Slowly Fading

11 0 0
                                    

Her POV

"Sol," tawag sakin ni Ashley, bestfriend ko.

"Hmm?" sambit ko naman sabay taas ko ng kanang kilay.

"Ahh wala. Tulala ka kasi eh. May problema ka ba?" tugon sakin ni Ashley. Problema? Siguro.

"Ewan. Hindi ko alam kung meron o wala," :-/ Problemado siguro ako kasi projectfest na. Dagsaan ng projects. Pero parang wala lang naman sakin ang projects eh. The night before the due date kasi lagi ako gumagawa eh.

"Anong klaseng sagot yan? LQ ba? O projectfest?" tanong ni Ashley na may halong pag-aalala.

"Siguro projectfest lang... Sana projectfest lang," sagot ko sa kanya. Parang may mali kasi eh. Parang iba. May feeling ako na may bagay na may masamang mangyayari. Ewan ko lang dito sa school or sa bahay. May digmaan kasi lagi sa bahay eh.

"Thank you and goodbye, Sir." at dahil sa katulala ko, hindi ko na namalayan na dinismiss na pala kami ni sir. Hayy. Recess na.

"Solar," tawag sakin ni Moonbyul, boyfriend ko.

"Ano Byul?" tugon ko sa kanya.

"May problema ka ba? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili eh," pati siya nakaramdam din sa pagiging tulala ko.

"Baka. Siguro. Hindi ko alam," sambit ko sabay iwas ng tingin.

"Oh kay? Ikain mo na lang. Oh!" sabi niya sabay bigay ng 2 kwek-kwek.

"Thanks," sabi ko sabay kagat dito.

Natapos na ang recess pero ito pa rin ako, nakatulala at nagpipigil ng emotion.

Alam ko kung bakit ako tulala, kung bakit ako wala sa sarili pero ayokong sabihin, ayokong aminin sa sarili ko.

Ayaw ko nang umiyak.

Ayaw kong umuwi sa bahay dahil nandoon siya. Alam kong nandoon siya at alam kong hindi siya aalis doon. Palagi kaming nag aaway dahil ayaw ko sa kanya.

Lahat na ginawa ko para umuwi ako ng gabi, ayaw kong umuwi ng mas maaga, baka mapatay ko pa siya.

Siya. Sino ba siya?

"Hoy Solar! Bakit gabi ka na ha? Naglandi ka no? Ang landi mo talaga. Hoy! Sumagot ka! Hoy!" sabi niya sabay pingot sa tenga ko at duro sakin. Siya ang ate ko.

Ang ate kong dahilan ng lahat ng pasa, luha, tulala at gabing walang tulog.

Ang ate kong walang ginawa kundi sirain ang buhay ko.

Ang ate kong walang kwenta.

Kumain ako't nagkulong sa kuwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.

"Byul," bati ko sa kanya habang umiiyak.

"Sol? Bakit ka umiiyak? May problema ka ba? Gusto mong puntahan kita diyan?" sunod-sunod niyang tanong sakin ng may halong pag aalala.


"Byul, wag na... Byul, I'm sorry," paghingi ko ng tawad sa kanya.




"Huh? Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang kasalanan ha," sabi niya na nagpa iyak pa lalo sakin.


"Hindi. May kasalanan ako. Byul, I'm sorry. But I have to let you go," sabi ko sa kanya at nakarinig na lang ako ng tawa sa kabilang linya.




"Hahahaha. Nice one, Sol. Napaniwala mo ko doon ah. Hahahaha," tawa niya na alam ko namang umiiyak na rin siya.





"Hindi Byul. Seryoso ako. Ayokong madamay pa sa mga pinagsasabi ng ate ko. Byul, I'm really sorry pero break na tayo," sabi ko sa kanya sabay end ng call.


I guess this is the end for both of us. Sana maging masaya ka kahit sa piling pa ng iba. Basta't masaya ka.

Kumuha ako ng lapis at papel at sumulat.


Pagkatapos kong sumulat ay inilagay ko yon sa sobre.



Sabay saksak ng maliit na kutsilyo sa puso kong wala ng kwenta.

"Ate, sana masaya ka na"

And every single thing slowly fades.

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon