1√

5.4K 68 1
                                    

(4 Years ago)

Mula sa pagkakasubsob sa kama ay tumihaya si Marshmallow nang makaramdam ng tapik sa binti niya. Namumungay ang matang nagmulat siya ng mata. She blink twice and twitch her lips upon seeing him. Her heart started screaming his name and telling her to grab him and kiss him. But she stop herself and hide her inner feelings. Umasim ang mukha niya at itinulak ang mukha nitong malapit sa mukha niya na nakikipagtitigan sa kanya. Bumalikwas siya ng bangon at hinablot ang unan sabay hampas sa mukha nito. Hindi ito nakaiwas at umungol ito sabay agaw ng unan at ibinalik sa may ulunan niya.

Ngumisi pa ito sabay kurot sa pisngi niya. "Gising ka na ba?"

"Anong kailangan mo?" sa halip ay kumukolo ang dugong sikmat niya rito.

"Bumangon ka na riyan. Nakakahiya naman sa birthday celebrant at siya pa ang naghihintay sa'yo," sarkastikong pasubali nito at mahinang hinila ang buhok niya.

"Naman, Ash, mayang 9am pa ang punta natin sa resort!" lukot ang ilong na reklamo niya. "Tatlong oras lang naman ang biyahe natin papunta roon."

Pinaningkitan siya nito ng mata at hinila ang comforter sa katawan niya. "Nagbago ang schedule, maaga raw tayo pumunta roon sabi ni Mama. At'saka ayaw mo 'nun? Maglilibot muna tayo roon bago ang party," giit nito. Kahapon pa naunang pumunta roon ang magulang ni Ashton para maghanda sa birthday nito. Puwede naman silang sumabay sa kanila kahapon pero tumanggi agad ang binata na mabo-bore lang ito roon.

"Huwag mong idamay si Tita rito. Nakakairta ka talaga!" sita niya bago kinusot ang mata. "Kita mong ang ganda-ganda ng panaginip ko. Hahalikan na sana ako ni Park Hae Jin, eh. Mararanasan ko na sana ang mahalikan ng isang artista kahit sa panaginip ko lang pero panira ka talaga," dugtong pa niya.

Pinaikot nito ang mata at walang salitang binuhat siya at naglakad papunta sa banyo. Ni hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Seriously! Marshmallow, sigurado ka bang twenty-one ka na? Ang liit-liit mo, ang gaan-gaan mo pa na parang hindi ka kumakain," napapalatak na saad nito.

Friendship Series 3- Imprisoned By His Heart R-18 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon