💎𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟹: 𝙲𝚘𝚗𝚌𝚎𝚛𝚗𝚎𝚍?????? (𝟷)💎

558 59 0
                                    

Athena's POV

Well still Normal naman ang lahat bukod sa may sakit ako ngayon kaya no choice ako kung hindi mag absent sa trabaho. Ka badtrip naman paano ako makakaipon nito. Kinuha ko na lang ang phone ko sa gilid at nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag tingin tingin online.

"Konting tiis na lang naman Athena.." Bulong ko sa sarili ko..

Nagulat na lang ako ng may biglang kumalabog galing sa pinto.. Maya maya bigla na lang bumukas yung pinto at iniluwa si Vernon na mukhang natataranta..

"Totoo ba na may sakit ka Athena" bigla syang tumakbo palapit sakin at hinipo ang noo ko.. Tumingin naman ako ng may pagtataka sa kanya kasi sa totoo lang ang weird ng kinikilos nya..

"Hindi wala akong sakit" sarkastiko kong sagot sa kanya... Matagal nya akong tinitigan ng puno ng pagtataka.. Sa totoo lang gwapo naman tong si Vernon pero ang slow talaga nya maka pick up ng mga bagay bagay..

"Eh bakit di ka pumasok?" huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya saka pilit na ngumiti..

"Tinatamad kasi ako" sagot ko.. Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ko..

"Pero never ka pang umabsent di ba?" huminga ako ng malalim at napailing.. Paano ba ako mage explain sa isang to?

"Hoy Vernon umalis ka nga dyan may sakit si Athena di ba obvious sayo" napatingin naman ako sa pinto at nakita si Mingyu na palapit habang may hawak na tray

"Pero ang sabi nya wala syang sakit" napahinga na lang ako ng malalim.. Minsan gusto ko na lang maiyak dahil sa sobrang pagiging slow nitong si Vernon.. Sayang itsura eh di match sa pagiging slow nya..

"Kung ibuhos ko kaya itong soup na toh sayo" di ko mapigilan matawa.. Ayan nag sisimula na silang magbardagulan ulit.. Well normal thing na sa kanila trese yan

"Yah kayong dalawa gusto ko ng magpahinga pwede ba lumabas muna kayo at ng makapagpahinga na ako" nagkatinginan naman sila

"Labas na daw Vernon"

"Sabi nya dalawa it means ikaw at ako yung tinutukoy nya" sabay irap ni Vernon kay Mingyu.. Napakunot naman ng noo si Mingyu dahil sa sagot ni Vernon.. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.. Ang weird lang o baka naga assume lang ako

"Labas na kasi ano.. Uhmm... Aayusin ko pa kasi tong kwarto nya" ilang segundo silang nag titigan bago umirap si Vernon sa kanya

"Ok bahala ka... Ayaw ko naman mag linis" tumalikod naman sya at naglakad na palabas ng kwarto.. Ang weird kasi parang irita ang itsura nya..

"sdfghjkl" Bulong ni Mingyu na hindi ko naman naintindihan..

"Anong sabi mo?" tanong ko.. Tumingin naman sya sakin at ngumiti..

"Wala akong sinasabi"

"Sus nakita ko bumubulong bulong ka.. Ano nga yun"

"Wala nga.. Kamusta na pala pakiramdam mo?" huminga ako ng malalim..

"Eto buhay pa din joke.. Okay naman.. Kaya ko ngang pumasok eh kaso bawal naman kaming humarap sa customer na may sakit kami kasi syempre food ang sineserve namin" dahan dahan naman syang tumango

"Nagluto ako nitong soup kain ka na para makainom ka na ng gamot" Nag scoop naman sya nung soup at handa na nyang isubo sakin kaya naman napakunot ako ng noo...

"Hindi na ako bata para subuan Mingyu" akma kong kukunin yung kutsara mula sa kamay nya pero mabilis nyang nailayo yung kutsara sakin

"Ako na nga. Ngumanga ka na lang" Napairap na lang ako at sumunod na lang sa sinabi nya..

"Woah... Sarap ah!" di ko talaga mapigilang mamangha kapag natitikman yung luto nya..

"Syempre ako pa" he smirk.. Ang hangin mabuti na lang totoo...



Mingyu's POV

"Sa wakas Umalis na din" bulong ko ng makaalis na si Vernon sa kwarto ni Athena.. This is the perfect time para mapa impress ko si Athena.. I need to give my best shot dahil sa mga Drama iba ang impact para sa babae ang inaalagaan sila..

"Anong sabi mo?" tanong ni Athena.. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti..

"Wala akong sinasabi"

"Sus nakita ko bumubulong bulong ka nga.. Ano nga yun" pangungulit nya

"Wala nga.. Kamusta na pala pakiramdam mo?" ngumuso naman sya bago ako sagutin

"Eto buhay pa din joke.. Okay naman.. Kaya ko ngang pumasok eh kaso bawal naman kaming humarap sa customer na may sakit kami kasi syempre food ang sineserve namin" dahan dahan namanakong tumango sa sinabi nya.. Kinuha ko na ang bowl ng soup.. Kalma Mingyu you need to make her impress

"Nagluto ako nitong soup kain ka na para makainom ka na ng gamot" Nag scoop ako ng soup at handa ng isubo sa kanya ng bigla nyang pigilan ang kamay ko..

"Hindi na ako bata para subuan Mingyu" akma nyang kukunin ang kutsara sa kamay ko kaya naman mabilis ko itong inilayo at ngumiti sa kanya

"Ako na nga. Ngumanga ka na lang" inirapan naman nya ako saka sya ngumanga.. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na to para bang sasabog.. Isipin mo dalawa lang kami ni Athena sa loob ng kwarto..

"Woah... Sarap ah!" well that's my specialty

"Syempre ako pa" mayabang kong sagot sa kanya.. Ngumiti ako ng malawak at pinagpatuloy na lang ang pagsubo ng pagkain sa kanya..

I will make sure to win her heart...



Vernon's POV

I am pissed... I know all this time that he likes Athena and so am I... Nakakairita silang magkitang dalawa..

"Tao po! Baka may tao dyan sa loob pakibuksan ng pinto!!" huminga ako ng malalim at naglakad papuntang pinto.. Pagbukas ko ay nakita ko si Chan na may hawak na box ng donuts

"Hmm.. Ang dami mo atang biniling donuts.."

"Nagkasakit si Athena di ba? Kaya eto bumili ako sweets tsaka favorite nya to"

"Ahhh"

"Gusto mo? May nabawasan na kasi ako dito"

"Wala akong gana pero thanks sa offer"

"May problema ba? Bakit mukhang di ka okay.."

"Nothing.. Punta na ako sa kwarto" nilagpasan ko na sya at dumiretso sa loob ng kwarto..

Well he like to win this way? Then let's start the game...



Dino's POV

"Anong meron bakit mukhang di okay yun?" bulong ko saka naglakad palapit sa kwarto ni Athena.. Huminga ako ng malalim at handa ng kumatok ng bigla kong mapansin na nakabukas ito ng konti.. Sumilip muna ako at nakita si Mingyu na sinusubuan si Athena

"Ayoko na"

"Konti na lang to Athena"

"Busog na ako"

"No"

"Tsk.. Daig mo pa nanay ko"

"So?"

Lumayo na ako sa pinto... Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang di ako mapakali... Selos ba itong nararamdaman ko...

---------------------------------

DON'T FORGET TO VOTE 🌟 AND LEAVE A COMMENT 📜 😘


















Living with 13 Weird Jerks (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon