Yana's POV.
"Miss Delnas" tawag sakin ng teacher ko habang inaayos ko yung bag ko
Kakatapos lang kasi ng klase namin sa English , yung ibang kaklase ko. Ayun umuwi na. Mag isa nalang ako dito sa room
At transferee ako . 5 days na ang nakalipas wala parin akong kaibigan. Di naman ako mahirap pakisamahan at kyut naman. Char
"Po ma'am?"
"Pakihatid naman ito sa library" binigay nya sakin yung ibang gamit nya. Kinuha ko naman ito. Subrang bigat talaga as in. Di kasi ako pinapayagang magbuhatuhat ng mabigat ni mama
"Pinatawag pa kasi ako ng Principal , may meeting raw lahat ng teachers" pagod na pagod nyang sabi
Kita sa mukha ni ma'am na subrang pagod na sya. Well, nakakapagod din naman talagang maging teacher.
Kaya ayuko maging teacher.
"Ah ganun ba ma'am , ahhh ma'am diko pa kasi gaanong kabisado ang school , saan po ba yung library?" Malakilaki din kasi itong school nato. Kaya maliligaw ka talaga if di mo pa kabisado
Subrang dami ng buildings. Isa kasi to sa pinakasikat na school dito sa lugar namin
Tumawa naman si ma'am at napa kamot . Na realize nya ata na di ko pa kabisado tong school na to
"Hahaha oo nga , nakalimutan ko , Kumaliwa ka lang galing Canteen , tapos basahin mo yung mga naka sulat sa ibat ibang rooms , alam mo naman kung saan ang Canteen diba?"
Palagi akong gutom kaya Alam ko talaga kung saan ang Canteen, food is my bestfriend kasi HAHA
Syempre magara din yung Canteen nila
"Opo ma'am , sige po ma'am , baka hinahanap ka na ng principal" tumango nalang sya at nag thank you
Sasabihin ko pa sana na dapat lakihan ang grades ko pero na realize ko na subrang plastic ko naman nun hakhak
Lumabas din ako ng room. Nasa 3rd floor yung room namin kaya kailangan ko pang bumaba
Di narin karamihan yung studyante kasi uwian na
Hanggang sa naabot ko ang canteen at kumaliwa ako. Maraming rooms , by line.
At mas namangha ako sa ikatlong room kasi 'Music Room'
Ang naka lagay. At dahil music is life ang Lola nyo. Pinasok ko.
Curiosita kasi.Subrang tahimik ng Music Room at subrang laki . May ibat ibang rooms din sa loob nito kaya subraaaaaa akong namangha
Nakakapagtaka nga kung bakit walang gaanong tao eh ang ganda kaya tambayan dito
Pumasok ako sa isang room at nakita ko yung mga Guitar Instruments , ibat ibang klaseng guitar.
So I think by anong klaseng instrumento naka base ang ibat ibang rooms dito.
Pinasok ko rin yung isang room na may maraming Violin , subra.
Fan kasi ako sa Your Lie In April na anime kaya ayownSubrang namangha ako , pero di inaasahang may biglang tumugtug. As in ang ganda ng tugtug, parang nakaka inlove , kaya sinundan ko kung saan ito
Para akong isang a song naka Amoy ng isang masarap na pagkain kaya sinundan ko ito
At nalaman ko na kung saan ito nanggaling
Sa.........Piano Room
At may isang lalaking naka talikod na tumutugtug. Subrang ganda ng tugtug nya
Pinakinggan ko lang yung tugtug nya hanggang sa matapos ito.
Tatayo na sya ng NA realize ko na kailangan ko palang magtago. Di nya ako pwedeng makita , eh di naman kasi dahil subrang pangit ko pero parang ganun na nga.
YOU ARE READING
Those Heartbeats
Novela JuvenilIsang babaeng Hindi pwedeng mag mahal ay magkakagusto sa isang di inaasahang tao , pwede kaya magbago ang ang titulong "Di Dapat Magmahal si Yana" Isang tibok lang ng puso Ang magpapabago ng lahat