💎𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟸: 𝙸𝚗𝚝𝚛𝚘𝚍𝚞𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 (𝟸)💎

616 60 13
                                    

Athena's POV

"Ahhh~ Sa wakas tapos na ang shift ko makakauwi na rin ako.." sabi ko habang nagi stretch.. Dumaan naman sa likuran ko si Hans at ngumiti

"Excited yan umuwi?" mahina naman syang tumawa habang inaayos ang apron nya.. Sya kasi ang kapalitan ko

"Medyo.. Pagod eh grabe ba naman kasi yung rush ng tao kapag hapon hanggang gabi"

"Well... Lucky for me.. Hindi gaano matao sa oras ng shift ko" napailing lang naman ako

"Edi Congrats.. Sige na mag ayos ka na.. Ako naman mag aayos na rin para makaalis na"

"Aye Aye!" ngumiti naman sya saka pumunta na sa register area..

Nakakapagod din maging barista at cashier pero mas nakakapagod kapag may nakaaway kang customer hirap makipag deal. May mga tao kasing feeling entitled akala mo naman kayang bilhin yung buong cafe shop..

"Bye Hans!" paalam ko kay HAns bago tuluyang lumabas ng cafe.. NAng makalabas ako sa Cafe na pinagta trabahuan ko ay nagtaka naman ako dahil ang daming babaeng nasa labas na parang nagkakagulo.. Ang weird sino kaya yung pinagkakaguluhan nila? Sikat ba?

"Oh my god papalapit sila dito"

"Ang gwapo nila"

"Sino kaya sila Idols ba sila?"

"May gf na kaya sila?"

Napakunot ang noo ko sa hiyawan mostly galing sa mga kababaihan.. Hindi ako nakatiis at napatingin sa direksyon na tinitignan nila... Ilang beses pa akong napakurap kung sino ang mga lalaking papalapit sa direksyon ko..

"Athena!" sabay sabay nilang tawag..

"Fuck anong ginagawa nila dito? At lahat pa sila nandito ah" bulong ko sa sarili ko.. Ramdam ko ang mga taong nakatingin sa aknila kanina na nakatingin sa direksyon ko ngayon.. "Pakshit naman oh.." muli kong bulong.. Tumingin ako sa kanila kasa ng pagkunot ng noo ko

*Anong ginagawa nyo dito?* I mouthed to them... But instead of answering me they just stop in front of me and smile widely.. Oo lahat sila ngumiti ng malawak na parang normal lang ang lahat.. Which is para sakin ay hindi normal.. Ramdam ko ang mainit na titig ng mga tao especially ng mga babae sakin..

"Nandito kami dahil malamang susunduin ka" napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya

"At kailan nyo pa naisipang sunduin ako sa trabaho?" tanong ko.. Mahina namang tumawa si Jeonghan

"Ngayon lang.. Ngayon lang nga ako sinipag bumangon eh"

"Tsaka kasi Athena tinatamad akong magluto kaya sa labas na lang tayo kumain.. Please~"

"Umay na sa luto ni Mingyu din" sabi naman ni Jihoon

"Wow nag iinarte pa kayo.. Kayo na nga itong pinagluluto"

"Hayaan mo na Athena ganyan talaga sila.. Demanding.. Di naman marunong maglinis ng bahay"

"Daming satsat tara na kain na tayo"

"Hep Hep.. Aba hindi pa ako sume sweldo ah.. Wala akong pang gastos.."

"May sinabi ba kaming ikaw gagastos?" they said in chorus.. Wow praktisado yan?

"Wow sabay sabay ah... Buo na kayo ng choir pwede na.." nag thumbs up pa ako..

"So ano tara na? Nagugutom na ako" sabi ni Seungkwan

"Wala namang bago Seungkwan.. Lagi ka naman kasing gutom.."

"Tara na nagugutom na dinako gusto kong kumain ng chicken" sabi ni Soonyoung habang sumasayaw sayaw pa..

