Click

1.1K 21 0
                                    

"It's not you, Jema. It's me. I need space to focus on my career. Mahal, this is not working anymore. Please lang, stop calling me. Good bye", these are his last words before hanging up the phone.

It's not you, it's me.
Ilang beses ko na bang narinig ang linyang yan? Once? Twice? No, thrice maybe. Pangatlong failure sa relationship na hindi manlang nag e-exceed sa five months.
Buti na lang at nakauwi na ako ng dorm dahil baka kung sa school ko pa narinig lahat ng nonsense niyang rason, doon pa ako umiyak.

My name is Jessica Margarett Galanza, a 4th year college student in Adamson University taking up photography major in broken heart.

Three failed long distance relationships with three different people who are always meeting someone new kaya ako iniiwan.

"Be, tumahan ka na kaya", bungad ng roommate at teammate kong si Ate Pau Soriano habang minamassage ang likod ko after niyang isarado ang pinto.

"S-sana nga g-ganon kadali e-eh noh?", sagot ko sa kaniya habang nagpupunas ng mga luha gamit ang sarili kong kamay.

"Kung hindi ba naman kasi matigas ang ulo mo, sabi ko naman sayo konti na lang ang nagseseryoso sa long distance relationship eh. Hindi ka naman nakikinig", singit naman ni Ate Bang Pineda, our team captain

"Pagagalitan niyo na lang ba ako mga Ate? Alam ko naman eh. Alam kong hindi magtatagal ang ganitong kind ng relationship pero what can I do? I'm in love with the idea of being taken care of. I'm in love with the idea of being prioritize, kahit panandalian lang", malungkot kong sagot sa kanilang dalawa. Palibhasa tong si Captain may Ara Galang na kaya parang ang dali lang sa kaniyang sabihin ang kung anu-ano.

"Yan naman kasi ang mali sayo, naghahanap ka ng ibang tao para i-fill ang kulang. Why don't you try to love your self first? In that case, mas maaalagaan mo ang puso mo sa mga walang kwenta tao", matalinghagang sagot sa akin ni Captain matapos niyang umiling-iling.

"Nananakit ka na naman sa katotohanan hays I love you talaga. Minsan talaga may sense ka eh haha", pabiro kong wika at niyakap sila ni Ate Pau ng mahigpit.

The Notebook (UAAP SECRETS) Where stories live. Discover now