Ano ba ang HAPPINESS??
Bakit ang daming naghahanap dito?
Saan nga ba ito matatagpuan?
Bakit tila madalang ata ang nakasumpong??
Happiness!! Happiness!!
Ano ba'ng hiwaga ang iyong taglay at ang lahat ay nagnanais na ikaw ay makamtam??
Happiness!! Happiness!!
Tao ka ba?
Pangalan mo pa lang,kaakit-akit na.
Hindi nakakapagtakang ang lahat ay magnasa sa iyo!!
O isa ka'ng bagay,im sure mahalaga ka..
Ga'no ka ba kahalaga sa buhay ng isang tao??
Kelangan ba talagang makapiling ka,hindi ba pwedeng pagbigyan mo ang lahat??
Kamag-anak mo ba si LOVE??
Pareho kasi kayong "WANTED"
Kapag ba nakita ko si Love,makakasama na din kita??
Love!! Love!! Love!!
Alam mo ba'ng madaming galit sa'yo??
Paasa ka daw kasi!!
Sa sandaling matagpuan ka na.
Kapag sobrang sanay na sa'yo,at kapag 'yung tipong hindi na kayang mawala ka pa...
Saka naman parang nananadya,bigla ka'ng nawawala,biglang maglalaho!!
Love!! Love!! Love!!
Happiness!! Happiness!!
Ano ba talagang papel nyo sa buhay ng tao??
Bakit kailangang matagpuan pa kayo,kung mawawala din lang naman??
Hindi ba pwedeng sa bawat oras ng bawat araw,sa bawat buhay ng tao ay makasama ka??
Hindi naman siguro kalabisang hilinging maging masaya?
Sino ba'ng tao ang hindi umasam na lumigaya sa mga panahong nagmamahal siya?
Minsan nakakainis na ang tadhana,masyadong epal.
Madalas naman kapag umepal,laging sablay.
Laging may naiiwan,laging may isang naiiwang lumuluha at umaasam,nanalangin ng walang katapusan,walang inaasahang tugon.
Ano ba ang sikreto upang maging ganap na masaya?
May mga teknik ba na dapat isa-alang alang?
Hindi ba ang lahat ay may karapatang mahalin at sumaya?
May mali sa buhay ng tao,may mali sa mundong ito!!
Hindi ba parang komplikado??
Di ba magulo?
At kung iisipin mo,malamang abutin ka ng habang-buhay bago malinawan..
Baka masiraan ka'pa ng kukote,at isa-isang maglaglagan ang turnilyo ng katinuan sa ulo mo.(kagaya ng sumulat nito)
Nakakarindi at paulit-ulit na mga hinaing at reklamo.....
Nakakasawa ang mga pangako..........
Walang katapusan ang mga gento,ganyan at sana...
Pero??
Tama ba'ng isisi sa iba ang lungkot at sakit kapag nawala ang pagmamahal??
Reasonable ba'ng magalit ka sa mundo kapag nagloko ang asawa mo o di kaya eh two timer or ten timer ang syota mo??
Minsan naisip ko,hindi ka ba nagkulang??
Wala ka ba'ng ginawa upang hindi maging ganyan ang ending ng love story mo??
Ano ba ang mga bagay na dapat at hindi mo dapat ginawa??
Sinubukan mo ba'ng ayusin,ang magpatawad?
Ok. Ipagpalagay na sinubukan mo nga,ilang beses mo sinubukan?
Kay bilis mo namang sumuko...
Mali ba'ng sabihin ko na mas tamang ang sisihin mo ay ang sarili mo sa mga nararanasan mo? Walang dahilan para sirain mo ang buhay mo,mag-ubos ng panahon sa pag-iyak,pagmumukmok o 'di kaya'y paggawa ng walang kwentang nobela gaya nito.
Kasi pagbali-baligtarin mo man ang mga nangyare.
Maganda man o hindi ang mga naranasan mo noong nagmahal ka,sa huli ikaw pa din naman ang nakinabang.
Oo isa ka'ng broken hearted..
Isang broken hearted na matatag at may natutunan..
Normal lang ang maghintay,umasa,masaktan at mag-move on...
Gasino lang ba ang mga yan?
Im sure hindi ka pa mamamatay kapag iniwan ka ng "dream boy" or "ideal girl" mo.
Isa pa walang nagsabing sasaya ka lang kapag nagmahal ka.
Oo masakit naman talaga ang break-ups,danas ko na yan.
Kaya next time na magmahal ka be "SMART",wag "GLOBE"..
Mahina ang signal n'yan sa loob ng bahay.
Kaya ako??
Kung ako'y magmamahal ulet...
Pipiliin ko 'yung isang babaing may panget na nakaraan,pero nakahandang magbago para sa'ken.
Isang babaeng hindi makikita ang mga mali sa buhay ko,sa halip magiging inspirasyon ko upang itama ang mga ito.
Isang babaeng may mababang pangarap,at mababaw na kaligayahan...
Para kahit baduy at paulit-ulit lang ang mga jokes ko,kasama ko pa din siyang tatawa!!
Mababaw din lang kasi ako..
Ayokong hanapin ang imposible.
![](https://img.wattpad.com/cover/2005008-288-k35835.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Happiness at ang utol n'yang si Love
Non-FictionNaabnoy lang ako nung sinulat ko ito,pagpasensyahan nyo na. At kung abnoy ka din,try mo'ng basahin..