"Hay.. Sige na sige na magsitigil na baka umiyak pa tong singkit na toh maging kasalanan ko pa" tapos umiling na lang ako. Isa pang dahilan ay nakaka caught na ako ng attention sa paligid.. Well ano bang magagawa ko eh gwapo naman talaga tong mga to.. Well nakaka turn off nga lang kasama kaya never ako nagkagusto ni isa sa kanila eh

"Swerte ni Girl"

"Ang gwapo ng mga kasama nya"

"Sana ako na lang si Ateng Girl"

"Tsk di naman maganda"

Yan ang ilan sa mga naririnig ko habang papalayo kami sa cafe.. Akala mo naman mga magaganda din mga mukha din namang paa..

"Bakit kasi sinundo nyo pa ako pwede namang itext nyo na lang ako para pumunta na lang ako di ba?"

"Wag ka na mag reklamo buti nga sinundo ka pa eh mag thank you ka na lang" sabi ni wonwoo habang tinutusok ang tagiliran ko..


Hindi na naman bago sakin na kumain kami magkakasama kahit sa labas pero eto lang talaga ang unang beses na sinundo pa nila ako.. Ayoko lang talaga kasing umaagaw ng atensyon sa paligid... Huminga ako ng malalim at huminto dahilan para huminto din sila at tumingin sakin..

"Okay thank sa effort nyong magsundo kahit hindi ko naman sinasabing sunduin nyo ko" tapos yumuko ako bigla naman silang nagtawanan dahil sa sinabi ko

"Ang daldal pa nitong si Athena.." sabi ni Seungkwan

"Wow coming from you na mas maingay sakin"

"Alam nyo tara na kasi nagugutom na din ako" sabi ni Woozi at nauna ng naglakad sa amin..

Nang makarating kami ng fastfood chain ay agad kaming pumasok dala na din siguro ng gutom ay nag uunahan pa kami sa pag upo.. Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa loob dahil sakin? Syempre hindi dahil sa mga kasama ko yun malamang.. Masyado ata silang favorite ni Lord kaya nung nagpaulan ng kagwapuhan sabay sabay nilang sinalo

"Anong gusto mong kainin Athena?" tanong ni Seungkwan.. Tumingin ako sa Menu.. Well hindi naman ako mapiling tao

"Kahit ano basta hindi lason" I blurted out that made Seungkwan frowned..

"Ako na lang kainin mo" I look at Jun and suddenly frowned.. Well mabait naman si Jun pero may pagka weirdo lang talaga minsan.. Siguro kaka cellphone nya yan..

"Ipakain kaya kita sa buwaya para masaya" then I just rolled my eyes..

"Chicken sakin!! Madaming fried na KOOKOOYA" sabi ni Soonyoung habang excited sa inuupuan nya

"Sus parang di pa kami nasanay sa gusto mo.. KAhit naman di ka na namin tanungin alam na namin kung anong oorderin mo" sabi ni Seokmin..

"Hmm.. Pizza sakin then water lang cause I believe that we need to drink water not alcohol" sabi ni Joshua

"Wala namang ino offer na alak dito Josh.. Okay ka lang?" mahina lang syang tumawa sa sinabi ko at nag peace sign..

"Kahit na ano na lang din sakin" sabi ni Dino

"Okay sige ako na oorder" tumayo naman si Minghao at pumunta na sa pila..

Habang nag iintay ng order ay nagke kwentuhan lang kami tinanong lang nila ako kung anong nangyari sa buong araw ko. So syempre sinabi ko mga ganap sa buhay ko today.. Well always naman silang ganto para ko na din silang mga kapatid.. Caring sila at feel ko din na ganun din ang tingin nila sa akin.. Parang younger sister nila...

But I didn't expect that everything will change... What if hindi pala younger sister ang tingin nila sakin?

---------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE A COMMENT 📜 😘









Living with 13 Weird Jerks (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon