Pilit lang to! Kailangan eh. Para sakin din to. Kakayanin.

Aba hindi ako pinansin ng alien. Galit ba sakin to? Paimportante. Gusto pa atang suyuin ko siya. Aba'y.... Hay, kailangan ko ng magpakabait sa kanya.

"Ellione, pwede ka bang makausap?"

"Ah. Sige."

Pumunta kami sa classroom. KAMING DALAWA LANG? Kakilabot!

"Hmm. Galit ka ba?"

"Nope."

"Eh bakit parang ang tahimik mo? Tapos hindi mo pa ako binabati? Hindi mo na ako kinukulit?"

Nagtaka ko. Biglang tumawa ang alien. Baliw lang.

"Bakit? Naninibago ka ba? Alam ko namang ayaw mo din nung mga ginagawa ko. Kaya titigilan ko nalang. Baka kasi magalit ka pa sakin eh."

"09164859781"

"Ano yan, Charlette?"

"Charlie. Hindi Charlette." nakangiting sabi ko.

"Pasensya na.. hehe. Number mo yan?"

"Oo. text mo ko ha?"

Biglang siyang yumuko. Aba, bakit yumuko to? Abnormal lang.

"Sige sige. :">" 

"Nga pala, PARE nalang itawag mo sakin."

"MARE naman tawag mo sakin?"

"Ahhm.. ahmm. O-o? Oo."

"Sige babye. Babalik na ako sa canteen."

Sinilip ko siya habang paalis. Hala, tumatalon pa. Natuwa ba siya sa mga sinabi ko? Di pwede to! Ay. Kailangan nga pala to.. PARA SA PAGBABAGO!

Habang naglalakad ako sa hall way, pauwi. Naisip ko yung tawagan namin.. MARE? PARE? Ano to? Lokohan? Wala talaga siyang pinagkaiba kay Rica. Kaya kailangan ko siyang baguhin!

"Pssst. PARE!"

Nako. Si Mare. Este si Ellione ay Alien.

Lumingon ako sa kanya habang nakangiti. Kailangan eh.

"Oh bakit.. ma...re?"

"Sabay tayo?"

"Ah... si...ge."

Lahat yan, PILIT! Kung hindi lang talaga ako nabwibwiset sa gaya niya eh..

"Pare."

"Bakit mare?"

"I love you!"

. . . .

AY! NAKAKAINIS NAMAN! BAKIT NIYA AKO SINABIHAN NG GANUN? BALIW BA TALAGA TO?

"Uy. I love you kako pare. As a friend lang naman eh.."

"Ah. Ganun ba."

"Oo. Pare. I love yooouuuuuuu?"

"Ah. AHAHAHAHAHA! Ayan na pala. Sige uwi na ko ma..ree. Bye!"

Tumakbo ko para di na ko maabutan ng baliw. Ano bang nasa kokote nun? Kahit na as a friend lang.. nakakainis pa din! Para saan ba kasi yon?

Habang nag-aaral ako, may nagtext.

*Hi Charlie! Ay, pare pala. Pasensya na. Alam ko naman kasing nakakaistorbo ako sayo. Gusto ko lang mag-goodnight! Wag ka masyadong magpapakapagod sa pag-aaral.*

Syempre, hindi ko na binalak na replyan siya.

Pero.. sige na nga.

*Ah sige. Salamat. Ikaw din mare.*   Ayan, makakapag-aral na ulit ako.

Hindi pa pala..

*I love you, you love me. We're a happy family. With a great big hug and a kiss from me to you.* 

Ay! Tumatawag si alien.

Sasagutin ko ba o hindi?

Masagot na nga ng manahimik na to.

* "Hello?"

"Hi pare! Sorry sa istorbo ha? Napatawag lang ako kasi miss na kita eh. HAHA."

"Ah haha."

"Alam mo ba..." *

Ang dami naming napag-usapan nung gabing yon. Tumawag siya ng 8pm natapos kami ng 12am. Astig. Bakit ganun? Parang gumaan loob ko sa kanya.. nakakatuwa kasi siyang kausap eh. 

Simula ngayon, magpapakabait na ko pagdating kay Ellione. Sabi ko sa sarili ko pagkagising ko. Di tulad dati, kapag gising ko, nakasimangot na agad ako. Ngayon, nakangiti ako. Pati nga si mama, napansin yon.

Lahat ng makakasalubong ko sa school, binabati ko. Pinagtitinginan pa nga ako eh. Anong meron? Naninibago siguro sila. Hahaha! Ayun nakita ko na si Ellione. Pinuntahan ko agad siya.

"Hi Mare." nakangiting bati ko.

"Hi Pare! Napuyat ba kita kagabi? Sorry ha. Napasarap ang kwentuhan eh."

Ewan ko pero bakit parang naninibago ako kay Ellione? Bakit parang may iba sa kanya?

Habang nagkaklase. Hindi ako makapag-concentrate, iniisip ko kung anong iba kay Ellione ng biglang..

"Any volunteer class?"

"Me, sir." Sabi ni ELLIONE.. Si ELLIONE.. NAG-VOLUNTEER?

Bakit? Hindi naman nag-aaral yun ah?

- -

"Mare, mukhang puyat ka ah. Laki na ng eyebugs mo. Anong ginawa mo?"

"Ah. Oo, 3am na akong nakatulog eh. Nag-aral ako." Wow. Nag-aral si Ellione. That's my mare! Nakakatuwa naman.

This Nerd's Inlove with You, PareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon