Prologue

4 0 0
                                    

NAGLALAKAD ako papunta sa science laboratory ng paaralan. Actually, tatlo kaming naatasan ng school principal na mag-observe sa Lab. Si Nicolai; the Student council's president, Chris; the Student council's vice-president, at Ako, the student council's secretary.

Dire-diretcho kami sa loob ng lab habang minamasdan ang mga studyanteng nagpeperform ng mga chemical reaction sa chemistry.

Pili ang mga studyanteng naririto at matataas ang level ng mga utak nila. They are all genius. Yung iba kasing edad lang daw namin at yung iba mas matatanda daw samin iyon ang sabi ng principal.

Hindi ko kilala silang lahat kasi bago palang ako dito sa lab.
Pero, ang lalaking studyante sa may dulong bahagi ng lab ang nakakuha ng aking atensyon. May isinasalin itong kulay pula at asul na likido sa isang test tube, pagkatapos ay tumalikod ito at humarap sa blackboard na nasa kanyang likod. May isinusulat itong mga formula doon, na hindi ko maintindihan dahil sa haba noon.

Pagkatapos ay humarap ulit sya sa kanyang ginagawa kanina. Pinaghalo nya ang pula at ang asul na likido, at naging kulay lila ito na umuusok.

Lumapit ako dito upang itanong sana kung ano ang nagawa niyang chemical dahil isusulat ko kung ano man ang nakita ko pero mayamaya ay nakaramdam kami ng malakas na pag-uga ng lupa.

Lumilindol.

"Aaaaaahhhhhhhh" sigaw ng mga studyante dito.

Nakarinig rin kami ng isang malakas pagsabog dahilan upang magpanic ang mga kasama namin. Natapon kasi ang mga chemical sa mga Electronic Machine na nandirito at ngayon ay may mga kumikislap na kuryenteng kumakalat sa mga iyon.

Nawalan ako ng balanse dahilan upang matumba ako sa chemical na ginawa ng tinitingnan kong studyante kanina.

"LEZXINE!!!" narinig kong sigaw ni Nicolai sa pangalan ko.

Nakita kong tinanggal ng studyanteng minamanmanan ko kanina ang kanyang mask na suot dahilan upang makita ko ang mukha nya.

Pakiramdam ko ay bumagal ang lahat ng mga pangyayari. Naramdaman ko ding tumama ang likod ko bago ang ulo ko sa sahig na alam kong nakakalatan na ng mga delikadong chemical na ginawa nila.

Ito,...ito na ba ang wakas ng aking buhay? Dito na ba matatapos ang lahat?

Naramdaman kong unti-unti ng bumibigat ang talukap ng aking mga mata pero bago tuluyang magsara ang aking mga mata ay nakita ko silang pinagtimbunan ako.

Naramdaman ko ding may bumuhat sakin ngunit huli na para makita ko ang mukha ng bumuhat sakin dahil tuluyan ng nag-sara ang talukap ng aking mga mata.

****
I hope you like it. Please vote and support this story. I also need your comment guys.
-Zhineradams😊😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Into the World of Extraordinary(On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon