💎𝙿𝚛𝚘𝚕𝚘𝚐𝚞𝚎💎

1.5K 72 6
                                    

Athena's POV

Just a peaceful morning...

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!" bigla akong napalingon sa pinto at tumayo saka tumakbo papuntang Living room area kung saan nakahiga yung dalawa at nag aagawan ng remote..

"Akin na Hoshi!"

"Ako ang nauna dito sa TV" sabi ni Seungkwan na pilit pa ding nilalayo kay Hoshi yung remote

"Ako kaya ang nauna.. Athena si Seungkwan oh" napailing naman ako..

"Umagang umaga" napailing naman ako saka pumunta sa loob ng banyo.. Di na rin naman ako makakabalik sa tulog.. Kinuha ko yung Toothbrush ko sa loob ng cabinet.. Napakunot ang noo ko dahil walang toothpaste sa loob ng cabinet

"Seungcheol nasan na naman yung toothpaste dito!!!"

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya agad kong binuksan.. Nakita ko naman na nakatayo si Seungcheol habang hawak ang limang sachet ng toothpaste

"Hehe sorry naubos ko yung stock" kinuha ko naman sa kamay nya ang toothpaste at pinaningkitan sya ng mata

"Umamin ka nga.. Ginagamit mo ba pang toothbrush yung toothpaste o pinapapak mo?" bigla naman syang nag peace sign saka naglakad palayo..

Matapos kong mag tooth brush at lumabas ng banyo ay nag lakad na ako pabalik sa kwarto ng masanggi ko ang paa ni Jeonghan na nakahiga sa Sofa..

"Jeonghan anong oras na tulog ka pa din!?" bigla naman nyang tinanggal ang braso nya na nakatakip sa mata nya at ngumiti sakin

"Dahil masarap matulog" napailing naman ako sa sinabi nya

"Jeonghan sa mga oras na to dapat gising na ang matitinong tao"

"Well I guess hindi ako matino?" tinakpan nya ulit ang mata nya gamit braso.. Kahit kailan napaka tamad

Papasok na sana ako sa kwarto ng makaramdam ako ng gutom kaya naman naglakad ako papuntang kusina nandun naman si Jun sa dining area habang tutok na tutok sa phone nya..

"Hoy Jun ang aga aga nagce cellphone ka na naman" tumingin sya sakin saglit

"Don't worry kagabi ko pa toh pinapanood" napakunot ako ng noo sa sinabi nya

"What do you mean?"

"Hmmm.. Kagabi ko pa toh pinapanood"

"Natulog ka naman siguro no?" bigla naman nyang pinause yung pinapanood nya at tumingin sakin

"Tulog?"

"Hindi ka na naman natulog?" Aba tinawanan lang ako tapos binalik ang atensyon sa panonood.. "Grabe na phone addiction mo" umiling naman ako at kinuha na lang sa cabinet yung cereal at gatas sa ref saka nagsalok sa bowl..

"Joshua!!!" napasilip naman ako kung nasaan nanggaling yung sigaw

"Ano meron?" bulong ko sa sarili ko saka naglakad papuntang banyo..

"Joshua ano ba!" pwersahan namang kinatok ni Seungcheol ang pinto

"I'm not done yet" napailing naman ako ng ulo.. He's doing his daily ritual every morning.. I knock on the door and sigh..

"Joshua pakiusap naman lumabas ka na sa cr... Sa kwarto mo na tapusin yang Angelus" Di naman kami nakarinig ng ingay at bigla na lang bumukas ang pinto..

"I'm done na.." tinulak naman sya ni Seungcheol saka sya pumasok sa loob..

Bumalik na lang ako sa kusina at tinuloy ang pagkain ko ng cereal...

"KWON HOSHI IBALIK MO MANOK KO" bigla ko namang nabuga ang kinakain kong cereal ng marinig ang sigaw ng isang matandang lalaki mula sa labas

"Hoy Hoshi yung Manok ni Mang Esteban kinuha mo?"

Living with 13 Weird Jerks (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon