Beauty 4

2 0 0
                                    


Nakahiga ako sa kama ko at iniisip ang nangyari sa buong araw ko

Tss.hindi na nga ako grounded pero nagkaroon naman ako ng Palakang Body guard tss.




Tinignan ko ang orasan sa tabi ko 11:00 na ng gabi nakaramdam ako ng uhaw kaya naman dali dali akong lumabas para maka kuha ng maiinom


Napansin kong medyo naka bukas ang  pintuan katapat ng kwarto ko, So may gumagamit na pala nito?matagal tagal narin kasi mula nung may gumamit sa kwartong iyan


Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na sa kusina para maka inom pero hindi pa man ako nakakapasok ng tuluyan ay napatigil ako dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ng ref naghahanap sya ng makakain

Sinuri ko ito kung si dad ba o si manong driver pero hindi ito si dad dahil mas payat ito ng konti habang si dad naman ay matcho
Mas lalong hindi ito si manong driver dahil bukod sa maliit at payat si manong driver e nasa likod ng mansyon ang pinagtutulugan nila masyado naman atang malayo ang kusina nya diba?e may kusina naman sila sa tinitirhan nila sa likod



Kinuha ko ang walis tambo na malapit saakin saka dahan dahang lumapit sa lapastangang magnanakaw na to

Malakas ko itong hinampas sa likod dahilan para mapasigaw sya "a-arayy"patuloy ko parin itong pinag hahampas at patuloy lang din sya sa pag anil

Tumatakbo ka pang magnanakaw ka ha?hinabol ko sya ng walis habang sya naman ay pumunta patungo sa lutuan

Mukhang may balak syang ihampas saakin ang gas stove kaya hindi ko hahayaan na masira nya ang mala dyosa kong kagandahan

Dahil sa kadiliman ay wala ako gaano makita kaya kumakapa kapa ako sa dilim at ng makahawak ako ng matulis at mahabang bagay na kung di ako nagkakamali ay isang kitchen knife

napangiti nalang ako sa dilim lagot kang lapastangan ka!

"Magnanakaw ka!"akma ko ng sasaksakin ang magnanakaw na ito ng bumukas ang ilaw

"Ma'am Rose?"gulat na tanong ng palakang ito habang hawak hawak ang switch ng ilaw

Maging ako ay nagulat rin ng malamang sya ang muntik ko ng masaksak

"Bakit ka nandito?"tanong ko

"P-pwede bang ibaba mo muna yang hawak mo?"naka harang ang mga braso nya sa mukha nya na animoy takot masira tss. E sirang sira na nga ang mukha nya e

"Dito na po ako titira mula ngayon para mas mabantayan po kita iyon po ang bilin ng daddy mo"sagot nya kaya naman ibinaba ko na ang kutsilyong hawak ko kaya napahinga sya ng maluwag

"Gabing gabi na ma'am ah bat gising kapa?may balak ka nanaman bang tumakas?" Tanong nya habang nasa gilid parin at parang natatakot pa

"Ikaw bat ka nandito?naghahanap ka ba ng mananakaw mo?" hindi ko pinansin ang tanong nya

"Naku ma'am hindi ano!mayroon akong prinsipyo hindi ako pinalaking magnanakaw ni nanang at tatang"depensa nya lumapit narin sa mesa at kumuha ng prutas

Patay gutom

"Hindi po kasi ako makatulog at namamahay ako,hindi kasi ako sanay na matulog sa malambot na kama"malamang dukha ka e

"Kaya naisipan kong bumaba at manguha ng makakain nagutom rin kasi ako bigla e"pagpapatuloy pa nya sa sinasabi nya

Ng matapos akong uminom ay tumalikod naako saka nagmartsa paapalis

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beauty And The Frog PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon