Sparks Fly
“Meet me in the pouring rain, kiss me on the sidewalk, take away the pain. Coz I see sparks fly whenever you smile” – Taylor Swift
Pagkalingon ko nakita ko siya. Ang kaniyang mukha. Parang anghel. Nahinto ako sa tabi niya, o sa harap niya-hindi ko alam kung anong nangyari. Napatingin siya sa akin. Nakatingin parin ako sa kaniya. Ngumiti siya. Oo, ngumiti siya. Hindi ko alam, kung anong dapat kong maramdaman, at maging reaksyon sa mga ngting iyon. May nararamdaman akong kumukuryente sa loob ko. Pero mali, hindi ko dapat maramdaman ang mga bagay na iyon pero hindi ko mapigilan.
“ah kuya, hindi ka diyan. duon ka kasama ng mga classmate mo na”
Hindi ko pinansin yung nagsalita. Para bang na stuck yung mga mata ko sa kaniya. At hindi lang yun, kinausap niya ako.
“ah, excuse me po. Hindi ka daw po diyan” sabay bigay ng mga ngiting na kahit sinumang ngitian ay bubuo na ang araw.
“a-ay. So-sorry. Sa-saan ba a-ako”
I had to admit hindi ko alam yung gagawin ko.
“ah, bro duon ka yata” nakaturo sa mga classmates ko. Sabay ngiti
“ay, o-oo nga-a”
Ano ba tong nararamdaman ko. Mali kasi to eh. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilan. Sa mga ngiting yun, bumabaluktot ako. Nawawala ako sa pagkalalake ko. Ayokong isipin at I konsidera na love at first sight ang mga kaganapan, mali. May girlfriend ako. Lalaki ako, lalake siya. Naguguluhan lang ako. Nagulat siguro ako.
Nang makarating na ako sa puwesto ko, naririnig ko na pinag-uusapan din siya ng mga classmates ko. Hindi lang pala ako ang nakapansin. Hindi lang pala ako ang nakapansin ng mga ngiting iyon.
Ui, friend ang cute nun o
Nasaan?
Ayun
Nasaan, hindi ko Makita
Alam mo kung ahas lang yan, tinuklaw ka na
Ay, oo nakikita ko na siya. Ang cute ng smile niya. Ang gwapo niya.
Halos lahat ng girls. Iisa yung sinasabi tungkol sa kaniya. Ako? May sinasabi yung puso ko na ako na ito lang ang nakakaalam.
Nang matapos ituro sa amin yung ilang bahagi ng sayaw. Nagusap-usap muna yung mga nagtuturo na tila ba duon pa lang nag didiskusyon sa kung anumang gagawin. At habang busy sila. Muli akong tumingin sa kaniya. Nakangiti pa rin siya. Mukhang masaya siya kasama yung mga kaibigan niya. Nakita ko rin na naka-akbay siya sa isang babae. Girlfriend niya ata. Mukhang sweet sila sa isa’t-isa. Mukhang taken na siya, so? Ano naman? Ano naman kung may girlfriend na siya. May girlfriend na rin naman ako.
Habang nakatitig ako sa kaniya, tinitignan ng mga ngiting yun na nagpawala sa init ng tirik na araw. Ay bigla siyang napatingin siya sa akin. Ngumit siya. Umiwas ako ng titig. Nakakahiya. Ayokong isipin niya kung anuman. Nararamdaman ko nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ba siya naiinis na may isang lalaking tumititig sa kaniya. Tumitig akong muli sa kaniya. Wala na hindi na siya nakatingin.
Ano kayang pangalan niya. Girlfriend niya kaya yung kasama niya. Ano kayang course niya. Ito yung mga tanong na nabuo sa utak ko habang kumakain ako kasama ng mga classmates ko. Curious lang siguro ako. Oo, tama. Curious lang ako. Maya-maya, tumunog yung cellphone ko. Ayoko sanang pansinin pero alam ko si Jen lang yun.
“dude, tumutunog yung cellphone mo ata. Bakit ayaw mong sagutin”
Tumango lang ako ng hindi.
“dude, may pinagdadaanan ka ba? Kung meron, tawagin mo lang ako. i- DOTA na lang natin yan”
“wala dude. Bukas dota tayo after ng activity na to”
“huh? ngayon na.”
“huwag muna”
“ah okay”
Habang kumakain ako. Naririnig ko yung mga classmate ko na muling pinag-uusapan yung lalaking may ngiti kanina. Pareho parin yung mga salitang binibitawan nila. Hindi ko maiwasang making. Para tuloy ako nagiging interasado. Maya-maya
“Dina, ayan siya. Paparating”
“ay—saan?”
Napalingon ako sa likod, papasok siya sa loob ng canteen kasama ng mga kaibigan niya pati yung girlfriend niya. Nakangitin pa rin siya. Lumingon ako muli pablik sa kinakain ko. Tumunog ulit yung cellphone ko. Imbis na muli siyang tignan, I checked my phone rather, hindi ko sinagot. When I checked it. 50 missed calls, 30 txt messages puro kay Jen. pasasabugin niya yata yung phone ko sa mga walang kwentang bagay. Habang yung mga classmates kong girls, siya pa rin yung topic. Habang ako. Siya pa rin yung iniisip.
Hindi ko alam kung bakit hindi siya nawawala sa isip ko, at nakikiayon pa duon yung mga mata ko. Tingin ko sa mga ngiti niya, para bang may napapangiti na rin ako. Ayokong ipahalata kahit kanino. Ayokong sabihin. Lumingon akong muli sa kinaroroonan niya. Bumibili sila. Nakita ko yung side-view look ng mukha niya. Ngayon ko lang napansin. Ang almost perfect niyang mukha, yung matangos niyang ilong na para bang perfect yung pagkatangos, ang mga manipis niyang labi na mas lalo pang nagpapatingkad ng kaniyang mga ngiti. Medyo payat, matangkad na nasa hula ko mga 5’9 in height.
“ui, Andrew. Sino ba tinitignan mo diyan?” sabay lingon niya sa lalaking yun
“hala, Andrew. Bakit ka nakatingin sa kaniya. What is the meaning of this?”
Patay. Lumihis akong muli ng tingin. Tumingin ako sa classmate ko. Anong isasagot ko sa tanong niya.