Kinikilig ako
Etong epekto mo
Kulang nalang maihi ako sa panty
Isang ngiti mo lang naghihina na ako
Isang sulyap mo lang parang
Sasabog na ang puso ko
Naku anu ba yan
Lagi nalang bang ganito?
Pasulyap sulyap lang saiyo?
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Yan ang mga linya nalaging nababngit ng mga characters sa ginagawa kong comics. Nakakaingit sila, lagi silang inlove. Hindi tulad ko lagi nalang nakakulong ditto s aapat na pader ng kawarto ko. Wala akong magagwa, yan ang napili kong trabaho. Isa akong sketch artist at writer ng libro sa isang local company.
Nauubos ang oras ko sa pag susulat ng mga lovestory na patok sa mga teens. Yung lovestory na may mga maraming pick ups lines, may mga gangster at mga cassanova. Yun daw kasi ang patok ngayon eh.
Kaso hindi ako makarelate. Bukod sa trabaho ko ang lagi ko nalang kasama ay ang mga sketch pad ko at drawing materials. Ganun siguro talaga kapag isa kang artist, mahirap loner. Kung baga isa daw akong introvert.
Ako nga pala si Krystal Samuel Gomez, 22 years old
Ang boring ng buhay ko, pero lahat ito nag bago nang mapunta saakin ang librong may cover na “DO NOT READ”.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++