Untitled Story Part

35 0 0
                                    

Hi I'm Xander. Naisip ko kasi na magsulat na lang dito kesa magbasa nang magbasa. Wala naman din kasi akong magawa. By the way, itong story ko ay hango talaga sa totoong buhay ,kung baga makakarelate ang mambabasa. Highschool life nga naman. First time ko kasing maramdaman ang ganung. Ganun pala pag naiinlove ka sa matagal mo nang kasama...

Prologue

   Bakit sya pa? Kung sino pa ung bestfriend ko.....Kung sino pa yung hindi pwede..

May 28, 2012

Chapter 1

   "Anak inenroll na kita sa Grade 7 (yun kasi ang tawag sa first year ngayon), sa June 2 daw ang simula ng klase" ani ni Mama.

  "Ahhhh. May mga kasabay ho kami dito?"

   "Oo ung mga kapitbahay natin. Jan din ata papasukin ang kanilang mga anak" dugtong pa ni Mama.

Kinabahan ako bigla. Ndi kasi ako sanay na humarap sa ibang tao lalo na kapag hindi ko kilala. Siguro kulang ako sa self confidence kasi lumaki ako ng hindi masyado nakikisalamuha sa maraming tao. Kaya yung iba naming kapitbahay hindi ako masyadong kilala. Sanay na ako sa ganun.

   Linggo na pala ng hapon.Pasukan na bukas. Kaya inayos ko na ung mga gamit ko. Tapos nanood ng tv. Pinanood ko yung paborito kong movie na The Golden Compass at Free Willy 2 & 3. Pagkatapos natulog na'ko. Bawal kasi magpuyat pag may pasok kinabukasan. Yun yung palaging bilin sa amin ng aming magulang. As far you heared the word "amin". Oo may kapatid akong babae. Siya si Kristel. Ako ung panganay tapos sya ung bunso. Dalawa lang kaming magkapatid. Balik tayo....

  Ayun, natulog na nga ako. Antok na rin kasi.

Kinabukasan...

  Aga kong gumising. Excited yata pero may halong kaba. Kumakain na ako nang tumunog cellphone ko. May nagtext na Group sms:

  "Pasukan na!!"

"Oo nga. kinakabahan ako"

.

.

.

send!

Hindi na sya nagreply. Kung sino man yun, mukang mas excited pa kesa sakin. Anyway sanay na ako sa ganun. May magtetext na hindi ko kilala pero rereplyan ko na parang kilala ko. Ganun lang ang takbo ng buhay ko pag may stalker sakin. Isa pa wala naman silang sinasabing masama.

  Natapos na akong kumain saktong 5:30am. Naglinis na rin ng katawan at nagbihis. Syempre sibilyan muna ang suot ko. Unang pasukan kasi. hindi namin masyado alam ung tamang kulay ng uniform.

Pagkarating namin sa school, medyo nalate ako. Pagdating ko, simula na ang flag ceremony. Kaya hindi muna ako tumuloy sa pagpasok. Sa halip naghintay ako na matapos ang ceremony bago ko simulang tumungo sa room ko. Nakayuko lang ang ulo habang naglalakad. Nahihiya kasi ako at pakiramdam ko, sa twing may bumabati sa akin ng Hi, umaakyat ang dugo ko sa mukha ko sa sobrang hiya. Pagpasok ko sa room, may bumati sakin na babae.

"Huy, bakit ka namumula? Ok ka lang ba?" Sabi nung babae...

  "Ok lang ako" sabay yuko ng ulo at umupo na sa bakanteng upuan.

So, nag iintay na lang kami ng magtuturo sa amin. Medyo na O OP ako sa mga katabi ko kasi halos magkakakilala na sila samantalang ako, napakainosenteng tingnan. Para naman hindi ako nganga, kinuha ko cp ko at nagbukas na lang ng FB (allowed pa ang cp kasi ndi pa namin alam ang rules and regulation dito).

Habang nakatingin ako sa cp ko, may nagsalita at tumapik sa balikat kong isang babae na medyo boyish.

   "You look so Familiar". Sabi nung tumapik sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Lost Chances"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon