Prologue

38 2 0
                                    

"Life is a choice Bambi, alam mo, pwedeng- pwede tayong magpakamatay ngayon kung gugustuhin natin para lang tapos na lahat ng to but look, humihinga pa tayo, nabubuhay, kase pinili nating mabuhay kesa sumuko. Pinili natin tong gantong sitwasyon."

"So magpapakamatay ako? Para tapos?"

"Woah woah. You're getting me wrong baby, I'm not telling you to kill yourself. What I'm trying to imply is we chose this. This kind of life, therefore dapat panindigan natin to. Di natin pwedeng isisi sa kahit kanino kahit pa sa magulang mo o sa mga kaibigan mo yung nangyayari sayo ngayon. Sa buhay mo ngayon. Kase pinili mo yan. Ikaw nagdedesisyon para sa buhay mo. Kahit sabihin pa natin na hirap na hirap ka na. Na kahit isa ka sa mga tao na may pinakamahirap na pinagdadaanan sa buong mundo. Kahit sukong suko ka na. Hindi ibig sabihin nun bibitawan mo na lahat."

Napatahimik ako. Sobrang tama sya.

Nagpatuloy ulit sya. "What I want you to do is to accept reality. Imbis na ubusin mo oras mo sa pagdadrama o pag-iisip na sumuko na, bat di mo ipush yung sarili mo sa limit mo kung hanggang saan yung makakaya mo. I want you to do everything to survive in this cruel and unfair world. Sa ganung paraan magiging strong ka lalo. I want you to live Bambi. Alam ko mahirap yun. Alam ko sobrang hirap ng pinagdadaanan mo. Alam ko ang pilosopo kase nabubuhay ka, humihinga. Pero sana gawin mong worth it yung buhay mo. Bambi, live.

Outside The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon