Kasalukuyang nagrerecess kami ng mga kaibigan ko dito sa canteen. Nagkwekwentuhan kami habang kuamakain. Pinag-uusapan namin yung mga crush namin. ^__^ hihihi
Pero mahina lang kasi nasa loob din yung mga crush namin.
Yung crush ko kaklase ko since grade school. Ang gwapo gwapo niya. Maputi siya per hindi naman yung sobrang puti basta yung tama lang sa lalaki. Basta ganun. Pati yung mga mata niya, singkit na hindi. Ewan!! >__< Tapos yung ilong niya ang cute. Bagay na bagay sa features ng mukha nya. Lalo na yung buhok niyang dark brown na ang gupit ay korean cut. Grabe ang gwapo niya talaga !!!!
Pero yun nga lang...snob >__<!!! Kasi naman ni isang beses hindi niya pa ako nakakausap. Oo!! literal na hindi pa. Pero oks na oks lang. Ganyan talaga siguro kapag sikat. Sino ba naman ang hindi sisikat kapag ikaw ay ganun kagwapo tapos ikaw ang captain ng basketball team ng school. diba???
Maya-maya ay nagbell na rin. Time na. Aalis na sana kami kaso may nakalimutana ako. Pinauna ko na yung mga kaibigan ko. Sabi ko sunod na lang ako.
Nakalimutan kong bumili ng boy bawang. Kasi boring yung susunod na subject namin. Hindi kami magkasundi nun ehh. Kaya bibili na alng ako ng favorite ko! BOY BAWANG!!
Napatingin ako..sakto! Iisa na lang yung nandun..
"Boy bawang nga po"
O__O nagulat ako kasi sabay pa talaga kami....ni Japeth O//////O
Siya yung sinasabi ko ehhh.. yung matagal ko ng crush kaso....snob >___<
Napatingin ako agad sa kanya...>___< !! Ang gwapo!! Pero yun nga..snob..+___+ Akala ko pa naman gentleman...yun pala siya na yung bumili na boy bawang tapos umalis na... -__-
Bumalik na ako sa room ng may hinanakit sa aking dibdib.. Naiintindihan ko naman yung tungkol dun sa boy bawang..siguro kasi gutom lang talaga siya..oo!! tama! gutom lang siya kaya siya na ang nauna sa boy bawang...Pero yung dun sa pag snob sa akin >___<.....syempre.......oks na oks din sa akin.. Kasi...kasi siguro talagang gutom na siya tapos...tapos talagang ganun lang siya..snob >.<!!
Pero ang talagang oks na oks dun ay yung...O/////O nakapag eye-to-eye kami!!! kahit mas mabilis pa sa isang segundo +_+
Paupo na sana ako sa upuan ko ng may napansin ako... >__< Mang-asar daw ba??!!! Kasi naman ehhh.....balat ng boy bawang 'to ehhhh...>.<!!!
Itatapon ko na sana yung balat ng boy bawang ng may mapansin akong papel sa loob.. huh? Dahil ako ay isang curious na bata ayy tiningnan ko yun at binasa...
O///////////////////////////////////O
Tiningnan ko agad si Japeth.....nakangiti sa akin...
Waaaaahhhh!!!! Totoo ba 'to??!!!! O////////////O
kasi naman ehhh...nakalagay sa papel...
Nakalimutan ko pangalan mo eh. Pwede bang tawagin nalang kitang AKIN
-Japeth