Chapter 2 -Paper Plane

26 2 1
                                    


Bambi's POV

Antagal naman nung lalaking yun. Kung sino man sya. Hay makababa na nga.

Pababa na ko ng hagdan nang may narinig akong sigaw

"AAAAAAAAAAAHHH ATEEEEEE!!!!"

Teka, si Drake yun ah?

Dali-dali akong tumakbo sa pinanggagalingan ng sigaw nya.

Sa terrace.

"OHMYGOD DRAKE ANONG GINAGAWA MO?!" Malakas kong sigaw sakanya habang binubuhat pababa ng railings.

Naabutan ko kasi syang nasa may taas banda ng railings. Nanginginig sya. Mukhang may inaabot sya mula sa baba.

"Ateeee yung airplane kong paper nahuloooog dun sa baba" Sabi nya habang naiiyak na. Dahan dahan ko syang binaba.

"Okay baby. Kukunin natin yon. Gusto ni ate na di mo na uulitin yung pag-akyat dyan sa railings kase baka mahulog ka. Okay ba yon?"

Tumango lang sya habang humihikbi. Kaya binuhat ko na ulit sya papunta sa may sala kung saan nagkakagulo yung mga tropa ko.

"Hello Drakeeeybabes~ Why are you crying? Inaway ka ni ate Bambi?" Salubong samin ni Alice.

"Uy Bambs anyare?" Sabi ni Yasmin

"Ang cute nung bataaa"

"Kapatid mo yan?"

"Ang pogi siguro nyan paglaki"

Ang dami nilang comments sa buhay kaya pinakarga ko na lang kay Alice yung kapatid ko at umakyat na

Nasa first step pa lang ako ng hagdan nang

"Aliceee di na daw ata pupunta dito yung naiwan kong pinsan. Nakahanap ata ng malalandi nya. "Pahabol ni Jopoy

Lumingon na lang ako at tumango. Wala talaga ko sa mood.

"Ateeeeee where are you going? How about my paper plane?" Sigaw ni Drake habang umaakyat ako sa hagdan.

Ay oo nga pala. Ba yan. Hay. Bumaba ako ulit. Di matuloy-tuloy yung pag-akyat ko. Daming hindrances.

"Okay baby. I'm gonna get it na ha? Don't be sad na baby" Sinabi ko sakanya habang pinipisil ang pisngi nya.

"Guys bantayan nyo kapatid ko ah. Medyo masama pakiramdam ko eh. Wag kayo masyadong magulo dyan." Utos ko sakanila. Ako may-ari ng bahay eh bat ba.

"Yes boss~"

"Roger that"

"Nasa ilalim na pala tayo ulit ng martial law"

"Oh ikaw san punta mo Bambs? Kala ko masama pakiramdam mo?" Sabi ni Yasmin.

"Kukunin ko lang yung eroplanong papel ni baby" Napa-"aaah" na lang sya at bumalik sa paglalandi sa jowa nya

Nasa may garden na ko dahil sigurado akong dito lang nahulog yun.

Kaso inabot ako ng kalahating oras sa paghahanap, wala pa rin. Tae nasan ba yun? -_-

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko.

"Eto ba hinanap mo?" Napalingon ako.

"Teka pano mo nahan-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapansin ko ang mukha nya.

Chinito yung mata nya. May peklat sya sa kilay. Sobrang tangos ng ilong nya. Teka teka teka.

Ilang taon na din nung huli akong makakita ng gantong mukha.

Napangisi sys ng mapansin nyang nagsink-in sakin kung sino ba talaga sya.

"Wala man lang hello?" Lalong lumaki yung ngiti nya.

"Anong ginagawa mo dito Troy? "

----

Narrator's POV

Tatlong taon. Ganun katagal yung panahong lumipas mula nung magbago si Bambi.

Sobrang sukong-suko na sya nung mga panahong yun. Di nya alam kung makakagraduate pa ba sya. Pero laking pasalamat nya nang may isang taong nagmalasakit na tulungan sya.

Si Troy.

Si Troy na basagulero sa room nila. Na walang pakialam sa mundo maliban sa pormahan nyang baduy naman. Si Troy na halos kunin na yung papel ng katabi nya dahil simula 1-50 di nya alam ang sagot. Si Troy na papalit palit ng girlfriend kada oras. Flavor of the hour nga daw. Si Troy na halos isumpa na ng lahat ng teacher dahil sa pambabastos na ginagawa nya.

Si Troy na tumulong sakanya nung walang wala na syang makapitan.

Pinayuhan sya ni Troy. Binigyan ng financial assistance. Hanggang magthird year college sya. Pero kahit kailan di nya na nakita simula nung pagpapayong ginawa sakanya.

Di nya maintindihan kung bakit ginagawa sakanya to nung binata. Pero imbis na mag-isip sya ng kung anu-ano. Hinayaan nya na lang dahil yun na lang ang tanging paraan para mabuhay siya at ng anak nya.

Oo nabuntis si Bambi. Kasunod nun nalugi ang kumpanya nila. Pinatay ang mommy nya at nagpakamatay ang daddy nya.

Napakaimposible sa totoong buhay pero yun nga ang pinagdaanan ni Bambi.

Pinagpatuloy nya ang pag-aaral nya ng kolehiyo at naging scholar samantalang pinapadalhan naman ni Troy buwan-buwan ang dalaga.

Di sya umalis sa bahay nila dati sapagkat kaya nya namang tustusan ang bayarin. May kasambahay din sila na nag-aalaga kay Drake.

Nasan ang ama?

Nangibang bansa daw nang malamang nakabuntis sya.

Yung akala nyang perfect relationship na.

Perfect family. Perfect life. Nawala. Tatlong taon. Tatlong taon na syang nagsisikap.

Ngayon, nagpakita na sakanya yung taong matagal nya nang gustong makita.

"Ikaw ba yung pinsan ni Jopoy na sinasabihan nyang malandi?" Tanong ni Bambi

"Ah oo. Ako yun. Bakit? Some things never change" Naging maloko na naman ang ngiti ng binata "Eto oh" sabi ng binata habang inaabot ang eroplanong papel

"Ah. " Di alam ng dalaga ang sasabihin nya.

"Ikaw, kamusta ka na? Okay ka naman? Nga pala, pwede bang dito na ko tumira simula ngayon?"

"Ah- ano ulit?"

"Sabi ko. Dito na ko titira. Simula ngayon" Nabitawan ng dalaga ang hawak nyang paper plane.

Outside The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon