First Week of Class (Part 1)

13 2 0
                                    


Unang araw na naman ng klase ni Tony sa high school at alam na niya kung sino ang mga makakasama niya sa klase.

Pagpasok niya pa lamang sa classroom na iyon ay nakita na niya ang mga ito at hindi nga siya nagkamali na ang mga magiging kaklase niya ngayon ay sila pa rin.

"'Di talaga ako nagkamali na sila pa rin ang magiging kaklase ko ngayong taon." Pero mero'n siyang napansin, mero'n pala silang bagong kaklase. Nakaupo ito sa gilid at mag-isa, mukhang hindi siya napapansin ng iba dahil tahimik lang ito at hindi nakikihalubilo.

Pinuntahan niya ito at kinausap "Hi, ako nga pala si Tony, nice to meet you! Ano nga pala ang pangalan mo?" tanong nito sa babae.

"A-Angelica Galves, m-masaya rin akong m-makilala ka Tony," sabi nito kay Tony.

Habang nag-uusap ang dalawa, may matabang lalaki ang nakisingit sa usapan nila. "Sino iyan Tony? Girlfriend mo?" asar nito sabay tawa ng matabang lalaki.

"Tumahimik ka nga Rafael! Unang araw palang may inaasar ka na namang tao!" sabi ni Tony kay Rafael.

"Nag-aaway na naman ba kayong dalawa?!" saway ng isang babae.

"Ah, hindi kami nag-aaway Kathlyn. 'Di ba magkabati tayo? Hehehe," bulalalas ng dalawa sa kanya.

"Makita ko pa kayong mag-away tignan niyo pag-uuntugin ko kayong dalawa! Maliwanag?!"

"Maliwanag!" takot na sagot ng dalawa sa kanya. Ito kasi ang presidente ng kanilang klase kaya't wala silang panama rito, dahil baka mapunta sila sa detention ng biglaan sa unang araw palang ng kanilang klase.

Pagka-alis ni Kathlyn ay itinulak ni Tony si Rafael sa kanilang inuupuan. "Sorry, masikip na kasi eh," sabay labas ng dila ni Tony "Blehhhhh," at umalis na siya para maghanap ng mauupan na malayo sa kinaroroonan ni Rafael.

Nakiupo nalang siya kay Angelica dahil malayo na ang upuan ni Rafael mula sa kanya.

Nagsimula na ang klase at nagpakilala na ang kanilang adviser. "Ako nga pala ang magiging adviser niyo ngayong school year. Ang pangalan ko ay Elizabeth Guanyo but you can just call me Ms. Guanyo."

"Ano ba 'yan, ang boring naman, unang klase palang wala nang kagana-ganang mag-aral," mahinang usal ni Rafael.

"Huwag ka ngang tamad, first day of school palang tamad ka na agad!" bulalas ni Faith, ang rich kid.

"Edi wow, ikaw na," sabi ni Rafael at nanahimik nalang ito.

Pagkatapos ng klase ay lumabas na sila sa kanilang silid aralan. Pagkalabas ni Tony ay niyaya siya ni Angelica na sabay silang mag-lunch dahil wala siyang kasama, nahihiya at nalilito pa siya kung saan siya pupunta.

"Oo naman, ikaw pa. Tara punta na tayo sa canteen."

"Salamat Tony ah kasi sinamahan mo ako na mag-lunch ngayong araw."

"Nako, walang problema sa akin yun, gusto mo ilibot pa kita sa buong school eh."

"Talaga?! Ililibot mo ako sa buong school?! Salamat ah!" malakas na sabi nito kay Tony.

"Bukas na bukas ililibot kita," sabi ni Tony kay Angelica.

Pagkatapos ng kanilang klase sa hapon ay sabay na umuwi sina Tony at Angelica. Unang nakauwi si Tony sa kanilang bahay, nakita ni Angelica kung gaano kalaki ang bahay na tinitirhan nito.

"Diyan kayo nakatira Tony?" tanong ni Angelica.

"Oo, diyan kami nakatira pero ako lang ang nandito eh."

"Bakit ikaw lang ang nakatira sa bahay na 'yan?" tanong ni Angelica kay Tony.

"Sina Mom at Dad kasi, nasa Canada, may business tour sila. Dito sa Pilipinas naman ay sa mansion namin sa Davao sila nakatira, hindi sila makapunta dito kasi marami silang appointment sa mga clients nila doon."

"Ahh, kaya pala. Sige, mauna na ako at malayo pa ang bahay ko. Bye," pagkatapos kumaway ni Angelica kay Tony ay pumasok na siya sa kanyang bahay. Pagkapasok niya ay nagpalit na siya ng damit at nagpahinga.

*****

Paggising ni Tony, may bumungad sa kanyang bintana na ibon. Isa itong kalapating may papel sa paa, kinuha ni Tony ang papel at may nakasulat dito, "I miss you Tony" yun ang nakasulat sa papel na iyon.

"Sino kaya nagbigay sa akin nito?" Tanong sa kanyang sarili, napatingin siya sa kanyang orasan, 7:30 na pala ng umaga at male-late na si Tony.

"Shoot late na pala ako!" Sabi nito sa sarili at nagmadaling naligo, nagpalit ng damit, kumain at magsipilyo.

Pagkarating ni Tony sa paaralan nila ay bumungad sa harapan niya ang nakasarang gate, nagtataka siya kung bakit nakasara pa ito.

"Bakit sara pa itong gate?" Pagtingin niya palang sa kanyang orasan ay 6:00 palang ng umaga.

"Ang shunga ko, sira pala yung orasan ko sa bahay," sabi niya habang tumatawa.

30 minutes later...

"Hay, sa wakas bukas na yung gate!" Sabi nito sa sarili habang tumatayo mula sa pagkakaupo nang biglang may kumalabit sa kanyang likod.

Paglingon ni Tony sa likod nito, wala siyang nakitang tao, nagtaka ito at lumingon-lingon sa paligid.

Kinutuban si Tony sa naramdaman niya pero hindi na niya iyon pinansin pa.

4 hours later

"Hay salamat recess na, makakakain na rin ako,"  bulong ni Tony kay Angelica.

"Ako din Tony gutom narin ako" tugon niya kay Tony.

"Gusto mo sabay na tayong kumain?"tanong nito kay Angelica.

"Siyempre naman, sabay na tayong mag recess," tugon nito kay Tony.

What's WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon