First week of class (part 2)

7 2 0
                                    


Habang sila ay papunta sa canteen, nakasalubong nila si Rafael, ang tinaguriang bully ng kanilang klase. Matiim itong nakatitig kay Angelica.

"Ano na naman kaya ang balak nito?" sabi ni Angelica sa kanyang isip.

"Angelica, akin pera mo," utos ni Rafael kay Angelica.

"Ba-Bakit?" nauutal na usal ni Angelica.

"Basta!" bulyaw nito sa kanya.

Nakaramdam ng takot si Angelica ngunit hindi niya hiyaang makuha nito ang kanyang pera.

Habang inaagaw ni Rafael ang pera ni Angelica, biglang hinablot ni Tony ang kamay ni Rafael. Nagulat ang huli dahil sa lakas ng pagkakahablot ni Tony.

"A-Anong ginagawa mo?!" takot nitong sabi kay Tony.

"Bitawan mo si Angelica!" galit nitong bulyaw kay Rafael.

Binitawan agad ni Rafael si Angelica at dumistansiya sa kanila. Nakita ni Tony ang pagkatakot sa kanyang mukha.

"Bakit iba ang naramdaman ko nung hinawakan ako ni Tony? Parang mas tumapang siya kaysa noon?" muni ni Rafael sa kanyang isip.

Flashback

"Hoy Tony!" sigaw ni Rafael sa lampang si Tony.

"Ba-Bakit Rafael?" nanginginig na sagot nito sa kanya.

"Akin na ang pera mo!" sabi nito habang pilit na inaabot ang bulsa ni Tony.

"Wala akong pera Rafael!" pagpalag nito habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Rafael.

Habang hinihila ni Rafael ang kamay ni Tony, kinakalkal niya gamit ang isa pang kamay ang bulsa nito para makita kung may pera ito. Pero wala siyang makapang pera sa bulsa ni Tony.

"'Di ba?! Wala akong pera sabi!" Takot man ay nagawa pa rin nitong sumumbat.

"Tsk. Yaman yaman mong tao tapos wala kang pera? Tsk. Jan ka na nga, lampa!" Bago umalis ay tinulak pa siya nito ng bahagya. Hindi naman iyon gaano kalakas pero napaupo pa rin siya.

Nang makaalis ang tinaguriang bully, ay tumayo na siya at umalis.

"Hay, buti nalang wala na si Rafael. Mabuti nalang din at hindi niya nakuha ang pera ko dito sa bulsa ng damit ko."

Habang  pinapagpag ni Tony ang kanyang pang-upo ay nakasalubong niya ang kanyang mga matatalik na kaibigan. Sina Xander at Shania.

"Tony, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Shania.

"Ha? Ito? Wala, wala, nadapa lang ako. Haha, nakakahiya nga eh," ani Tony.

"Nadapa ka sa itura mong 'yan? Imbes na sa harap mo ang nadumihan, bakit yang likod mo naman ang narumihan?" Shania.

"Kaya nga bro, ano ba talaga ang nangyari sa 'yo?" tanong naman ni Xander.

"Bro, sis, ayos lang ako. Tignan niyo oh, walang bali. Nakakagalaw pa naman ako ng mabuti oh," Tony.

"Sige na nga, punta na tayo sa canteen, gutom na kami eh," Xander.

"G na! Lets Go!" masiglang sabi ni Shania.

Extra:

(Welcome to Mobile Legends!)

"Oy, Angelica, bot ka ha," Tony.

"Oki," Angelica.

"Xander, Shania, mid kayong dalawa," Tony.

"Ok!" Xander at Shania.

"Ako naman sa top, lets go!" Tony.

"O-oy ako pa, saan naman ako?" Uffe.

"Kasali ka pala, ba't 'di mo sinabi?" Tony.

"Lutang kase, hahaha," Shania.

"Shh!" Tony.

"Haha, sorry," Shania.

"Sige, sama ka kay Angelica, Uffe. Samahan mo siya mag-farm," Tony.

"Ok!" Uffe.

20 minutes later....

"Gosh! Natatalo na tayo!" tili ni Shania.

"Guys sama-sama lang, kaya natin to," pampalakas-loob naman ni Tony.

"Set ako guys, kapag naka-set na ako, do'n na kayo susugod sa kalaban," Xander.

"Ok!" sigaw ng lahat.

Minotaur (Xander): nagtago sa bush

5 seconds later...

"Guys, ayan na sila. Maghanda na kayo!" Xander.

"Ok!"

Enemy rushes to the setting place.

"Guys go!" Xander.

(Mino used his ult and the enemy knocked up)

(The team kills the enemy)

(Time to shine!)

"Phew!"

"Savage!"

"Ay wow, savage!" Tony.

"Haha, one shot, one kill!" Shania.

"Guys, push na," Xander.

(Team breaks the turret)

"Victory!"

"Good game guys!" Tony.

Enemy 1: "GG sa kakampi."

What's WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon