2

7 1 0
                                    

Why Best Friend?

Ring....ring....ring... 

"Oh bakit Liz? Napatawag ka?" tanong ni Jady. 

"Ahm. Pasensya ka na Jady kung napatawag ako ng ganitong oras. Nagising ba kita?" 

"Hindi naman. Magkatext pa kasi kami ni Japoy. May problema ba?" 

Sa pagtawag ni Liz kay Jady, sinabi niya lahat ng nararamdaman niya sa mga ginawa namin ni Bryan. Sinabi niya rin na marahil ay hindi na siya sasama tuwing may group date kami dahil balak niya nang tapusin ang relasyon nila ni Bryan. Umiiyak ng mga oras na 'yon si Liz. Hindi niya alam ang dapat gawin pero sinabi ni Jady na gawin ni Liz kung ano ang sa tingin niyang makabubuti para sa kanya. 

Samantala, may narinig siyang bumato sa kanyang bintana. Alam na niyang si Bryan 'yon, kaya nagpaalam na muna siya kay Jady. Dumungaw siya sa bintana at sumenyas ng sandali lang. Tumingin muna siya sa salamin at pinunasan ang kanyang mga luha. Kahit na magulo pa ang pag-iisip, sinabi niya sa sarili na, "Huli na 'to Liz. Tahan na," upang mapalakas ang loob. Dahan-dahang bumaba si Liz ng hagdan papunta sa pintuan nila. Nang makarating na siya sa labas ng kanilang bahay, niyakap siya ni Bryan subalit, pumiglas si Liz at tumalikod. 

"Sorry na Babe. Hindi ko na uulitin. Promise!" pakiusap ni Bryan. 

"Hayaan mo huli na talaga 'yon. Nakakapagod rin kasing parating umiintindi at parating panghuli sa mga pagpipilian." 

Muling niyakap ni Bryan si Liz, "Anong ibig mong sabihin? Sorry na... Please..." 

Sa pangalawang pagkakataon ay pumiglas si Liz, "Ayoko na Bryan." 

"Anong ayaw mo na?" 

"Tapos na tayo! Pwede mo ng gawin lahat ng naisin mo! Maglaro ng PS3 maghapon at magdamag dahil wala ng maghihintay sa 'yo kapag may lakad tayong dalawa! Pwedeng pwede mo na ring isama si Jep sa tuwing may gusto kang bilhin tuwing may group date dahil wala ka ng iiwanang mag-isa sa grupo! Pwede mo ng gawin lahat dahil tapos na tayo!" Galit at umiiyak na pagdadalamhati ni Liz. 

"Babe. 'wag naman. Hindi ko kaya..." 

"...hindi mo kaya? Eh parati mo nga akong iniiwanan tapos sasabihin mong hindi mo kaya?!" 

Sa pangatlong pagkakataon ay niyakap ni Bryan si Liz at hinalikan ito sa labi, "Sorry na please..." 

"Bitiwan mo nga ako! Makakaalis ka na." 

Hindi na muling pinilit ni Bryan si Liz. Umalis siya ng malungkot at halos mangiyak-ngiyak. Tama naman kasi si Liz. Iba rin naman talaga ang buhay ng may girlfriend na, pero sino nga ba ang dapat unahin? Ang best friend o ang girlfriend? Sa tingin ko, depende sa pagkakataon. Madalas niyang iwanan si Liz para sa ibang mga bagay at pagkatapos ay isinasama niya ako. Ayaw rin naman ni Bryan na na-o-OP ako o maging si Liz pero sa tingin ko, pakiramdam ni Liz ay balewala na siya. 'Di ko naman siya masisi kung talagang nagalit siya kay Bryan. 

Noong gabing 'yon, hindi ako tinext, tinawagan o pinuntahan ni Bryan. Mas pinili niyang mapag-isa. Hindi naman niya gawain 'yon. Madalas kapag may problema siya, ako rin ang nilalapitan niya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya pero hindi ko na hinintay ang text o tawag niya. 

Kinaumagahan, naunang umalis si Japoy sa boarding dahil may dadaanan pa raw siya. Mag-isa kong pumunta ng school at nakita ko si Liz na papasok na rin sa school. Hinabol ko siya. Tinanong ko kung pwede ko ba siyang maka-usap at pumayag naman siya. Nag-usap kami sa likod ng building namin kung saan alam naming walang ibang taong makakarinig ng aming pag-uusapan. 

"Liz. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa 'yo sa mga ginawang pag-iwan namin sa 'yo ni Bryan," may pagpapakumbaba at sinseridad na pagsabi ko. 

"Ayos lang 'yon Jepoy. Hindi mo naman kasalanan. Alam ko namang hindi ka nagkulang na sabihan si Bryan...and besides, wala naman na kami. Hindi ba niya nasabi sa 'yo?" 

"HA?! Wala pa siyang nababanggit sa akin. Hala, Liz...sorry talaga." 

"Sige Jepoy nag-ring na 'yung bell. Mauuna na ako." 

Nilisan ako ni Liz na may pakiramdam ako na mayroon pa ring kalungkutan sa kanya. Nagi-guilty ako at hindi ko rin alam ang dapat kong gawin. Sa pagpasok ko sa room namin, medyo balisa ako at parang wala sa mood. Sa katunayan nga ay ilang beses akong tinatawag ng instructor namin pero hindi ko 'yun napansin. Binato niya ako ng chalk. Nagalit ako dahil akala ko ay isa sa aming mga kamag-aral ang nanti-trip sa akin. Pinagalitan ako ng aming guro at inutusan niya akong mag-sulat ng "I promise to listen to our teacher during the lesson and will not day dream during classes," sa limang long yellow pad at ipapasa ko ito kinabukasan. Dahil sa nangyari ay puro tukso nanaman ang inabot ko sa aking mga kaklase. 

Hindi pumasok si Bryan sa mga klase niya. Sinusubukan ko rin siyang tawagan pero, "The subscriber cannot be reached..." Dahil dito, nagpasya akong lumiban ng klase sa hapon para pumunta sa bahay nila. Nadatnan ko ang Tita niya doon at sinabi sa akin na kagabi pa siya hindi umuuwi. Nagbaka-sakali ako na baka siya ay nasa Children's Park. Doon ko nga siya natagpuan - tulala at hindi maipinta ang mukha. 

"Paps, kanina ko lang nalaman kay Liz ah. Ba't di mo agad sinabi sa akin?" 

Hindi siya umiimik. Nagpalipas ako ng ilang minuto para hintayin na magsalita siya. Inakbayan ko siya at tinapik sa likod pero tinanggal niya ang kamay ko. 

"Sorry sa nangyari. Nagkausap kami kanina ni Liz at sinabi niya sa akin lahat. Nag-alala ako sa 'yo at pumunta ako sa bahay niyo pero sabi ng Tita mo kagabi ka pa raw hindi umuuwi. Hinihintay din kita kagabi pero akala ko dumiretso ka nang umuwi." 

"Iwan mo muna ako. Gusto ko munang mapag-isa." 

"Pwede bang dito muna ako? Hindi ako magsasalita. Sasamahan lang kita kasi pinangako ko sa iyo na 'di kita hahayaang mag-isa lalo na sa pagkakataong ganito." 

Hindi na siya nagsalita at hinayaan niya ako na manatili sa tabi niya. 

'Di ko alam kung anong iniisip niya. Alam ko kung gaano niya kamahal si Liz, pero alam ko rin na marami siyang pagkukulang. Sinasabi naman namin sa kanya 'yon pero ang madalas kasi na sabihin niya sa akin, mas nauna niya akong nakilala at mas nauna kaming naging mag-best friend kaya gusto niya na ako ang dapat niyang unahin. Sinabi ko noon na hindi naman kailangan kasi may girlfriend na siya pero sinabi niya na hayaan ko na lang daw siya sa gusto niyang gawin dahil desisyon niya naman 'yun kaya hinayaan ko siya. 

"Paps. Ngayon naiintindihan ko na 'yung mga sinasabi mo sa akin noon. Pero naiisip ko, dapat hindi na ako nalulungkot ngayon kasi nandiyan ka naman na best friend ko. Medyo masakit lang talaga ang nararamdaman ko ngayon. Salamat ha? Dahil nandito ka pa rin sa tabi ko kahit na di ako madalas makinig sa 'yo." Malungkot na inihayag ni Bryan. 

Doon ko siya ulit nakitang umiyak. Hindi siya umiiyak maliban na lamang kung mahal niya ang taong nawala sa kanya. Una siyang umiyak sa harapan ko nung namatay ang Daddy niya. Hindi ko alam kung tatawa ako sa pag-iyak niya dahil para siyang bata. Pero ngayon, sa pangalawang pagkakataon na umiyak siya sa harapan ko, naiintindihan ko na na gano'n talaga siya umiyak para mailabas niya ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman.

Best Friends Never DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon