Chapter 1

42 2 1
                                    

Someones POV

***

Pagdilat ng aking mga mata ako ay nakatali sa isang upuan,Sa pagkakataong iyon naramdaman ko na maluwang ang tali na mabilis kong inalis sa aking mga kamay,at agad akong tumayo.


Hinanap ng aking mga mata ang liwanag sa gitna ng umiigting na kadiliman, ni isang ilaw mula sa buwan sa langit o dikaya'y sa kandila ay hindi ko mahagilap,kahit ang tunog ng hangin hindi ko makalap,
O maramdaman manlang ang simoy nito, Ang tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng tubig na pumapatak.

Nagsimulang kumilos ang aking malabato sa tigas na katawan at nanginginig na mga binti dahil sa takot na aking nararamdaman, hinahanda ko lamang ang aking sarili sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin.Ng biglang sumindi ang ilaw na nagbigay ng maliit na liwanag sa kwarto.

Ang patak na naririnig ko na inakala kong tubig lamang,mga dugo pala mula sa mga patay na nakasabit na punit na ang mga mukha,lumipat ang aking tingin sa isang pader na puno ng mga maskara .Maraming naglalaro sa aking isipan nang mga oras na iyon kung ano ang pwedeng mangyari sa akin nang meron akong nakitang m2ga bitak ng salamin sa sahig at doon ko nakita ang aking imahe na aking ikina gulat.

Hindi ito ang aking katawan, katawan ito ng isang babae,bigla kong naalala na panaginip lang ito pero bakit! bakit! ,bakit ito ang aking nararamdaman. Ang pagpalpitate ng aking puso na tila lalabas na ito sa king dibdib.Pinikit ko ang aking mga mata at ikinalma ko ang aking sarili, kung saan tumigil na ito sa panginginig,bigla kong narinig ang isang napakanindig balahibong boses. Hindi ito pangkaraniwang boses lang.

"Wag mona akong pahirapan akin na ang kaluluwa mo" sabi ng boses na biglang tinungo ng aking mga mata.Tumambad sa akin ang babaeng ng damit na panluma. biglang nanginig muli ang aking katawan nang nakita kong meron siyang hinahawakan na kutsilyo.At bigla siyang ngumisi at nakipagtitigan sa akin diretso sa mga mata kitang kitang ko ang kanyang malademonyong mga mata.

Naghanap agad ako ng matatakasan.
tumakbo ako sa walang hanggang eskina na hindi ko alam ang patutunguhan nang bigla akong nadapa bigla kong naramdaman ang mga tornilyo na pumupunit sa aking balat na tila matatanggal na ito.Nang muli kong narinig ang kanyang malademonyong tawa.Ininda ko ang sakit at pinilit kong tinanggal ang mga tornilyo at muling tumayo at tumakbong muli hindi ko inisip ang sakit na aking iniinda tumakbo lang ako ng tumakbo marami akong nadadaanang mga buto ng tao pero hindi ko pinapansin nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Nang meron akong tatlong lagusan na nakita ngunit bago paman kumilos ang aking katawan meron akong naramdamang tumusok sa aking likuran. She stabbed me multiple times untill i'm on my knees begging for my life.

Umikot ako at nakita kong muli ang babae na matalim parin ang titig sa akin, she smirked as I felt my life was being taken from me.

"Isa kananaman sa mga koleksyon ko siguradong masisiyahan ang panginoon ko ",sabi niya sabay tawa,unti unting nawawala ang buhay ko wala akong nagawa kundi sumigaw ng tulong ngunit tumawa lang siya,nawalan na ako ng pagasa nang mga oras na iyon.

Hanggang marami na akong mga boses na humihingi ng tulong sa bawat boses may kanya kanyang istorya may kanya kanyang pagdurusa.She stabbed me again and my world seemed dark,my body felt numb and I felt paralized. kitang kita ko kung paano nawala ang buhay ko sa kanyang kamay unti unting dumilim ang paligid hanggang isang ilaw nalang ang natira at sa ilaw na iyon may lumabas na mga kamay na sigaw din ay tulong.

"Mr.Marquez",Sigaw ng aking guro na nagpabalikwas sa akin .

"Is something wrong?", tanong niya na may halong pagkairita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Obscure (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon