Chapter 1 Troy Stanley

0 0 0
                                    

Shannon's POV

"Mom, matagal na yon. And yes, I love myself so you don't have to worry about me being alone.." sabi ko sa mommy ko, kausap ko sa phone. Lagi na lang akong nireremind na mag-ingat at hwag gagawa ng kalokohan. Like duh? Matagal na yon para pagtangkaan ko uli ang buhay ko ngayon. I'm doing fine, I guess. Nasa kwarto ako ngayon ng bahay ng auntie Sally ko na kapatid ng mommy ko, nagfofold ng mga damit galing sa maleta ko. I just arrived here from US of A. Hayyyyy.... bagong yugto na naman ng aking buhay. Kapagod ang long trip na ginawa ko, may jetlag pa.
Actually, masaya naman sa States eh, wala akong problema dun. Maganda ang lugar, mas prefer ko nga ang maginaw na lugar kesa mainit. Pero pagkatapos ng mga nangyari, I don't think I'd survive kung nagstay pa ako dun. The memories  are killing me, slowly..
"Shan, are you in there? Can I come in?" tanong sakin ng pinsan kong si Samantha habang kumakatok ng mahina sa may pintuan.
"Pasok." Sabi ko sa kanya at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at tinungo nya ang kinaroroonan ko sa may kama at tumulong na rin sya sa pagfofold ng mga damit ko.
"Di ka ba pagod? Ito agad ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Samantha sakin.
"Yaan mo na, di naman ako makatulog agad. Tsaka maaga pa naman, mamaya na ako matutulog pagmadilim na. At naninibago pa ako, namimiss ko na agad ang kama ko sa States," sabi ko habang nakangisi sa kanya saka nya ako pinalo ng mahina sa balikat.
"Ewan ko sayo Shan, pero seriously okay ka lang talaga dito? Ang pamilya mo nasa States, ikaw lang dito mag-isa. Di mo ba sila mamimiss?" mahabang tanong ni Samantha sakin.
"Syempre mamimiss ko sila, at okay lang naman ako dito. Dito mas makaka focus ako sa paglimot at hindi ako mahihirapan," sagot ko sa kanyang tanong sabay ng paghugot ko ng malalim na paghinga.
"Okay, sabi mo eh. Pero always remember andito lang ako, okay? Hwag mong isarili ang mga bagay na bumabagabag sayo." Sabi niya sakin sabay hila sakin para yakapin ako.
"Salamat Sam. I will, para sa'n pa't dito ako mag stay," sabi ko naman sa kanya. At pinagpatuloy na namin ang pagfofold ng mga damit. Pagkatapos ay pumunta na kami sa kitchen para maghanda ng hapunan. Kami lang dalawa ni Samantha dito dahil parehong nasa Canada ang parents niya at ang kuya niya naman ay nasa England. Parehong doctors ang parents ni Sam habang nurse naman ang kuya niya. Pareho kami ni Sam na  kakagraduate lang sa college, fashion designing ang natapos ni Sam samantalang ako ay culinary arts. So basically, ako lang talaga ang naghahanda ng hapunan namin ngayon. Nanunuod lang si Sam sakin. Nang matapos na ako ay tinulungan nya na akong maghain sa mesa ng pagkain. At nagsimula na kaming kumain.
"Hmmm, kahit kelan the best ka talaga sa kusina,sarap.."nakangiting sabi sakin ni Sam at sumubo ulit ng pagkalaki-laking kanin.
"Dahan-dahan lang Sam, baka mabilaukan ka jan." Saway ko sa kanya at tumawa lang ang loka. Hayyy, ewan ko sa isang yan, ang lakas kumain ngunit payatot pa rin. Pagkatapos ng hapunan ay sya na ang nagpresenta na maghugas ng pinagkainan, kaya ang ginawa ko na lang ay ang pumunta sa living room nila at umupo sa harapan ng kanilang grand piano na kulay pink at nagsimulang tumugtog. Dahan-dahan kong tinutugtog ang paborito kong piece habang ninanamnam ang mga alaalang nagsisimulang maglakbay sa aking isipan. Mga alaalang nagbibigay ng matamis na ngiti sa aking mga labi,  masasayang alaala.
"Ikaw na talaga ang talented Shan, nakakainggit ka.." komento ni Sam sakin sabay pout habang papalapit sa kinaroroonan ko, nakakatawa ang mukha niya at nahinto ako sa pagtugtog.
"Ambilis mo naman atang nakapaghugas?" tanong ko sa kanya habang sya ay kumuha ng stool at umupo sa harapan ng piano.
"Eh kasi kunti lang naman yung hinugasan ko noh, tsaka gusto kong panoorin kang tumutugtog, kaya ipagpatuloy mo na," nakangiting sabi sakin ni Sam. At pinipilit nya na akong magpatuloy.
"Oo na, eto na nga," nakangiti ko namang tugon sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagtugtog habang titig na titig naman si Sam sa mga kamay kong ekspertong nagpiplay sa piano. Hanggang sa matapos kong tumugtog at tumayo't tinungo ang couch na nasa harap ng malaking flatscreen TV. Ini-on ko ang flatscreen TV habang lumapit naman si Sam sakin at tumabi.
"Di ka pa inaantok?" tanong nya sakin habang nakatutok ang mga mata sa screen ng TV at dahan-dahang kumunot ang kanyang noo. Napatingin na rin ako sa TV nang---
"Mr. Troy Stanley is back in the country. Our very own successful bachelor who owns several hotels and restaurants around the world....." yan lang naman ang sinasabi ng reporter. Tiningnan ko ulit si Sam na parang napako sa kanyang inuupuan at di kumukurap na nakatingin sa TV screen.
"Hey, what's wrong?? Sam??" bulalas ko habang niyuyugyog ko sya ng marahan at hindi man lang sya lumingon sakin. Ewan ko, nalilito ako sa kanyang inaakto. Kilala nya kaya yang Mr. Troy Stanley na yan? Kung makatitig kala mo nakakita ng multo.
"Hoyyyyyyy, wake up..." sabi ko ulit sa kanya, saka pa sya lumingon sakin at binigyan ako ng tinging nagtatanong.
"H-Hah??A-Ano yong sabi mo?" nauutal na tanong nya ulit sakin.
"Ang sabi ko ano bang problema mo? Okay ka lang ba? At kilala mo ba yong Troy na yon?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"Ha?Ah eh, a-ano hindi ko kilala y-yun...hehehe..ang gwapo lang kasi, feeling ko sya na yung soulmate ko. .hehe" sabi nya ng nauutal tsaka ini-off ang TV at pinisil pa ako sa tagiliran ko. Hindi ko sya maintindihan.
"Hehe, matulog na tayo," sabi nya sa akin nang may pilit na ngiti at tumayo na't tinalikuran ako. Pinapanuod ko syang nakatalikod sa akin habang nagsimula nang maglakad papuntang kwarto nya. Para syang baliw, may pa-action action pa syang nalalaman at umiiling-iling pa habang naglalakad. Napailing na lang din ako habang pinapanood sya hanggang sa makapasok sya sa kanyang kwarto.

Samantha's POV

Good thing nakaisip agad ako ng palusot. Phew! Muntikan na ako dun. Pero, ba't ba yun yong nasabi ko???!!!Kainis! Soulmate talaga?!Tsh! Nakakainis! Napapailing pa ako sa naisip ko. Nakakadiri! Kahit gaano pa ka gwapo ang Troy na yun! Wala akong pakialam.

(--_____--)

Baka isipin ni Shannon, baliw na ako.

(=______=)

Nagdahilan pa, ambabaw naman.Aissh!!! Nakakainis talaga!!Hmph!
Naupo agad ako sa kama ko pagkasarado ko ng pinto. At nagsimula nang mag-isip. Hmmmm..ano naman kaya ang dahilan ng Troy na yon at naisipan nyang bumalik dito sa Pinas? I hope walang kinalaman to sa Shannon na kakarating lang din? Hmm..aaissshhh!!! Napapakamot pa ako sa ulo ko sa isiping ito. Ayokong maging praning at nega. Baka nga nagkataon lang talaga ang pagbabalik nya.

(==^==)

Aissh!! Ewan ko sa kanya. Sana lang talaga walang kinalaman to kay Shannon.
Huhuhuhu, yari na naman ang pinsan ko neto pag nagkataon.

(T^T)

Aigoo aigoo...nakakaiyamot..gusto ko ng matulog.

(==_____==)

Bahala na si Venom, tsk. Makatulog na nga....

A/N
Hey guys, this is my first ever story, so how's the first chapter??????
Do give me comments, wanna know what d'ya say, okay?

(*3*)

Love love, jelomae

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforeseen KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon