The Story

48 2 4
                                    

July 28, 2012, 3:45 pm, Saturday

Umuulan at naglalakad na ako pauwi ng bahay. Galing ako sa ospital na walking distance lang from our house dahil naconfine si pinsan.

So ayun nga, naglalakad ako with my blue umbrella habang nakayuko. (wala lang, trip ko eh, kaya wala pong basagan ng trip, kay? sadyang finifeel ko lang ang ulan)

Eto na talaga… busy busihan ako sa paglalakad kaya nabigla ako nang may bumungo sa akin. Nabitawan ko tuloy yung payong ko at napunta sa gitna ng kalsada.

Sisigawan ko na sana si “Mr. Careless” pero nabigla nanaman ako nang inabot niya sa akin yung payong niyang dark blue at dinampot niya yung payong ko kaya siya ang nabasa instead na ako. In fairness, na touch ako, bihira na lang yung mga lalaki ngayon na kahit papaano ay may dugong pagkagentleman. So, nagpalit na ulit kami ng payong at sabi niya…

“Miss, sorry ah, nagmamadali lang talaga ako eh” sabay smile

Anak ng siopao! Ang gwapo pala niya! Bakit ngayon ko lang napansin?! Brown-colored eyes, mas matangkad ng about 3 inches sa akin, 16-17 year old siguro at with just one smile, nahulog na ata ang puso ko! Naka black polo shirt siya with matching jeans and rubber shoes. :”>

“Ah, okay lang, kasalanan ko din” sagot ko, totoo naman eh, di rin ako nakatingin sa dinadaan ko.

“Sige, bye-bye, ingat ah” sabi niya pa bago tuluyang umalis.

At dahil speechless ako, smile na lang ang naisagot ko.

Guhrabee!!!! Hindi ako maka get-over at dahil mahal ko ang mga friendsters ko, binalita ko sa kanila.

Sa aming pito kasi, ako na lang ang walang boyfriend. Si Paula, boyfriend niya si Paul na singer sa school. Si Kamille naman, si Gio na captain ball ng soccer team naming ang bf. Si Dave na capatain ball naman ng basketball team ang boyfriend ni Ana. SI Nica, boyfriend naman niya si Ken na kilalang leader ng isang band sa school. Si Tristan na Student Council Secretary ang boyfriend ni Catherine. And lastly, si Tin, hindi ko talga alam name ng bf niya eh, taga ibang school pero balita ko, valedictorian yun sa school nila. Oh diba?! Haba lang talaga ng mga hair nila?

Alam niyo ba anong pinagsasasabi nila nung nagkwento ako?

“Anong name?” –Cath

“Hala, kailangan kong makita yan, tignan atin kung papasa siya sa akin.”- Kamille

“Kyaaaahhh! Kinikilig ako!”- Ana

“Sige Mia, ikaw na!” – Nica

“Dali, hintay ka ulit dun sa kanto tapos dala ka ng cam, pad dumaan, picturan mo!” –Paula

“Oh tapos? Tapos?”- Tina

Namen! Saan pa kayo? Dito na sa mga ever-supportive kong mga kaibigan!!!!


I’m so happy, ngayon, love ko na si pareng ulan;)

Pero saying, hindi ko man lang nalaman name niya, edi sana na-stalk ko siya sa facebook. Hay, sayang talaga…


One week na ang lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan si Mr. Umbrella…

Dahil Saturday nanaman, ngayon, pumunta ako sa playground malapit sa amin at umupo sa swing. Wala kasing magawa sa bahay wala pang kasama dahil umalis yung mga tao doon.

Lumilipad ang utak ko nun kaya naman nabigla ako nung may umupo sa swing na katabi ko…

“Hi!” bati niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

~One Rainy Saturday~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon