Chapter Five

421 24 19
                                    

C h a p t e r   F i v e



My day had been a whirlwind of emotions.

My bad mood somehow alleviated when I got to talk to Red for a little bit through the controls while she's out guarding A3. It was a brief talk with no mushiness. Masyado kaming unexpressive para mag-exchange ng I miss you messages, plus the fact na nasa field siya ngayon at nagbabantay. The only thing perhaps na naging batayan namin ng pagkasabik para makita ang isa't isa ay ang mga dramatic sighs na ginawa namin unconciously habang palibak na napapatawa sa awkward moment ni A3 at ng kasama naming agent na si Trixie sa agawan ng isang bote ng Nutella.

I had a good laugh with Rin as well, nang bumalik siya sa HQ at kinuwentuhan ko ng isa na namang Trixie Luna Lame Excuse Funny Moment. Tawa lang kami ng tawa lalo pa nung out of nowhere ay lumabas sa bunganga ni Rin ang isa na namang nakakalokang 'anak ng' phrase.

But then later in the afternoon, ang inakala kong tuloy tuloy nang good vibes ay tumigil nang ireprimand ni Boss Ali ang request ko para magswitch position sa isang agent sa team nina Rika. Hindi ako pinayagan dahil sa napakaconspicuous ko daw na aura, na siya daw magpapalagapak sa akin sa concealment. Isa lang naman ang ibig sabihin ng sinabi niya: I'm suppose to dye my platinum blonde hair to match the typical hair color of a typical Filipino. I repeat. I'm supposed to dye my hair. Again.

Syempre ayoko!

Nakakalahating bote na ako ng shampoo para lang matanggal ang temporary dye na nilagay ni Shanvie sa buhok ko para magaya lang ang buhok ni Lana sa Singapore, tapos ngayon sasabihin niyang permanente ko na talagang kukulayan ng dark brown ang buhok ko sa missiong ito?!

So, ayun. Bad mood na naman ako. Because he left me with nothing but two choices – dye my hair and I'd be out in the field, or be stubborn and be stuck in the HQ and do nothing but watch other agents and their awesomeness.

Kumulo pang lalo ang dugo ko nang malamang makakasama ko si Lana, the ever so bitchy ugly ostrich, na patambay-tambay lang sa HQ, sa sandaling nadapo ang paningin ko sa mukha niya nang naghahanap ako ng spaghetti sa kitchen late in the afternoon.

Ok na sana eh. Nakita ko lang siya, wala naman sanang mangyayaring masama dahil nakita ko lang siya because I already forgave her.

Tinuro niya ang isang tupperware na may lamang spaghetti sa island ng kitchen na kainin ko upang magcompensate daw sa pagsub ko sa kanya sa Singapore. Kung hindi lang talaga ako napigilan ni Jem, baka nakain ko na talaga ang spaghetti na dadalhin ni Boss sa party sa apartment ni PC. Muntikan ko na talagang mapatay si Lana sa sobrang galit.

Leche lang! Kung nagpadala ako sa kaplastikan niya, dumoble pa sana ang galit sa akin ni boss. Bitch nga naman talaga siya! Why did I even feel indifferent about her? I should've just hated her in the first place dahil napakasalbahe nga naman talaga niya.

So the night after, while all the agents are partying for the new stocks of bazillion Nutella jars, I went to the HQ's mini gym and let out my anger on a yellow punching bag.

Andami kong hinanakit ngayong araw. Kung hindi ko 'to gagawin at sa halip ay magpoker face lang sa kasiyahan ng mga tao sa labas, baka makapatay na ako ng tao. I pulled my hair into a high ponytail – na sa pagkakataong iyon ay medyo mamasa masa pa dahil kakalagay ko lang ng panibagong almond dark brown hair dye. Bakit, may choice pa ba ako?

I didn't bother to check myself on the mirror because I already knew my hair is already an epitome of disaster. Hihintayin ko na lang na maging hindi na ganoon ka busy si Shanvie para naman maayos niya ang buhok ko't magmukha naman akong tao.

YELLOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon