Chapter 8

10 2 0
                                    

MIKA'S POV

Mag aalas nueve na at nandito na ako kila jane may usapan kasi kami na mag iisleep over ako dito pero hanggang ngayon wala parin sya

"Mika tumawag naba sayo si jane? Baka kung ano na nangyayari dun wag naman sana" tanong ni tita habang hawak hawak ang cellphone nya halatang di sya mapakali. Alam naman natin kung ano ang iniisip ng mga magulang pag wala pa tayo pag sapit ng gabi

"Ay tita wala pa nga po eh kanina kopa po tinatawagan" kaya umupo na ako sa couch at naghihintay na bumukas ang pinto

"Mika tulong Mika tulungan mo ako Mika!"

Nakatulog na pala ako sa inuupuan ko nagising nalang ako ng alas dose ng madaling araw ng may bangungot sa panaginip ako may isang babaeng humihingi ng tulong sakin madilim sa lugar nayon at tila yung mga boses nya nanginginig na sana wag naman mangyari ang nasa isip ko

Hanggang ngayon wala parin pala si jane at si tita nakatulog na habang nakapatong ang ulo nya sa lamesa dahil sa kakahintay. Hindi na ako mapakali kaylangan kona hanapin si jane may kutob kasi ako na may nangyaring masama sa kanya. Kaya tumayo na ako sa kina uupuan ko at kinuha ang jacket at sumbrelo at lumabas

"Knok, knok, knok" katok ko sa pintuan nila levin sana nalang may magbukas ng pinto kahit gabi na.

Buti nalang at may nag bukas pa
"Oh mika ano ginagawa mo dito gabi na ha"nagtatakang tanong nya sakin habang hawak hawak ang cp nya na naglalaro pa ng mobile legends. Hay nako ito talagang si levin puyaters mode pero infairnes sa kanya ang tangkad nya parin

"Si jane kasi wala pa sa bahay nila tatanong kolang kung nakita moba sya o kaya nadaan man lang"

"Huh?! si jane nawawala kaylan pa natawagan nyo na ba o kaya tinext man lang" grabe ha isa lang tanong ko pero wala man ako natanggap kahit ni isang sagot ang natanggap kopa mga tanong

Wait wait wait wala naman akong sinasabing nawawala si jane tinatanong kolsng kung nakita mo ba sya tska kanina pa namin sya tinetext at tinatawagan wala paring sumasagot

"Teka pengeng number nya i tatry ko kung sumagot sakin" kaya no choice nalang ako kaya binigay kona yung number ni jane sa kanya wish kolang sana may sumagot

"Ring ring ring" may halong kaba ang nararamdaman namin habang tinatawagan si jane

Loud speaker

"Hello po?" At may sumagot nadin lalaki sya pero ang lamya ng boses parang babae. siguro bakla

"Hello? sino toh asan ang may ari ng cellphone nato" natataranta na sigaw ni levin sa kausap nya teka nahahalata ko kay levin parang kanina pa sya concern kay mika dibale sino ba namang hindi mag aalala kung may nawalang importanteng tao sayo

"Teka teka lang po sir ang bilis nyo po mag salita eh. Nakita kolang po ito dito sa kalsada tapos nakita kopo may tumatawag na may name na "crush ko" kaya sinagot kopo ito"

patay! Bakit kasi "crush ko" yung nakalagay na name pwede namang levin. Dibale kilala ko naman yan si jane basta pagdating kay levin patay na patay sabi nga nila basta mahal mo handa ka magpakamatay para sa kanya

"Ah ganon ba sorry asan kaba ngayon para makuha konayang cellphone ni jane"

"Nasa labas ng abandunadong paaralan ako sa tapat ng field bilisan nyo nakakatakot dito ang dilim pa"

"Basta jan kalang papunta na kami jan"at binaba na ni levin ang cellphone

OTW na kami sa sinasabing lugar. Nakikita ko na ang building lumang luma na sya at dito daw madalas mag shooting ang mga palabas pag nakakatakot yung story nila

"Ayun may tao" sabi ko ng may nakatayo sa harap ng building, kumaway pa ito samin

Pagbaba naming dalawa agad kaming sinalubong ni kuya girl at ang pangalan nya pala ay celine pero ang totoo ay celino

"Hello po ako po pala si celine" kaway nya samin
"Weh maniwala" panunukso ko
"Asan yung cellphone"walang emosyong sabi ni levin
"Ayy nagmamadali si kuya"
"emergency kailangan kona kunin"sabay abot ng kanyang kamay
"Wait a minute kapeng mainit. Pagkatapos kong mag hintay ng 28 minutes dito ibibigay kona agad toh?" sabay taas sa hawak nya
"Oh bakit ano ba gusto mo?"
"Kish mo ko"
"Eh?"
"Bilis na kahit sa cheeks lang pls"
"Ulol mo ikiss mo" sabay talikod samin at pumunta na sa kotse
"Ano bayan ito na nga" biglang bato ng cellphone sa harap ko buti nalang nasalo ko agad. Tatalikod na sana ako ng may bigla syang sabihin

"Teh? Wala kabang naririnig?"kita sa mukha nya ang takot at kaba

"Huh? Ano yun? Uy ano ba wag kangang manangot! Hindi magandang biro"sigaw ko kasi natatakot ako sa sinasabi nya madilim pa naman dito at isang dilaw na ilaw lang ang nandito sa kinatatayuan namin sumabay pa yung malakas na hangin kaya saktong sakto na para matakot ka

"Doon oh may nagtatawanan"turo nya sa building
"Baka naman may nag sho shoting lang"
"Huh? sa pagkaka alam ko sarado na yan para sa mga palabas kasi may bumili na" at bigla nya akong iniwanan sa kinatatayuan ko at tumakbo ng mabilis.
Takte yang bakla nayan iniwan ako dito kaya tumakbo nadin ako sa direksyon ni levin

"Oh? Nakuha mona ba? Bakit biglang tumakbo yun?"
"May narinig daw kasi syang nagtatawanan dun" turo ko sa building
" kaso nga lang bawal daw dun mag shooting ngayon kasi may nakabili nadaw"

"Weh? Lika tingnan natin"
"Ikaw nalang, ayyy wait diba kanina may tumawag kay jane i call back mo kaya baka may sumagot"

"Sige" agad namang tinawagan ni levin ung unknown number

"RING RING"  teka parang may kakaiba

"ring ring" tila may tumutunog sa loob ng building

"Levin napapansin moba yung.."

"Huli ka" dikona natapos yung sinasabi ko nung bigla akong unahan ni levin

"Napansin mo nga"

"Doon"sabay turo sa building

"Halika na"diko na sinabi yung dahilan dahil alam kong alam nya na din ang naiiisip ko kaya dire diretsyo kaming tumakbo papasok dun at  wala nadin kaming pake kung may multo man dito kasi di naman ako naniniwala sa mga yun

"HOY KAYONG MGA ULOPONG, -WHO'S THE FREAKING GUY WHO KIDNAPPED JANE?!"Halos manggigil na ang boses ni levin sa kakasigaw

Nagulat nalang kami ng may papalapit na babae papunta samin maganda sya at sexy kaya di maiwasang mapatigil si levin

TSK TSK TSK mga lalaki talaga

FELL IN LOVE WITH MY CRUSHWhere stories live. Discover now