Symptom #5 :">

539 9 1
                                    

SIGNS NA INLOVE KA :">

(C) Ryuu - Tang Ina! Single na naman ako.

==========================================================

Symptom#5: Panaginip    

Ito ay may koneksyon sa Symptom#1. Kung nangyayari sa iyo ang unang simtomas, natitiyak ko na mararanasan mo din ito, mapapanaginipan mo ang taong iyong “iniibig” o, sa kaso ng mga taong denial, crush.

Tila isa itong beer na ininom mo at pagkatapos mong malasing ay magkakahangover ka. Pwede rin itong hangover stage dahil hindi mo basta basta maalis ang isipan mo sa taong ito.

Minsan pa nga ay para kang tanga na matutulog ulit sa pagbabakasakaling mapanaginipan mo ulit siya. Tulad ng aking sinabi, hindi kaya adik ka lang talaga sa taong iyan?    

============================================================

Marami pang mga simtomas ang pwedeng makakapagsabi kung in love ka nga talaga. Pero lahat ba ito ay tama?

Sa huli tatanungin mo pa rin ang sarili mo nang paulit ulit ulit ulit hanggang sa ikaw ay mabaliw at magsawa na sa mga katagang, “in love na ba ako?”

May mga taong nagsasabi na pag mahal mo na nga ang isang tao ay kaya mong gawin ang lahat alang-alang sa ikaliligaya at ikabubuti nito.

Gagawin mo ang lahat para sa kanya kahit na gano kasakit ang pagdaraanan mo. Gagawin mo ang lahat lahat hanggang umabot ka na sa punto na nagiging dependent na siya sa iyo.

Sa huli, mapapaisip ka na lang kung ano bang meron sa kanya na iyong ikinabulag. Kung ano bang mahikang meron siya at, sa pamamagitan ng kanyang simpleng pagkawala, ay kaya niyang patigilin ang pag-ikot ng iyong mundo.

Hay Pagmamahal. Tama nga ang sabi ng autograph books. Love is blind. Love hurts. Love makes the world go round.

Hindi ko sinasabing yun na at yun lang ang base ng Pagmamahal. Alam ko namang walang kahit sinong tao ang makakasabi kung ano ba talaga ang love hangga’t hindi niya ito nararamdaman.

Iba-iba ang mga tao sa mundo, at sila ay may iba’t ibang pananaw ng kung ano ba talaga ang Pagmamahal.

Ikaw? Para sayo, ano ba talaga ang love?  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SIGNS NA INLOVE KA :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon