Chapter2

6 0 0
                                    

"Thank you Irish, Iingatan ko'to promise-----!" sabi ko sabay yakap sakanya. At napangiti na lamang siya, Agad ko naman 'yon na itinago sa bag ko.

Maya-maya dumating na si Ma'am Arguelles. Napakasungit pa naman non, palibhasa matandang dalaga.
"Okay Class, meet your new classmate. Si Hailey Baltazar." napanganga lahat ng kaklase kong lalaki sa ganda ng ipinakilala samin ni ma'am arguelles.
"Uyyy ganda-------"
"Sakin nalang yan.-------"
"Nice! Ganda mo naman hailey-----" 
Sigaw ng mga kaklase kong lalaki.
"Hailey , maghanap ka na ng mauupuan mo! " sambit ni ma'am kay hailey.
"Dito hailey madami kang mauupuan. Mamili ka lang!" sigaw ni edward sakanya.
"Wag ka diyan, dito ka nalang mahangin pa" sigaw naman ni cedrick , nalilito na tuloy si hailey kung saan siya uupo.
"Ano ba'tong mga lalaking 'to! Porke maganda pag-aagawan niyo na. Dun ka nalang sa tabi ni Irish." sabi ni ma'am kay hailey sabay turo sa kina-uupuan ni Irish, pagkasabi ni ma'am kay hailey na dun nalang siya umupo, parang bigla akong nagselos.
"Okay na ba kayo ha, lalo na ung mga lalaki diyan?!" wika ni ma'am.
"Yes ma'am!!-----" sabay sabay na sigaw nila.
"Kung okay na, get one whole shit of paper, may preliminary kayo!" muling wika ni ma'am habang may hawak-hawak na test paper.
After a minute, habang nagsasagot ako napansin ko sa likod ko sila Irish at hailey na parang close na agad sila, parang ang bilis naman kase nagtatawanan sila! At eto nanaman ako, nakaramdam ng pageselos! 
"Bat ba nagseselos ako sakanila? e wala namang kami ha?! Tsaka hindi dapat ako magselos kase meron na'kong boyfriend. Si alexis!" sabi ko sa sarili ko, habang palihim na nakatingin sakanila.

"Chloe? sinong tinitignan mo diyan sa likod?" kinabahan ako bigla sa malakas na sigaw ni ma'am. 
" Aaaaaaa ma'am wala po! " sabi ko ng may kaba.
"Hmm. Umayos ka ha! Baka mamaya nagkokopyahan kayo dyan sa likod?"
"Laaa ma'am? Hindi po ah----"

----------
"CLASS DISMISS, Ung mga cleaners dyan ha! Subukan niyong tumakas, Mape-parent needed talaga kayo ng wala sa oras!" sigaw ni ma'am samin bago tuluyang lumabas ng room.

Habang ako hinihintay si Alexis na sunduin ako. Sabi ko kase sakanya na sunduin niya ko dito sa room, para may kasama ako pauwi.
"Myluv tara na!" nagulat ako bigla kay sakanya, bigla nalang kaseng sumulpot.

Habang naglalakad kami, bigla akong nagutom, sakto may nakita akong nagtitinda ng mga street food.
"Myluv, bili mo'ko ng tokneneng! Gutom na'ko e." sambit ko
"Amina ung pambili-------"
"Anubayan!! Ako nalang ba lagi ung manglilibre?" inis kong sinabi sakanya, kase  tuwing magkasama kaming dalawa tas gusto naming kumain ako nalang lagi ung gumagastos, ni isang beses hindi niya ko magawang gastusan.
"Sorry na myluvs, magkasalubong nanaman ung dalawa mong kilay e! Hayaan mo babawi ako. Loveyouu" pagmamakaawa niya sakin, ako naman 'tong si marupok. Konting lambing lang, wala na ung galit ko.
FAST FORWARD********
Naglalakad pa rin kami ngayon, malapit lang kase ung bahay ko pero si Alexis sasakay pa ng isang trycicle. So un na nga, naglalakad kami nang mapansin niya ung binigay sakin ni Irish na bulaklak na mamahalin.
"Oh kanino naman 'to galing? Sayo ba'to?" tanong niya sakin sabay kuha nito, at pinagmasdan.  "Oo sakin yan. Galing yan kay Irish."paliwanag ko sakanya. 
"HAHAHA! eto galing kay Irish? e ang mahal mahal nito e, 'di niya 'to kayang bilhin. Baka nga ninakaw niya lang 'to e!" nagta-tatawang usal niya sabay pinagpuputol-putol ung bulaklak saka tinapon. "Alexis ba't mo ginawa un? Iniingatan ko nga 'to e." galit kong sinabi sakanya sabay pulot sa bulaklak. 
"Wala namang kwenta yan e----"

"Pre para sabihin ko sayo, Hindi porket mamahalin na, hindi ko na kayang bilhin. Tsaka hindi ko yan ninakaw! Pinaghirapan ko yan. Pinag-ipunan ko talaga yan, ung mga binibigay na pera sakin Hindi ko yon ginagastos para lang mabili yang bulaklak at maibigay kay Chloe! Tas un lang pala ang gagawin mo! Sisirain mo lang pala! Wala rin napuntahan ung paghihirap ko."  nagulat ako sa pagsalita bigla ni Irish.
"Bakit pare? Totoo naman ha? hindi mo nga mabilhan ng ganito dati ung ex-girlfriend mong si Joana, kase sabi niya sakin wala ka daw pera! e mas lalo na ngayon, Ang sabihin mo na lang kase magnanakaw ka. Tanga tanga." usal pa ni Alexis.
"Wala ka ng pake don. Eh ikaw nga? simpleng bagay lang hindi kayang bigyan si Chloe. Tulad ng tokneneng? Street food?  Tapos kung ano ano ung pinagsasabi mo sakin."-Irish
"Ha? e pano mo nalaman yan?" nagtatakang tanong ni Alexis.
"Kasunod niyo lang ako maglakad kanina pa! Kaya narinig ko ung pinag-uusapan ninyo. Chloe pakisabi dyan sa boyfriend mo na Hindi ako magnanakaw! Tsaka pasabi na rin na may pinag-aralan ako" ani Irish sabay binilisan ang paglalakad.

"G*go pala 'to e. Ang tapang mong abnoy ka ha! H'wag kang magpapakita sakin ulit kundi basag yang mukha mo!" pahabol pa ni Alexis.

"Alexis tama na! Hindi ka na naawa sa tao! Pinaghirapan niya to pag-ipunan tapos sisirain mo lang. Nakakainis ka." nakasimangot kong sinabi.
"Sino ba talaga ung mahal mo Chloe? Ako 0 ung Abnoy na Irish na'yon? Kung ipagtanggol mo siya kala mo naman sobrang kinawawa ko ung taong un." galit niya namang sinabi sakin.
"Ewan ko sayo! Napakaseloso mo. Kalalaking tao seloso." usal ko.  "Aaaa seloso pala ha! Sige, bahala ka sa buhay mo. Maglakad ka ng mag-isa pauwi sa bahay ninyo. Bwiset" sabi niya sakin sabay abang ng trycicle para sumakay.
"Bahala ka rin." sigaw ko pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Still Love HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon