Chapter 1
MONDAY
“noong una ko siyang nakita, oo, natulala ako sa kanya. Hindi ko napigilan yung sarili ko. Marahil maraming beses nang nangyari ang ganto, pero, iba to eh. Para bang love at first sight. Oo, LOVE at first nga siguro. Pero, mali ‘to eh, maling-mali”
Isang taon nang nakakalipas pero malinaw pa rin sa alaala ko ang araw na yun. Sa ilalim ng tirik na araw, sa loob ng gym kasama ang mga kapwa ko estudyante na halata sa mga mukha na nanduon lang para sa unong grade sa PE- pareho sa kasabihang sunog kilay pero ito sunog buong katawan dahil sa init. Busy kasi kaming mga first year student para sa inter-school competition para sa sabayang pagsayaw na kung saan kailangan ng skul ko ng 500 mag-aaral para maging representative nito sa nasabing kategorya, Masuwerte, dahil isa ang section namin sa napili para dito. Sa una, ayaw ko dahil ayoko sa lahat yung napapagod dahil sa sayaw- ayoko kasing sumayaw, ang gusto ko sports katulad ng badminton, arnis, basketball at kahit ano , huwag lang sayaw. Pero, wala parin akong nagawa, hindi lang dahil rhythmic dance ang PE ko at kailangan kong tapusin to, e dahil binantaan ako ng prof ko na ibabagsak sa PE kapag hindi ako sumali. Ending isa ako sa kasali.
“o, sige class, aasahan ko ang inyong kooperasyon dito. Hindi lang naman para sa inyo ito. Pero par sa buong school, ok? Kaya kung matalo-manalo, uno pa rin kayo sa akin” sigaw ng prof sabay tingin sa akin.
“Andrew, nagkakaintindihan ba tayo?”
Tango lang ang naging sagot ko kay ma’am
“Okay, class, reminders sa Monday na yung start ng practice, since Monday din ang klase niyo sa aken instead na pumunta kayo dito sa gym e pumunta na kayo sa open field. Sasabihan ko nalang si Ma’am Sandoval tungkol sa attendance nio , 8 am dapat nandun na kayo, bawal ma late ok?”
Sabay titig muli ni ma’am Sandoval sa akin
“nagkakaintindihan ba tayo, Andrew?’”
“yes, ma’am”
Muling inalis ni ma’am ang direksiyon ng kaniyang mga mata sa akin papunta sa mga mata ng isa kong classmate.
“Lina, ikaw ang class president diba?”
“yes, ma’am”
“okay, ikaw na bahala sa mga classmate mo ah”
“ yes, ma’am”
Dumating ang araw ng Lunes, PE day, alas otso pa lang nasa open field na ako ng school, wala pa yung mga classmates ko, napupuno na yung open field ng mga estudyante, biglang nag text sa akin si Jen- si Jen yung high school friend ko, since first year. Naging kami, seryoso siya sa akin pero ako hindi seryoso sa kanya, ewan ko kung bakit, lagi ko siyang kasama, pero buti na lang ngayong college eh nagkahiwalay kami. Kahit papaano may space.
Mahal mo pa ba ako? Kung oo, mag reply ka namam sa mga texts ko
Mas pinili kong huwag mag reply, dahil sa totoo lang sawang-sawa na ako sa kadramahan niya. Gusto ko na siyang hiwalayan pero hindi ko kaya kasi alam ko masasaktan siya. Babae pa rin siya, lalaki pa rin ako. Dapat magpakita ako sa kaniya ng pagiging isang gentleman.
Dati si Jen halos minu-minuto akong tinitext. Text niya na nga laman ng inbox ko eh. Halos sumabog na phone ko.
Good morning babe, kumain ka na? anong breakfast mo?
After 5 minutes
Papasok na ako, babe. Ingat ka ah
After 5 minutes