Time to Move-On

3.1K 116 92
                                    

Binibisita ko pa din ang profile mo..

Sa mga albums na lang kita nasisilayan,buti na lang walang "who's viewed me" sa facebook..

Na-beat ko na nga pala 'yung high score mo sa "bubble puzzle" sa cellphone ko,pero pangalan mo ang tinayp ko nung i-save ko ito.

Akala mo hindi ko na mabebreak ang score mo nu?

Bagong kula at dinawni ko pa ang mga naiwan mo'ng damit sa durabox.

Ang bango no'n pihado!!

Tinanggalan ko na ng alikabok ang electricfan,bago na ang mga punda ng unan,pinalit ko eh 'yung favorite color mo ----- blue di ba??

May ilaw na sa kwarto,tinanggal ko na din ang mga sabit-sabit na damit at pantalon sa likod ng pintuan,naaaduwa ka dun eh --- ang selan mo talaga!!

Ginagamit ko 'yung isang pares ng kutsara at tinidor na dinugas ko sa jollibee noong minsan kumaen tayo,pasensya ka'na sa inasal ko ha..

Na-excite lang ako,hindi ko akalaing may "metal spoon and fork" na ang jollibee..

Bagong gupit na ang mahaba kong buhok,nagplaplantsa na din ako ng panuot kong damit..

Eto pa'ng mas ikatutuwa mo,naghuhugas na ako ng paa bago matulog,hindi na hahaba ang nguso mo sa tuwing sasampa ako ng kama para mahiga. 

"Yabang mo lang kasi,hindi naman ikaw ang naglalaba."

Madalang na ako magyosi,ikaw lang eh wala ka'ng ebilibs sa'ken,sabi ko naman sa'yo kaya ko'ng tanggalin ang sigarilyo bigyan mo lang ako ng konting panahon..

Nag-aalarm pa din ang "reminders" ng cellphone ko tuwing "monthsary" natin..

Pinagdiriwang ko pa din ang bawat 27 ng kada buwan..

Kasama pa din kitang natutulog at gumigising..

Kasalo kita sa bawat pagkain.

Kalaro pa din kita sa "pusoy" ,(pahidan ng "lipstick" sa mukha ang matalo).

Natatawa pa din ako sa paulit-ulit at korni mo'ng jokes..

Pinakikinggan pa din kita sa mga halos imposible mo'ng mga pangarap sa buhay.

Nakikimura p din ako noong minsang mag-away kayo ng iyong tatay..

Katabi pa din kitang nanonood at tumatawa sa "willing willie"..

Ako pa din ang naghahanda ng damit mo tuwing ika'y maliligo.

Ako pa din ang taga-suklay at taga-tuyo ng buhok mo pagkatapos.

Kinakamot ko pa din ang makati mo'ng likod.

Binubunot ko pa din ang pailan-ilang patay mo'ng buhok.

Nakikisigaw ka pa din kasama ko kapag may laban si "Pacquiao".

Kapiling pa din kita oras-oras at sa

araw-araw....

Pero ito ay sa imahinasyon at sa ala-ala ko na

lamang!!

Ikaw naman kasi hindi mo na ako nahintay!!

Ako naman ngayon ang maghihintay sa'yo.....

"Mahal pa din kita hanggang ngayon,buti ka'pa

bilis maka-move on" ....

Time to Move-OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon