"Chloeeeee?--------"
"Ano nanaman ba'yon, Richard?" inis kong sinabi.
"May pinapabigay sayo si Irish. Ito oh---" sabay bigay sakin ng sulat, agad ko naman 'tong kinuha.
"Basahin mo daw yan." sabi niya bago pa umalis sa harap namin ni daniela."Ayieeeee, may pasulat si Irish ha! Basahin mo nga be"
"To my princess,
Hi Chloe, Sana malaman mo na hanggang ngayon gusto pa rin kita , kahit minsan maldita ka! Alam mo ba t'wing tinitignan kita, kinikilig ako. Para akong tanga, kase bigla nalang akong napapangiti. Ikaw kase ung dahilan non! Bat ba kase napakaganda mo? Kaya tuloy ang daming nagkakagusto sayo, pero sana sa huli ako pa rin ung piliin mo! Hayaan mo pag sinagot mo'ko araw araw kitang papasayahin, tapos kung anong gusto mong kainin, puntahan ibibigay ko sayo. Ganyan kita kamahal Chloe. At hinding Hindi kita susukuan. Pero alam ko namang may iba kang gusto e, ung mas pogi pa sakin? Si Alexis! Di'ba sakanya ka baliw na baliw? Hindi naman sa nagagalit ako Chloe pero kase kung sino pa ung taong nandiyan para mahalin ka ng sobra, un pa ung pinagtataboy mo! Samantalang si Alexis hindi ka niya magawang pansinin, Nakakainggit naman siya. Sana ganon din ako kapogi tulad niya para magustuhan mo lang ako. Hayys, tama nang drama 'to, hanggang dito nalang. Sana pansinin mo na'koNagmamahal,
Irish
--------"
"Hmmft. Nagseselos pala siya kay Alexis? HAHA" sabi ko sabay tingin kay daniela.
"Be kung ako sayo, pansinin mo na si Irish, nakakaawa naman kase. Tignan mo gagawin lahat para lang magpapansin sayo. Tapos ikaw, wala lang sayo. Mabait naman si Irish e, gwapo?" sabi niya na para bang nanghihinayang.
"E wala nga kong feelings para sakanya! Anong magagawa ko----"
"Bigyan mo siya ng chance magka-usap kayo!----"
"Tss. Okay sige!--"
"We? Talaga ba?----"
"Ou nga! Sige, tawagin mo siya-----"**********
"T-thank Y-you C-chloe kinausap mo rin ako sa wakas." sambit ni Irish ng may ngiti sa labi.
"Hmmft, Para sabihin ko lang sayo Irish ha? Hanggang kaibigan lang tayo! Hanggang dun lang yun. Baka kase umasa ka pa tapos masaktan pa kita----" sabi ko sakanya, dahilan ng pagpatak ng mga luha niya, Hinawakan ko ung kamay niya tsaka sinabing "Okay lang yan, kaibigan naman tayo e."
"Akala *sob* ko, bibigyan mo na'ko *sob* ng chance manligaw at mahalin *sob* ka!" umiiyak na sinabi niya.
"Wala na'kong magagawa Irish, kase wala naman akong nararamdaman para sayo. Si alexis lang ung gusto ko, wala ng iba------" wika ko naman bago siya tuluyang iwan habang naiyak.Chloe's POV:
Naaawa ako na ewan kay Irish. Parang ang sama-sama ko namang babae, iniwan ko siya dun habang naiyak? Hindi man lamang ako nakonsensya! Pero hindi e, si Alexis lang talaga ung gusto ko, siya lang ung nagpapasaya sakin. Kahit minsan Hindi niya ko magawang kausapin, siguro ganon din ung nararamdaman ni Irish ngayon? Hay nako, ang gulo ng buhay ko ngayon.Kinabukasan nakita namin ni daniela si Alexis, nakita niya rin kami kaya lumapit na siya. First time niya kong nilapitan ng kusa ha!? Ano kayang nakain netong lalaking 'to.
" Chloe may gusto akong sabihin sayo." kinabahan ako bigla sa sinabi niya sakin.
"A-ano yon-----?"
Pinaalis niya muna si daniela para makapag-usap kami ng masinsinan. Ano kayang sasabihin niya?
"Kase chloe araw araw kitang hinahanap e, ung para bang hindi ako sanay na hindi kita nakikita. Tapos namimiss ko ung pagtawag-tawag mo sakin ng "myluvs" tuwing dadaan kami ng mga tropa ko sa room niyo, Mahal na nga ata kita e! Kaya sana mahalin mo rin ako." hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya sakin, kaya natulala na lang ako sakanya.
"Chloeeeeeee--------?" malakas na sinabi niya habang kinakaway ung kamay niya sa mata ko.
"Totoo ba'to? B-baka nananaginip lang ako Alexis." sambit ko
"H'wag ka ngang baliw, hindi 'to panaginip. Totoo 'to!-----"
"Hindi kase ako makapaniwala e----"
"So ano? Tayo na ba Chloe?"
"Oo naman. Ang tagal kong hinintay 'to Alexis." mabilis kong sagot sakanya, sabay ang pag-yakap sakanya sa sobrang saya.Sabay na kami naglakad papunta sa skul. Hinatid niya na rin ako sa room ko. Pero agad din siyang umalis. Naging issue naman yon sa mga kaklase ko! Parang ambilis naman daw?
"Hala? Kayo na pala?"
"Ang bilis naman Chloe"
"Parang kahapon lang Hindi pa kayo ha?!"
"Sayang naman un Irish."
"Tang*na naman mga klasmeyt. Hindi naman kailangang patagalin ung panliligaw e, ang kailangan patagalin don ung relasyon." sigaw ko sakanila, maya-maya umagaw sakin ng pansin si Irish. Nagtataka rin ako sa sinabi ng isa kong kaklase na sayang naman daw.
"Irish? Ayos ka lang ba? Ba't ka umiiyak" tanong ko sakanya.
"E pano ba naman hindi sisimangot at iiyak yan si Irish? Kayo na ni Alexis, alam mo bang nag-effort siya para sayo, eto oh! *pinakita sakin ung bulaklak, mukhang mamahalin 'to. * matagal siyang nag-ipon para mabili lang 'tong letcheng bulaklak na'to at para maibigay lang sayo. Ito pa nga oh, nagsulat siya ng tula, pinagpuyatan niya 'to, tapos malalaman niya lang na kayo na ng Alexis na'yan. Alam mo sana ako nalang ung nililigawan ni Irish e, tutal gusto ko naman siya. Hindi ko pa siya papaasahin." galit na saad sakin ni millette, ung baliw na baliw kay Irish.
"Whooooaaaaaa!! Wala ka pala Chloe e-----" sigaw ng mga kaklase ko"S-sorry Irish! Hindi ko naman alam na may ibibigay ka sakin e------"
"Okay lang Chloe! Basta lagi lang akong nandito para sayo!" sambit ni Irish habang pinupunasan ung mga luha niya. "Eto oh, sana tanggapin mo pa rin 'tong mga pinaghirapan ko" sabi niya pa sabay abot sakin ng mga bulaklak, sulat, meron ding tsokolate na kasama.