I Try Pero mahirap Talaga

117 2 0
                                    

♥ Chapter 7 

Prof Anne’s POV

 

“Nakakainis!. Ahhhhhh….. Nakakaasar….”

Naiinis ako sa dalawang babaeng iyon. Siguro kung titignan ang itsura ko ngayon malamang pulang-pula na ako ngayon sa inis. Mabuti na lang at mag-isa lang ako ngayon. Kung pwede ko lang isigaw ng isigaw ang inis ko para matanggal ginawa ko na. Pero hindi, hindi ito mawawala hanggat hindi ako nakakaganti sakanila.

Blaaaagggg….

Hinampas ko ang table ko. Nandito na ako ngayon sa bahay dahil sa asar ko umuwi na lang ako. Hindi ko tinapos ang klase ko.Pero wala akong pakialam kong pagalitan ako bukas ng mga head ko pagpasok. Wala akong pakialam sa mga klaseng naiwan ko. Ang alam ko lang ngayon ay nainis ako. Ang gulo na din ng mga gamit ko dahil sa kanina ko pa ito pinahahagis. Wala akong pakialam dahil naiinis ako ng sobra.

Nanginginig ang buo kong katawan. Ngayon lang ito nangyari sa akin ang mainis ng sobra sa isang tao. Mali hindi lang isa ito kung hindi dalawa sila.

“Nakalusot nga kayo ngayon sa akin pero sa susunod hindi na ito mangyayari.”

Blaaaagggg….

“Maghintay kayo sa susunod kong gagawin. Hindi ako papayag na maging masaya kayo habang ako ay hindi.” Mahina pa ding sabi ko sa sarili ko.

…………………………………

Popi’s POV

“Yehey ang sweet mo naman babe.”

“For you babe.”

Kanina pa iyang dalawang iyan. Totoo nga kayang nagbago na si Derhick? Sana naman para kahit silang dalawa maging masaya na din. Kasi ako with Frank hindi ko na alam. Parang wala pa ding changes pero I know his trying his best for us. Hindi nga lang talaga ganoon kadali.

Pagkatapos naming magreport nagcelebrate kami sa isang restaurant. Napansin ko ding kami lang ang nandito o baka dahil maaga pa kaya wala pang tao.

Ang dalawa kong kaibigan kanina ko pa sila pinapanuod ang saya-saya nila. Nakakaingit sila. Di ba apat dapat kaming masaya ngayon? Anong nagyari? Bakit ganito?

“Matutunaw na sila kakatitig mo.” Nagulat ako ng biglang nagsalita si Frank. Na biglang nagpabalik sa ulirat ko. Kaya naman hindi ko alam kong anong sasabihin dahin hindi ko alam ang siasagot ko sakanya. Ibig sabihin ba non ay tinitignan din niya ako. Ibig sabihin….

“No Popi huwag kang umasa.” Pilit binubulong ng utak ko para matandaan ko. “Huwag kang mag-assume hanggat hindi mo naririnig na nangagaling sa bibig niya.”

“Ha? Ahmmm…” Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang isang tinidor at kutsilyo at saka niya hiniwa ang steak. Ang sumunod na pangyayari ay mas lalo kong ikinabigla.

Tinusok niya ito ng tinidor, ang sinasabi ko ay iyong hiniwa niyang steak at saka itinutok sa aking bibig.

“Kanina pa itong pagkain mo pero wala pa ding bawas. Ayaw mo ba? Gusto mo palitan natin? Oorder ako.”

Hindi ko alam pero kusang bumuka ang aking mga bibig. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya. Nakatitig lamang ako sakanya habang nginunguya ang steak. Sa lahat ng tanong niya wala pa din akong nasagot. Kulang na lang ngumanga ako dahil sa gulat.

“Baka mapagkamalan mo akong steak niyan dahil sa titig mo.” Pagkasabi noon ay ngumiti siya.

Totoo ba ang nakita ko ngumiti siya sa akin. Tapos ay humiwa ulit siya at saka isinubo sa akin.

Kung ganito siya ng ganito baka makalimutan kong bago lang kami hindi kami nag-aadjust sa relasyon namin.

“Kumain ka, tignan mo ang payat mo na. baka sabihin nila pinapabayaan kita.” Sabi niya habang nakatingin sa steak na hinihiwa.

Biglang bumagsak ang balikat ko. Ibig sabihin ang iniisip ng iba ang importante sakanya, na para hindi siya pag-isipan ng masama ay gagawin niya ito?

“Huwag ka ng mag-isip ng kung ano, concerned din naman ako kahit papaano sa nararamdaman mo at lalong-lalo na sa kalagayan mo. Kaya alagaan mo ang sarili mo at umiwas ka sa gulo.”

Bakit parang pakiramdam ko nagpapaalam siya sa akin?

“Bakit ganyan mo ako kausapin ngayon?”

“Ha? Bakit mali ba na magbilin ako sa girlfriend ko?”

“Hindi naman sa ganon pero….” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinubuan nanaman niya ako ng steak.

“Ginagawa ko ito para sa atin, sinusubukan ko naman talaga Popi eh. Hindi lang ganoon kadali pero I try….”

I put my fingers to his mouth. Para tumigil na siya sa sinasabi niya. Alam ko talagang mahirap ang ginagawa niya. Mahirap magbago eh. Kasi matagal na niya itong ginagawa. Kahit si Derhick alam ko sinusubukan niya para maging masaya sila ni Trixie. At ganoon din ang gagawin ko hindi ko ito mamadaliin. Dahan-dahan lang ang gagawin namin.

“Alam ko, at mahihintay ako na maging okay na talaga tayo. Mahal kita tandaan mo iyan.” Pagkasabi ko noon ay nginitian ko siya. “Dahan-dahan nating gagawin.”

Pero imbis na mahal din kita ang sagot niya.

“Thank you Popi.” May kung anong kurot sa dibdib ang aking naramdaaman pero alam ko kasama ito sa hihintayin ko. Kung kaya’t ngimiti na lang din ako sakanya.

“Oh ano? Okay na kayong dalawa?” biglang singit ng magaling na si Derhick.

“Paniraka talaga babe, nag-uusap pa sila eh.”

“Alam ko babe. At minsan ko lang marinig si Frank na maging ganoon kaya nga nakinig talaga ako ng mabuti.”

“S-Siraulo ka talaga Derhick.” Ako man ay natatawa na lang sa kalokohan niya. At tinignan ko si Frank na namumula na ang mukha.

“Babe tigilan mo na si Frank.”

“Oo, at dahil namumula na si Frank ang kaibigan kong di makabasag ng pinggan, cheers!”

At itinaas namin ang aming kanya-kanyang baso at saka ito pinagdikit.

Cheers!

Cheers!

Cheers!

……………………………………

Someone’s POV

 

Kitang-kita ko kung paano siya ngumiti kasama nila. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o hindi. Dahil noong kasama ko siya bihira lamang siyang ngumiti. At ngayon masasabi kong masaya siya. Masayang-masaya siya.

Pero kahit ganito, itutuloy ko pa din dahil alam ko mas sasaya siya sa akin.

Maghintay ka lang…

Sasaya ka ng sobra.

……

Itutuloy…

 

A/N:

Maraming salamat po…

Sana madaming magcomment… ayon po sana talaga….

Thank you…

The Playboy's RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon