Meet the Major casts

463 14 3
                                    

May mga kilala ba kayong playboy?

Manloloko?

Mga womanizer?

Iyong tipong alam ng playboy sila, pinagpapantasyahan pa din?

Pwes sa Ayala University. Dalawa lang ang kilala na may ganoong klaseng pag-uugali. Sila ang pinakakilala sa school.

Kapag nagtanong ka sila agad ang sasabihin sayo.

Paano ba naman halos lahat ng sikat sa school. Naka-date na nila. Walang pinalampas.

Muntik pa ngang may madaling professor. Buti na lang talaga hindi na tuloy. buti na lang nanaig ang pagiging professional nito. Alam kasi ng lahat na bawal makipagrelasyon ang isang guro sa studyante niya. 

Frank Jastine Mendoza-isa sa mga playboy. Sikat at pinagpapantasyahan ng mga babae. Kilala sa pagiging womanizer. Masungit at hard sa iba kung magsalita. Walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. As long as masaya siya. Nabubuhay siyang mag-isa. Ang motto niya sa buhay. "Pag nagamit na huwag ng ulitin pa". Ayaw niya kasi ng mga paulit-ulit na bagay. Lalo na ang mga salita.

Derhick James Gonzales-isa ding playboy. Makulit, maingay at isa ding womanizer. Niluluhuran ng mga babae maidate lang niya. Sa kanila ni Frank, siya ang pinakatitilian. Mabait kasi siya sa mga babae. Napakagalanti din kasi niya sa mga nakakadate niya. Pero nuknukan ang pagiging pilosopo niya. mag-isa na din siya sa buhay.Kung tatanungin ang motto niya sa buhay? "Ang babae parang panty lang yan. Dapat pinapalitan para hindi mabaho". Ayaw niya kasi sa commitment. Dahil huzzle daw. Puro kaartehan.

Kapag nakasama mo ang dalawang iyan. Akala mo nasa gitna ka ng dalawang magkaibang mundo.

Para kang mababaliw.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat ang mga kwento sa likod ng pagiging Playboy ng dalawa.

Bakit ba sila nagkaroon ng mga rules sa buhay?

PS: Hindi po ito Chapter 1 okay?

Tulad po ng sabi ko. Kapag nakamit po nito ang number of reads na want ko ipopost ko agad ang Chapter 1.

Kamsahamnida Readers.

Enjoy po tayong lahat...

The Playboy's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon