Beauty 2

0 0 0
                                    




Tatlong araw narin pala ang nakakaraan mula nung nagkasagutan kami ni dad and yeah Grounded ako for 1 month fvck!

At kahit si lola ay walang magawa tss.

School-Bahay iyon lamang ang takbo ng kagandahan ko sa tatlong araw na iyon

No phone,Car And parties that's bullshit!

Hindi rin naman ako maka akyat sa bakod para tumakas at mag party dahil sa mga buwisit na guards ni dad na nakapalibot sa bahay may driver akong nakaabang tuwing uuwi ako at hirap talaga akong makatakas

Wala ring magawa si raine dahil napagalitan sya ni dad sa mga pagpapalusot nya sa mga kalokohan ko

Naaawa na talaga ako sa kagandahan ko

"Lola naman e bakit hindi nyo kasi ako tulungan?look at me di kaba naaawa sa apo mong maganda?"pagmamakaawa ko kay lola pero natawa lang sya at hinawakan ang kamay ko

"Apo sa ngayon di muna kita matutulungan malalagot din kasi ako sa daddy mo kapag ginawa ko iyon"napasimangot nalang ako sa sagot ni lola kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi ko sya makumbinsing tulungan ako sa pagtakas

"Sa ngayon apo ko magtiis ka muna konting panahon lang naman ang isang buwan e"konting panahon?e sa tatlong araw pa ngalang e pakiramdam ko ay tatlong buwan na ito papaano pa kaya ang ISANG BUWAN?

Napapadyak nalang ako sa hangin dahil sa pagkabigo ng kagandahan ko

"Anak wag ka ng madismaya, hayaan mo at kukumbinsihin ko ang daddy mo na gawing isang linggo nalang ang parusa mo"hinawakan ni mommy ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa mesa dahilan para mawala ang dismayado kong reaksyon at mapalitan ng blankong ekspresyon

"Wag na!i dont need your help"tumayo naako saka isinukbit ang aking bag

"La i need to go"bineso ko si lola saka na tumalikod at iniwan silang dalawa ni mommy

"Charlie!"dinig ko pang tawag saakin ni lola para siguro sitahin ako sa ginawa kong pambabastos kay mommy

The hell i care!

--
Taas noo akong pumasok sa classroom kaya naman lahat ng mga panget kong kaklase ay napatingin saakin na manghang mangha nanaman sa kagandahan ko

"Oh dumating na pala ang reyna"sarkastikong wika ni Vian ang mukhang higad kong kaklase

"Yeah,nainip ata ang higad sa kakahintay sa kagandahan ng reyna nya"nginitian ko sya ng napakatamis saka ako nag flip hair at umupo

Napairap nalang ang higad saka bumalik sa kumpulan nila ng mga kapwa higad nya

Habang naghihintay sa pagdating ng kaisa isa kong kaibigang tarsier narinig ko ang boses ng higad na si vian

"Ano?so pupunta ba kayo sa Party ko?Masaya don!"so may party palang gaganapin?at di man lang niya inimbitahan ang Dyosang tulad ko?

Hindi ata pupwede iyon!lumapit ako sa kumpulan nila at nakita kong nagbibida bidahan ang higad sa pagkuwento kung anong mga ganap sa Party nya

"So...kelan ang party?"umupo ako sa arm chair na inuupua ng isa sa mga alipores nyang higad saka nag de kwatro

Natahimik silang lahat habang si Vian naman ay tinaasan ako ng kilay "I heard grounded ka? So paano ka makaka attend sa party ko?.…. queen charlie?"saka sya tumawa ng may pang iinsulto

Beauty And The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon