Tumunog ang telepono at sinagot niya iyon na may halo pa rin na ngiti sa kanyang mga labi.
"Watch's Incorporated." Sambit niya.
"Sir!!!" Kumunot naman ang noo niya sa pagtataka. Kaboses kasi nito ang isa sa mga katulong niya sa bahay. Yung kasing edad ng kapatid.
"Bakit? May problema ba sa bahay?" Tanong ni Relic. Biglang kumabog ang dibdib niya. Kakaiba.
"Sir!! Si Ma'am Reese po!!" Bigla siyang napatayo sa pagbanggit ng pangalan ng kapatid niya. Lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya.
"What? what happened to her?!" Pinigilan niyang wag sumigaw at hindi mataranta pero naririnig pa rin sa boses niya ang pagaalala.
"Sir! Nasa ospital po si Reese! Nahit and run po! Nabagok po yung ulo niya." Hindi maipaliwanag ni Relic ang nararamdaman niya. Nakarinig siya ng mga hikbi sa kabilang linya. "Sir, delikado na raw po ang lagay niya. Sir, nirerevive na po siya ngayon! Di ka po kasi namin macontact kanina. Sir, pumunta na po kayo rito!" Kinuha agad ni Relic ang susi ng sasakyan niya.
"Where?" Natatarantang tanong niya.
"Sa private hospital po sa tabi ng mall." Pagkasabi na pagkasabi nun ay kumaripas na ng takbo si Relic palabas ng kompanya. Pinaandra niya kaagad ang kotse niya at mabilisan itong pinaandar. Sari sari ang mga naiisip niya. Biglang tumulo ang mga luha niya. Naisip niyang naging pabaya siyang kapatid. Hindi niya inalagaan ang kapatid niya. Napakawalang kwenta niya. Wala nanaman siyang nagawa. Nung una, nang mababoy ang kapatid niya wala siya pati ngayon nadisgrasya ang kapatid niya wala pa rin siya. Nasuntok niya ang steering wheel sa tindi ng depresyon na nararamdaman niya. Nang maabot niya na ang ospital hindi na niya inabalang ipark ng maayos ang kanyang kotse. Iniwan niya na lang ito at tinakbo ang mga nakakasalubong niyang nurse.
"Miss! Miss! Reese Watch! Saan pong room?!" Pagtatanong niya sa isang nurse na nakabangga niya.
"Po? Pakitanong na lang po sa nurse doon sa area na yun." Dumiretso agad si Relic sa tinuro ng isang nurse sa kanya at agad agarang tinanong itong mga to.
"Nasaan po ang room ni Reese Watch?!"
"Reese Watch?! A-ah sa last floor po! Doon po ang room niya!"
"Salamat!" Dumiretso siya sa elevator at hinintay ang pagbaba nito.
"Come on! Come on! Come on!" Patuloy niyang sambit pero napasipa na lang siya sa gilid ng elevator sa sobrang inip.
"Forget it! Dammit!!!" Inakyat niya ang hagdanan na hingal na hingal. Hindi siya tumigil sa katatakbo.
'Hold on, Reese..Please, Hold on.' Sambit ng kanyang isipan. Nang maabot niya ang pinakahuling floor ay sinipa niya ang pintuan nito.
"REESE!!!" Sigaw niya at hinawakan ang mga tuhod niya sa sobrang hingal. Tatakbo na ulit sana siya pero nagulat siya sa nakita niya. Nasa rooftop na pala siya.
"Happy Birthday, Kuya."
"Reese?" Kitang kita ang mga matatamis na ngiti ni Reese habang hawak hawak niya ang isang pamilyar na cake. Ito yung cake na gustong gusto nilang magkapatid.
"What's your wish, Kuya? then blow the candles." Hindi pa rin makapaniwala si Relic pero sinunod niya ang sinabi ng kapatid.
'Sana totoo ang lahat ng ito'' Minulat ni Relic ang mga mata niya at nakita niyang nakangiti sa kanya si Reese. Nilapag nito ang cake.
"Kuya, I'm so sorry." Lumuha si Reese sa harap niya. "I'm so sorry if I'm so selfish.I know I give you so much burden. I know it's hard for you. I'm sorry If I turned my back from you. I'm sorry kung ngayon lang kita naintindihan. I'm so sorry kung hindi ko naintindihan ang mga nararamdaman mo. Sorry kasi naging masamang kapatid ako sayo and I'm truly sorry that I told you I hated you so much. I'm so sorry, Kuya." Pinunasan ni Relic ang mga luha ng kanyang kapatid.
"No, I am sorry. I'm sorry kung hindi kita naprotektahan man lang. I'm so sorry kung wala ako nun. I'm so sorry that I hurt you physically and emotionally. I got scared. I got scared that I will lose you without your forgiveness. I'm so sorry."
"Kuya... Remember this?" Hinawi ni Reese ang Buhok niya palikod at tumambad ang isang kumikinang na kwintas. "Thank you, Kuya."
'Ang tagal ng babaeng yun. Galit na lang ang natira sa isipan ko. Hindi ko na alam kung paano siya didisiplinahin. May dinukot ako sa bulsa ko. Isang parihabang kahon. Hindi ko alam kung ibibigay ko pa ba ito sa kanya bukas o hindi na. Kahit galit na galit na ako sa kanya nabilhan ko pa siya ng ganyang regalo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit matindi na ang galit ko alam ko pa rin sa sarili ko na mahal ko ang kapatid ko.'
"How did you found that?" Tanong ni Relic.
"Kung saan saan mo kasi ito nilagay. Habang naglilinis ako, nakita ko ito." Sagot ni Reese.
'Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. Nakakatakot si Kuya. Galit na galit na talaga siya sa akin pero mas galit ako sa kanya. Hindi ko lang ipinapakita dahil kahit papaano ayokong malaman niya. Ayokong sabihan niya ako na kinakahiya niya ako. Sapat na ang sakit na nararamadaman ko sa bawat sampal at salitang binibigay niya sa akin. Sa paglilinis ko may napulot akong isang kahon. Mukhang mamahalin. Bakit pakalat kalat lang ito dito? Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang pinakamagandang bagay sa paningin ko. Isang kwintas. Nang kukuhain ko na ito. May nahulog na isang papel mula sa kahon. Dahil sa kuryusidad binuksan ko tio.
"Dear Reese,
I dont know what to do with you anymore, you little brat. Please stop pestering me of this stupid trips and acts. Get a life. Be mature. Help yourself. Galit na galit na talaga ako sayong babae ka pero pasalamat ka kahit galit na galit na galit na ako sayo may regalo ka pa rin galing sa akin. Wag ka nang magthank you! Tutal bastos ka na rin lang! I love you, Baby Sister kong nakakastress!" '
"I'm glad you like it." Sambit ni Relic.
"No, I don't like it." Pagtaas ni Reese ng kilay.
"Hay, ang kapal talaga ng mukha mong bata ka. Ikaw na nga tong binilhan ng kwintas! Ang mahal mahal niyang kwintas na yan!" Relic grumbled and tsked.
"Eh I don't really like it naman talaga eh! I love it!" Napangiti naman si Relic sa sinabi ng kapatid niya.
"I love you, Baby Sister."
"I love you, Grumpy Brother!"
"Ewan ko sayo." Kinuha ni Relic ang cake at pinapak ito.
"Kuya!!!" Napatingin si Relic kay Reese na mukhang inis.
"Oh ano? Kita mong nageenjoy akong kumain dito eh!" Pagtaas ni Relic ng kilay.
"Ba't mo kinakain yan?!"
"Malamang, birthday ko eh! Binigay mo nga diba? Ulyanin ka na ba?"
"Eh sabi ko make a wish and blow your candles lang naman eh hindi ko naman sinabing kainin mo yan eh! Akin yan! Nakakainis naman to eh!" Pagmamaktol ni Reese.
"Wala na! Ang dami kasing satsat! Naubos ko na tuloy!" Dinilaan niya ang kapatid niya.
"I HATE YOU, KUYA!!!!"
"I know that you still.." Ngumiti si Relic na hindi umabot sa kanyang mga mata. Reese rolled her eyes.
"Ang drama ni Kuya." Nilapitan niya si Relis at niyakap. "Fine."
"I love you, Kuya. I love you so much."
"Okay! Paunahan sa bahay! Mahuli panget!" Pagtakbo nito.
"AHHGGGGHHH! I SO HATE YOU KUYA!!!!!"
"I LOVE YOU TOO!!!!"
-End-