Lubos na nasaktan si Relic sa sinabi ng kanyang kapatid kaya mas pinili niya na lang na wag magpakita rito. Kapag umuuwi siya ng bahay iniiwasan niyang wag katukin ang pintuan nito upang hindi ito mas lalong magalit sa kanya. Sinabihan niya na lang ang mga katulong nila na alagaan ang kapatid niya. Kapag nandyan siya sa bahay ay ang paglapit lang sa pintuan ng kapatid niya ang ginagawa niya. Dinidikit ang noo sa harap ng pintuan habang umiiyak. Bumili siya ng sarili niyang condo at doon muna tumuloy. Binabad niya na lang ang sarili sa pagtatrabaho.19 pa lang siya at hawak niya na agad ito dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Tinatapos niya ng paonti onti ang kanyang pagtapos sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagsali sa isang programang pinapasukan niya lamang every saturday upang makapagtapos.
"Tol, Tama na muna yan. Sama ka na muna sa amin. Pupunta kami sa handaan ni Indigo. Masyado mo namang binababad ang sarili mo dyan. Tara na!" Tapik sa kanya ng kaibigan niyang si Seed. Tuloy tuloy lang kasi sa pagtatrabaho si Relic at pinabayaan niya na muna ang mga problema sa paligid niya.
"Pakisabi na lang sa kanya na hindi ako makakapunta. Ang dami ko pang gagawin eh. Ayokong mastress nanaman sa mga gawain dito sa kompanya." Ngumiti siya na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata.
"Hay, nagpapalusot ka nanaman. Tungkol nanaman ba ito kay Reese?" Kumirot ang puso niya sa pagbanggit lang ng pangalan ng kapatid niyang matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap.
"Hindi. Nahahassle lang talaga ako sa mga ginagawa ko dito. Alam mo namang pinagsasabay ko ang college at company diba?" Pagpapalusot niya pero masyadong close si Seed at Relic para lang sa palusot na iyon.
"Wag mo nga akong ginaganyan ganyan, Relic. Matagal na tayong magkaibigan. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ba talaga ang dahilan. Alam mo, freshen up. Wag mong gawing mind cleaner yang trabaho mo. Learn to enjoy life just for a second. You know, I'm here to really say this to you and push you. Sinabi rin sa akin ito ni Indigo. Parang tinutulad mo lang ang sarili mo kay Reese eh. Nagkukulong siya, Ikaw nagkukulong din. Siya sa kwarto pero ikaw dito sa kompanya. Dude naman." Napabuntong hininga si Relic sa sinabi ng kaibigan. Kilalang kilala talaga siya nito.
"Hindi ko pa kaya, Seed. Di ko pa kayang magsaya. Ayokong sumaya hangga't hindi pa masaya ang kapatid ko. Ayokong magpakampante habang ang kapatid ko nahihirapan. Ayokong maging unfair sa kanya." Saad nito.
"Hay, sige na nga. Mapipilit pa ba kita? matigas yang bungo mo eh. Itext o tawagan mo na lang kami ha? Sabihan mo kami pag may problema ulit okay? Wag ka laging nagkikimkim, Tol."
"I'm sorry, next time magsasabi na ako para hindi na kayo magalala."
"Sige, una na ako."
"Sige." Naiwan nanaman siyang babad sa mga gawain niya. Araw araw niya itong ginagawa. Araw araw din siyang malungkot at laging nagaalala sa kalagayan ng kapatid.
UMUWI siyang pagod sa mansyon nila. Sinalubong siya ng mga katulong at nagbigay galang.
"Sir, nakahain na po ang pagkain." Sinabi ng pinakamatandang katulong.
"Ah, Si-" Bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay tinuloy na ito ng tagapagbalita sa kanya na kasing edad lang ng kapatid niya.
"Nakakain na po siya, sir. Dinalhan po namin siya sa kwarto niya. Sa palagay ko, okay naman po siya." Napangiti naman siya ng onti sa balitang narinig niya.
"Ah ganon ba? Buti naman. Hindi na ako kakain dito. Pakitago na lang po ang pagkain na hinain nyo. Babalik na lang ako sa susunod na linggo para humingi ulit ng balita paukol sa kanya. Busy na kasi ako sa mga susunod na araw. Nagkaproblema kasi ng onti sa kompanya. Kailangan kong madaliin ang trabaho ko." Paliwanag nito sa kanila.
