Malalakas na katok ang gumising kay Ashton kaya pupungas-pungas na bumangon siya at iritadong pinagbuksan ang kung sino mang kumakatok. Sasakalin talaga niya kung sino ang nasa labas ng kuwarto niya. Pagbukas niya ay napaatras agad siya nang patalong sinugod siya ni Marshmallow. Dahil sa gulat ay napahiga siya sa lapag kasama ito.
Nasasaktan na umungol siya nang mauntog siya sa sahig. "Aray!!!"
Hinimas niya ang nasaktang ulo at sinamaan ng tingin si Marshmallow na nasa ibabaw niya at pilyang nakatingin sa mukha niya.
"Do you have to do that?" paangil na wika niya not minding their current position.
"I..." nanulas sa labi nito kaya nagsalubong ang kilay niya ng hindi man lang nito pinagpatuloy ang sasabihin. She lick her lips and give him a seductive look.
"What?" sabi niya at hinawakan ito sa baywang para alisin sa ibabaw niya. "And please, don't give me that creepy look," dugtong niya.
Hindi pa man niya nagagawang alisin si Marshmallow sa pagkakadagan sa kanya ay may biglang dumagan din dito. Nanlaki ang mata niya nang biglang bumaba ang mukha nito at naglapat ang labi nila. Ilang segundong hindi siya nakakilos gano'n din ito. Ang kaibahan lang ay hindi man lang ito nagulat sa nangyari.
Drat!!! Mabilis na naitulak niya ito kasama ang dumagan din dito.
"Ayie!!" Tudyo ng mga tinig.
Binalingan niya ang tatlong pinsan na nakasilip sa kanila. Nagtutulakan siguro sila kanina at si Beverly ang nasa unahan kaya ito ang natumba.
"Mga walanghiya kayo?" asar na angil niya sa mga pinsan bago nilingon si Marshmallow na nakahawak sa labi at matagumpay na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Friendship Series 3- Imprisoned By His Heart R-18 (Completed)
General FictionWarning:: not suitable for minors, contains explicit materials, vulgarity, sexual. A/N:: pasensiya po sa mga typhos at grammatical errors. At flaws ng story. I'm just an amateur and novice writer so please please don't put too much expectations beca...